Showing posts with label novel. Show all posts
Showing posts with label novel. Show all posts

Thursday, August 5, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 9


nobela ni: Melanie Quilla

Chapter Nine

            Magkahawak-kamay na naglalakad sina Ross at Sandra sa Fair Grounds sa loob ng Zeus-Apollo Academy. School fair at nataong Valentine’s Day kaya naisipan ni Ross na isama si Sandra sa event na iyon. It’s been half a year since they got married and so far, so good. They shared every sweet moment together.  At kahit parehong hectic ang schedule ay ginagawa talaga nila ang lahat ng paraan para magkasama at masulit ang buhay may-asawa.
Ross took off his cap and put it on Sandra. Binalingan niya ang asawa. “Medyo mainit na kaya sa’yo muna iyan.”
“Nagpapa-sweet ka lang e.”
“Oo nga. Ganon nga iyon. Sa’n mo  gustong pumunta?”
“Sir Ross!”
Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Ang mga estudyante niya ang nabungadan niya sa isang booth sa di kalayuan. Nakangiting kumaway siya sa mga estudyante niya. “Anong meron diyan?”
“Pagkain, Sir!”
Binalingan ulit niya si Sandra. “Gusto mong kumain?”
“Sige.”
Pumasok sila ng booth. Hinayaan niya itong pumili ng pagkain habang siya naman ay kinukulit ng mga estudyante niya.
“Sir, extend n’yo naman ang submission ng project,” sambit ng isa.
“Hindi na pwede. Male-late ako sa pagsa-submit ng grades n’yo pag nag-extend ako. Speaking of, nasa’n na ang projects n’yo?”
Nagkanya-kanya ang abot ng folders.
“Kayo ha, pinagloloko n’yo ako. Tapos na pala ang project n’yo humihingi pa kayo ng extension.”
“Eh Sir, may ibang group pa po kasi na hindi pa tapos.”
“Sige, hanggang bukas sabihin n’yo sa kanila ha. Final na iyon ha.”
“Thank you, Sir!”
Tumayo siya para tulungan si Sandra sa pagbitbit ng tray na pinaglalagyan ng pagkain.
Napansin nito ang patas ng folders sa mesa nila. “Grabe ka, Ross. Nalingat lang ako,  nakapagklase ka na agad?”
He laughed. “Deadline nila ngayon, well hanggang bukas. Kaya nga hindi ako naglalagi sa office. Gusto kong habulin nila ako sa buong fair grounds,” biro niya habang pine-prepare ang food nila. He grabbed the bottled water and opened it for Sandra. Siya rin ang nag-open ng styro na pinaglalagyan ng lasagna na inorder nito.
“Wow, parang sumubra ata ang pagiging maasikaso mo ngayon, Ross. Baka gusto mo rin akong subuan?” sambit nito. Inagaw niya ang tinidor dito at siya na ang kumuha ng pagkain at isinubo dito. Pagkatapos ay inagaw nito ang tinidor. “Ako na. Binibiro lang kita, sineryoso mo naman. Bakit ka ganyan ha?”
“Wala, sinusulit ko lang ang moment na ganito. Next week, wala ka. One week kang mawawala para sa shooting nung movie na ginagawa mo.” Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Wala akong malalambing ng isang linggo.”
“Di ka ba talaga pwedeng sumama sa akin?” masuyong tanong nito. “Sige na.”
“Gusto kong samahan ka kaya lang di talaga pwede.” Itinuro niya ang patas ng folders sa tabi niya. “Magtse-check pa ako ng projects at quizzes ng pitong sections na handle ko. Gagawa pa ako ng lesson plan at saka periodical at final exams.”
“Andami naman no’n. ‘Wag kang magpapagod habang wala ako ha.”
“Opo, Ma’am.”
They continued eating habang nagkukulitan at nagkukwentuhan, bagay na hindi nila akalaing mauulit sa buhay nila.
“Ross, hindi ka ba napapagod sa pagtuturo mo? I mean, sa nakikita ko kasi parang andami mong ginagawa as a teacher.”
“Hindi naman. Sanayan lang siguro. Nagawa ko nga ang mga bagay na ito noon kahit may sakit pa ako e ngayon pa kayang wala na akong sakit sa puso. Masaya naman ako dito. Lalo na kapag nakikita ko iyong mga dati kong naging estudyante at sinasabi  nilang isa ako sa inspiration kaya sila pumasok sa conservatory o kaya sila kumukha ng Education.”
Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang braso niya. “Ross, bakit may mga pasa ka?”
“Ha?” Sinipat niya ang braso niya at nakita ngang may mga pasa siya. “Oo nga ano. Hindi ko alam. Ngayon ko nga lang din napansin.”
Tumayo si Sandra at sinipat ang kabilang braso niya. “Pati dito meron. Ross, baka may problem ka sa dugo. Unusual  ‘to,” nag-aalalang sambit nito.
Pinabalik niya ito sa upuan nito. “Relax ka lang. Masyado kang nerbyosa. Baka bumalik iyong anemia ko.”
“What? May anemia ka? Pupunta tayo sa hospital pagkatapos nito. Pacheck up kita ngayon.”
“Sandra-”
“’Wag matigas ang ulo, Ross Daniel,” giit nito. Napangiwi siya nang marinig ang buong pangalan niya. “Aalis ako next week. Hindi pwedeng iiwan kitang ganyan. Hindi ako mapapalagay.”
“O sige na. Tatawagan ko muna si Penpen para ipaalam sa kanya.”   
Pagkatapos nilang kumain ay dumaan mula sila sa faculty office para kunin ang ilang trabahong iuuwi niya. Naglalakad na sila sa hallway nang bigla na lang nahilo ito.
“Ross, teka lang…” Napakapit ito sa braso niya.
“Sandra!” Bigla itong nawalan ng malay. Mabuti na lang at agad niya itong nasalo. Kaya ang ending sa halip na siya ang magpa-check up, si Sandra ang sinuri ng doctor pagkarating nila sa hospital. At isang good news ang natanggap nila.

“O ANG sabi ng doctor, ‘wag kang masyadong magpapagod. Masama iyon sa baby natin ha. At kapag may morning sickness ka o masama ang pakiramdam mo, tawagan mo ako ha. I don’t care kung anong oras iyon basta tatawagan mo ako. Okay?” litanya ni Ross.
Nasa airport sila at inihatid niya si Sandra doon. Babyahe ito sa Davao para sa shooting ng ginagawa nitong pelikula.
“Opo.”
He embraced his wife. “Mag-iingat ka do’n. Kumain ka ng maraming healthy foods para sa’yo at sa baby natin.” Hinaplos niya ang tiyan nito at napangiti siya.
Sandra was two months pregnant. Ilang buwan lang, tatay na siya… tatay na ulit. At sa pagkakataong ito, hindi na siya magkukulang sa anak niya.
“One week lang akong mawawala. At saka  kasama ko si Kuya Herald. Hindi ako pababayaan no’n. Baka nga,  tumunganga lang ako do’n at hindi na niya ako pakilusin.”
“Hay, kung pwede ko lang iwanan ang estudyante ko kaso talagang hindi. Basta ang usapan natin ha.”
“Oo nga po. At ikaw, magpapa-check up ka ha. Hindi nawawala ang mga pasa mo sa braso.”
Tumango siya. “Didiretso na ako ng hospital mamaya.”
“Sige, from time to time, magtawagan na lang tayo ha.” Tumango siya. “Need to go. I love you. Mag-ingat ka dito.”
“I love you. Call ka agad ha.”  He kissed her and let go of her. He waved as she entered the terminal.
Dumiretso siya sa hospital kung saan nagta-trabaho si Penpen. Mula kasi nang maging ganap na doctor ang kaibigan niyang ito ay ito na ang humawak ng health records niya. Internal Medicine ang specialization nito. Pinapunta rin niya si Hansen doon para suportahan siya. Alam niya sa katawan niyang may mali, isang bagay na matagal na niyang binabalewala sa takot na malamang may malalang sakit na naman siya.
Sumailalim siya sa physical exams at lumabas na may anemia siya. Ngunit dahil may history siya ng heart transplant at kung anu-ano pang complications noon, minabuti  ni Penpen na i-refer siya sa ibang specialized doctor. Sumailalim na rin siya sa iba’t ibang tests tulad ng bone marrow aspiration at bone marrow biopsy.
 Makailang araw ay pinabalik siya ng doctor para sa iba pang test tulad ng Computed tomography  o CT scan, Magnetic resonance imaging o MRI scan, at iba pa. At pagkalipas ng ilang araw ay lumabas na ang resulta ng tests.

HINDI na nagawa ni Ross na tumuloy sa Senang Hati para sa gig ng Infinity matapos niyang makausap ang doctor niya. Diretso siyang umuwi ng bahay. Sinabi na lang niya sa mga kabanda na di maganda ang pakiramdam niya. Si Penpen at Hansen ang unang nakaalam ng lagay niya. Kapwa sila lahat natulala na lang nang makumpirmang may cancer siya.
            Wala pa rin siya sa sarili nang humiga siya sa kama. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng doctor.
            “Mr. Ferrer, series of tests showed that you have abnormal cells inside your bone marrow. The cells grow very fast, and replace healthy blood cells. The bone marrow, which helps your body fight infections, eventually stops working correctly. Because of that, you are more prone to infections and have an increased risk for bleeding as the numbers of healthy blood cells decrease.”
            Noong una ay hindi niya maintindihan ang patutunguhan ng paliwanagan na iyon hanggang sa sabihin na ng doctor ang sakit niya.
            “I’m sorry to inform you that you have Acute Myeloid Leukemia or AML, a quickly progressive malignant disease in which there are too many immature blood-forming cells in the blood and bone marrow. This type of cancer is very rare at your age. Normally, ang nagkakaroon ng AML ay mga matatanda na. It is the reason why you experienced series of fever and flu these past few weeks and those bruises on your shoulder and arms. Humihina kasi ang immune system mo.”
            Itinanong niya kung anong pwedeng mangyari sa kanya dahil sa sakit na iyon.
            “Tatapatin na kita, Mr. Ferrer. Hindi ko maipapangakong, gagaling ka. Let’s face reality. You have cancer of the blood and it is one of those types of cancer that’s difficult to cure. Unti-unting kakainin ng cancer cells ang katawan mo kung hindi maaagapan. May posibilidad na kumalat ito sa other organs mo that would develop another complications.”   
            That was the safest way of saying, “Mamamatay na siya.” And that fact was not easy to accept especially in his case. Newly-wed siya  at on the way na ang baby nila ni Sandra. Paano niya masasabi sa asawa ang lagay niya?
            Namataan niya sa bedside table ang isang picture frame. Laman noon ang larawan nilang mag-asawa noong ikinasal sila at ang isang bahagi ay ang larawan ng panganay nilang anak isang araw bago ito mamatay. Kinuha niya iyon at niyakap. Gulung-gulo pa rin ang isip niya nang marinig niya ang message alert tone.
            He grabbed the phone. Isang text message ang natanggap niya.
            Sweetness, I’ll be home tonight. See you. Andito na kami sa airport.  
            Tinawagan niya ang asawa.
            “Miss na miss mo na siguro ako. Hindi ka na makapaghintay na makauwi ako diyan,” buska ni Sandra sa kabilang linya.
            Napangiti siya pero kasunod na noon ay ang pagtulo ng luha niya. “O-oo. Miss na miss na kita kaya tama iyan, umuwi ka na dito sa akin.”
            She laughed na lalong nagpabigat sa loob ni Ross.
            “Sandra, I-I love you so much.” Kinagat niya ang labi para pigilang mapahikbi.
            “Bakit ganyan ang boses mo? Nasaan ka ba? Sa Senang Hati?” bagkus ay tanong nito.
            May naramdaman siyang ibang liquid na lumalabas sa ilong niya. He grabbed the tissue paper and found out that his nose was bleeding. “Nasa bahay ako, may konting sipon lang,” palusot niya.
            “Na naman? Sige, papasok na kami ng eroplano. I love you. Mag-rest ka na lang diyan.”
Nakatulala pa rin siya kahit ilang minuto ng tapos ang usapan nila ni Sandra. Na-distract lang siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya at tumambad sa kanya ang kakambal.
            “’Tol, andito sina Mama,” sambit ni Hansen.
            Humahangos na pumasok sa kwarto ang mga magulang niya. Agad siyang niyakap ng mga ito.
            “Mama…” Tuluyan na siyang umiyak sa balikat ng kanyang ina.

            ILANG minutong nakatulala lang si Sandra nang ipagtapat ni Ross ang results ng medical exams nito. Ilang segundo pa, nag-sink in na rin sa utak niya ang katotohanang iyon. Mauunang mamatay si Ross kesa sa kanya, isang bagay na hindi niya alam kung paano niya kakayanin. Tears fell from her eyes.
            Niyakap siya ni Ross. “Sandra, relax ka lang at baka makasama iyan sa baby natin.”
            “Relax? You are asking me to relax? I’m losing you, Ross! Leukemia ang sakit mo at hindi sipon. Paano ako magre-relax lang kung di ko alam at walang may alam kung hanggang kelan…hanggang kelan kita mayayakap ng ganito.”
            Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito at tinitigan siya.
            “Limitado ang oras ng tao sa mundo. Hindi ko kayang ipangako na andito ako palagi para sa’yo. You need to accept it, Sandra. We can’t live together for the rest of our lives. I’ll be gone before we notice it. I know, it’s not easy. It’s painful. But as long as I breathe, I’ll share every single memory of life with you.”
            Tumungo siya. Ayaw niyang tanggapin ang sinasabi nito. Hindi niya gustong tanggapin iyon.
            “Sandra…” Hinawakan nito ang baba niya at pilit iniangat kaya muling sinalubong siya ng expressive nitong mga mata. “Walang may gusto na mangyari ito sa akin pero wala na tayong magagawa. Andito na sa katawan ko ang sakit na iyon. The only thing we should do is to start collecting sweet memories together.” Nanginig ang kamay nitong kumukulong sa mukha niya nang di nito naiwasang umiyak. “Iyon na lang ang maiiwan ko sa’yo at sa baby natin. I want you to be strong for me, for our baby, for yourself. Let’s set aside the fact that I’m dying. Andito pa naman ako. Mag-concentrate na lang tayo sa baby.”
            Niyakap ulit siya nito. Alam niyang siya ang pinagkukunan nito ng lakas ng loob. Kaya dapat ay magpakatatag na siya.


Tuesday, August 3, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 8



nobela ni: Melanie Quilla

Chapter Eight
           
            “My toes, my knees, my shoulder, my head! Oh, my ankle... my poor ankle!”
            Napapailing si Sandra habang naririnig niya ang reklamo ni Diane sa kung anu-anong masakit daw dito. Kasalukuyan silang namumundok kasama ang Thunderkizz Band at ang kasintahan ng mga ito. Isinama siya ni Reijan. Pero hindi lang ang pag-iingay ni Diane ang ikinaiinis niya kundi si Ross. Hindi man lang siya lapitan nito at pawang nananadya talaga dahil kay Diane ito nakadikit.
            “Ay naku, Diane. Bahala ka na nga diyan sa buhay mo. Reijan, ikaw na nga bahala dito,” sabi ni Ross.
            Walang-sabing iniwan siya ni Reijan. “Uy, paano naman ako?”
            “Pagtityagaan na lang kita,” tugon ni Ross.
            Binilisan niya ang lakad. “Di bale na lang, kaya kong mamundok ng walang taga-alalay. Hindi katulad ng isa diyan, nag-iinarte pa.”
            “Ross, my dear. Pakisabi nga diyan sa kasama mo na kung naiinggit siya e di mag-inarte din siya. Palibhasa kasi, bitter siya sa break up ni’yo kaya siya ganyan,” pang-aasar ni Diane.
            “Reijan, pakitulak nga sa bangin ng isang maingay diyan para mabawasan naman ng burden itong kabundukan na ‘to. At saka-” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang akbayan siya ni Ross.
            “Pabayaan mo na si Diane. Ako na lang ang intindihin mo okay.”
             She felt her heart skipped when she became aware of his body beside her. “Pwede ba? Bitawan mo nga ako. Matapos mong hawakan siya, hahawak ka sa’kin? Yuck!”
            “Tama na, ‘wag mo ng pagselohan. Andito na nga ako.”
            “Ang kapal ng mukha mo, Ross!” May naamoy siya dito na hindi niya gusto. Agad niyang kinuha ang pabango niya sa bag at halos ipinanligo na niya iyon dito. Hindi naman ito nagreklamo at hinayaan na lang siyang ispray dito ang pabango niya. “Kumapit na sa’yo ang pabango ni Miss Pulot, hindi maganda sa pang-amoy ko.” Nang ma-satisfied ay hindi na siya nag-reklamo nang akbayan siya nito at alalayan sa pag-akyat.
            “Woman! Masakit talaga sa ulo ang babae,” komento ni Ross. “Teka, mauna ako para maalalayan kita.”
Nauna itong humakbang sa medyo mataas na bahagi at nang makahanap ng balanse ay iniabot nito ang kamay sa kanya. He pulled her up and embraced her nang mawalan siya ng balanse. Sa takot na mag-slide sa bangin ay napayakap siya rito. Bumilis pa ang kabang naramdaman niya. Kay Ross lang naman talaga siya nakakaramdam ng security simula pa man.
“Okay na, Sandra. Mauna ka?”
Nakita niya ang sunod na aakyatin, mataas din iyon. “Ikaw muna, baka mahulog lang ako.”
“Sige, kapit ka muna diyan sa puno.” Nauna itong umakyat and pulled her up again.
Nadulas pa siya. Mabuti na lang at maagap siya nitong nayakap. Isinubsob na niya ang mukha sa dibdib nito. Mas malamim kasi na bangin ang babagsakan niya kung nagkataon. “Sabi ko nga, kailangan ko ng alalay. Hindi na dapat ako sumama kasi hindi naman ako marunong mamundok.”
Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Kaya nga, andito ako di ba?”
“Wow, ang sweet naman.”
“Patingin nga. Yihi!”
“Kasalan na iyan!”
Narinig nilang tukso ng mga lovers nina Drexcel at Yohann na kasama ni Ayame.
Tinukso na tuloy sila ng lahat. Lalo lang niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Ross sa hiya.
“Yohann, mahaba pa ba ang ganito kahirap na daan?” tanong ni Ross.
“Medyo, pare.”
“Ayos. Sana ganito na lang lahat ang daan!” biro ni Ross.
Hinampas niya ang balikat nito. Napasinghap ito at humagalpak ng tawa. Nakitawa na rin  ang iba.
They continued hiking hanggang sa medyo patag na ng konti ng dinadaanan nila. Ross never let go of her hand. Once in a while din ay inaakbayan siya nito.
He touched her back. “Basa na ang likod mo. Wait.” Huminto sila ng paglalakad at kumuha ito ng towel sa bag na dala.
He inserted the towel inside her shirt. Pakiramdam niya ay dumoble ang kabang naramdaman niya sa ginawa nito. Nagiging sweet na naman ito sa kanya matapos siya nitong pabalang na kausapin noong nasa Tarlac sila.
“Thanks.” Kinapa din niya ang likod nito. “Basa na rin likod mo.”
Iniabot nito sa kanya ang isa pang towel. Inilagay niya iyon sa likod nito. Bigla tuloy niyang naalala ang mga sweet moments nila noong mag-asawa pa sila. She used to be so caring for him, bini-baby niya ito.
“Sandra, pwedeng magtanong?”
“Sure.”
“Ano ba talaga tayo?”
They continued walking. “Di ko nga alam e. Once, we’re sweet, we care for each other. Pero pagkatapos no’n, we hate each other. Tapos sweet ulit. Tapos away ulit.”
“Ahm… aaminin ko na. Nagseselos talaga ako from head to toe whenever I see you with that film director. Hindi ko talaga gusto na may ibang nagpapasaya sa’yo. Call it selfish but that’s what I feel. Mas gwapo naman ako do’n. Bakit parang ang saya-saya mo ‘pag kasama mo siya?”
Binatukan niya ito. “Imagination mo lang iyon. Almost sampung taon na kitang minamahal kahit naaasar, nagagalit at napipikon ako sa’yo. Hindi naman iyon ganon kadaling itapon. Bakit ikaw? Masaya ka rin naman kapag kasama mo si Diane.”
“Sumbungan lang ako no’n sa mga kalokohang pinaggagawa sa kanya ni Reijan. Wala lang iyon. Imposibleng ako pa ang unang ma-fall out of love sa’yo.”
“E bakit ka nakipag-divorce sa akin?”
“Para mas madali sa’yo ang magdesisyon sa buhay mo. I thought you would hate me more after mong malaman na  nilihim ko sa’yo na may sakit ako noon.  Naisip ko na kung divorced tayo hindi ka na mapipilitang makipag-ayos sa akin dahil naaawa ka o  nagi-guilty ka. Pero reverse iyong nangyari. Mabuti na rin iyon. Kasi kung hindi tayo nag-divorce, malamang mas magulo pa tayo kesa sa kaguluhan natin ngayon. So, ano kayang itatawag natin sa relasyon natin?”
Tumawa siyang nang maisip ang isang corny na salita. “MU.”
He laughed. “MU? May mutual understanding na maging sweet at mutual understanding na mag-away. Sagutin mo na lang ako ulit para tayo na.”
“May itinanong ka ba?”
He suddenly stared at her with full of excitement and love. “Wala pa. Mamaya, meron.”
Kunot-noong pinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa maabot nila ang campsite.
Habang abala ang mga boys sa pagtatayo ng tents, inabala ni Sandra ang sarili sa pag-appreciate ng mga puno, damo, bato, at engkanto na matatagpuan sa kagubatang iyon.
Nilapitan siya ni Penpen. “May lagnat na naman si Ross. Napapadalas na may sakit ang isang iyon ngayon.”
Nag-aalalang nilingon niya ito. “Na naman? Nasaan siya?”
“Andun sa tent, pinagpahinga ko muna. Pwede mo siyang puntahan.”
Agad niya itong pinuntahan pero hindi may sakit na Ross ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang tent. May mga nakalatag na macaroons at polboron na bumuo sa salitang, “Marry me, again?” at may mga rose petals pa sa paligid. Then she saw Ross naka-cross sitting position at nagsa-strum ng gitara sa sulok ng tent at maya-maya pa’y kumanta na ito.
“I’d gladly take this ride, as long as you are there on the other side. Not making sense at all, of making sense of it all. So while I can, I’ll take the chance , I’m diving in. If you need me, I will die to feel alive again…So, I say I love you. I don’t wanna wait forever just to say, I need you. Doesn’t even have to matter. If it really matters anything to you.”
He was lovely staring at her while singing. She was succumbed by lots of emotions. Ni sa pangarap ay hindi niya naisip na muli, aalukin siya nito ng kasal. She was overwhelmed at nadagdagan ang kilig na naramdaman niya nang may mag-second voice sa kinakanta nito mula sa likod niya. Thunderkizz was singing with Ross!
“I’m falling like I’ve never done so before. I’m flying against the wind and here I go…So, I say I love you. I don’t wanna wait forever just to say, I need you. I don’t wanna wait forever. So, while I can I’ll take the chance. So, I’ll say, I need you. Doesn’t even have to matter when I say…I love you so (I love you), I need you. It doesn’t really matter… If it really matters anything to you…I love you…”
“Sandra-”
“Yes!”
Tumawa si Ross kasabay ng pagtawa ng lahat. “Teka lang naman, may sasabihin pa ako.”
“Alam ko na iyan. Mahal mo ako, hindi mo na ako iiwan at hindi mo na ako sasaktan. Tama?”  
“Hay naku, o siya.” Nilapitan siya ni Ross. He raised his hand and pick something from her ear. “Matagal kong pinaraktis itong trick na ito na tinuro ni Earth.” Mula sa likod ng tenga niya ay nakuha nito ang isang emerald ring.  Pagkatapos ay masuyong isinuot iyon sa palasingsingan niya. “Alam kong medyo out of place itong proposal ko. Gusto ko lang kasing bumalik ka na sa akin.”
“Hindi ako hihindi. Alam mo iyan. At matakot ka dahil walang divorce ang kasal sa Pilipinas at maraming kaekekan magpa-annul.”
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Wala na akong balak na hiwalayan ka. From now on, this relationship will only be for romance and happiness. I love you so much. And I mean it.”
“I love you, too.”
He leaned down and kissed her. Sabi nga nila, kung talagang para sa’yo ang isang tao, magkahiwalay man kayo, magiging kayo pa rin. Iyon ang nangyari kina Ross at Sandra.
 “Yehey! Sakalan na!” patawang hirit ni Reijan.
“Tapos na ba ang proposal? Kainin na natin ang macaroons at polboron. Lamang tiyan din iyan!” hirit din ni Drexcel na ikinatawa ng lahat.

FEW days after, itinakda nila ang pamamanhikan. Umuwi pa ang magulang ni Ross para personal na makaharap ang pamilya ni Sandra.
“Wala ng magulang si Sandra. Bata palang siya namatay na iyong parents niya tapos three years ago daw namatay na rin iyong isa pa niyang kapatid. Ang tumatayong magulang niya ay iyong magulang ni Herald,” kwento ni Ross sa mga magulang habang papunta na sila sa tahanan ng mga Pontez.
“Ganon ba? Ay di bale, ituturing ko siyang anak ko rin. Kasi naman, dalawa lang kayong anak ko, puro lalaki pa. Buti nga at nagpakasal itong si Hansen at nagkaroon ako ng babaeng anak. Pag ikinasal na kayo ni Sandra, dalawa na ang daughters ko,” excited na hirit ng mama niya.
Ngayon palang makakaharap ng personal ng mga magulang niya si Sandra, bagama’t   nagkausap na ang mga ito sa telepono. Noon kasing maaksidente siya noon, nasa ibang bansa ang mga magulang niya.
“Basta anak, tulad ng bilin ko kay Hansen, mamahalin mo, aalagaan, uunawain at pagsisilbihan ang mapapangasawa mo. Although nagawa n’yong magpakasal noon, iba na ngayon, Ross. Mature na kayo at mas responsible. Be the best man for her, okay.”
“Yes, Dad.”
Ang totoo, excited siya na kabado sa pamamanhikan. Ngayon lang din kasi siya haharap ng pormal sa Tita Marciela at Tito Robert ni Sandra bilang fiancé nito.
Sinalubong sila ng buong pamilya nang dumating sila. Andon din sina Herald at Zhei. Mayay-maya pa’y masaya at puno ng kwentuhang nagsalu-salo sila sa hapag.
Iniwan na nila ang mga magulang sa komedor at sa lanai sila nagtuloy. He lovingly embraced her waist from her back and landed a quick kiss on her cheek. “I love you.” He whispered.
“Ako rin, I love you,” tugon ni Sandra. She held his hands. “Alam mo ba ang first goal ko after our wedding?”
“Let me guess. You will give me a child?” excited na tugon niya.
She laughed. “Tama.” Bumitaw ito sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Iniyakap nito ang braso sa leeg niya. “I promise, you will experience how nice to be a father and this time it’s for real. Hndi na ikaw iyong tipong yayo ng pamangkin mo. You will take care of your own baby.”
“Thank you.” He lovingly embraced her and swayed. Isinayaw niya ito kahit walang music. He hummed her favorite song, This I Promise You.

SERENADED by Thunderkizz Band pride- Ayame and Yohann together with the Zeus-Apollo Academy Choir, Sandra and Ross shared the most romantic wedding ceremony she ever imagined. Now, si Mrs. Kahsandra Limien Pontez-Ferrer na ulit siya. Official na, at wala ng bawian. 
Ang solemn at romantic ceremony ay nauwi sa makulit at masayang dance party sa Senang Hati. Isinara sa public ang bar ng isang gabi para sa celebration ng kasal nila. Pinaghalong rock at RNB ang tema ng music kaya lalong naging masaya ang party.
“Sandra, ayaw ko pang ikasal at ayaw kong ikasal sa tukmol na iyon. Ulitin  mo na lang ang paghagis nito.”
Ibinalik ni Diane sa kanya ang bouquet pero nabawi iyon ni Reijan na siyang nakasalo ng garter at ipinagpilitan ang bulaklak kay Diane.
“Hindi mo na mababago, ako ang destiny mo kaya umayos ka.”
Nag-iiringan pa ang dalawa habang naglalakad-palayo sa kanya. “Kulit ng dalawang iyon.”
“Sinabi mo pa. Sandra, hindi ka pa ba napapagod sumayaw? Kanina pa tayo dito sa dance floor. Nagpalit na ng apat na kanta.”
“Medyo nangangawit na nga ako.”
He held her hand at iginiya siya sa mesa nila. Nasa dance party mode halos lahat ng bisita nila maging mga parents nila.
“Nakakatuwa ang parents natin, mga feeling bagets o,” buska ni Sandra.
“Oo nga. They have loved each other for decades now. Sana tayo rin,” tugon ni Ross.
 Binalingan niya ito at nginitian. “Oo naman, naka-isang decade na nga tayo e.”
“O cheers para sa bagong kasal!” announced ni Earth. Itinaas ng lahat ang kanilang wine glass. “Dahil nalugi ako ng isang gabing kita dahil sa inyo, cheers!”  Tumawa ang lahat, pati si Ross ay napakamot sa ulo. Noong isang araw pa kasi nagbibiruan ang dalawa na ibabawas daw ni Earth sa sweldo nito ang dapat kikitain ng bar sa isang gabi. But the truth, buong-pusong ibinigay ni Earth ang gabing iyon ng Senang Hati bilang regalo.
Ross, cling his class on her and they sipped the wine followed by a sweet kiss. 

Sunday, August 1, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 7


nobela ni: Melanie Quilla

Chapter Seven

            “Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Bakit kasi di n’yo ako inawat sa pag-inom? Asar naman itong hang-over na ‘to!” reklamo ni Ross habang nag-aagahan silang magkapatid kasama si Penpen.
Magkasama sila sa bahay dahil ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa na. Sa Prague na nila pinatira ang mga iyon matapos makabangon ang pamilya nila sa financial crisis. At  dahil nasa recovery stage pa daw siya sabi ng nanay nila, hindi pa siya pinayagan ng mga itong tumira ng nag-iisa sa bahay. Ang ending, para siyang boarder ng mag-asawa.
“Grabe kang malasing alam mo ba iyon? Parang natulog lang ako kagabi, okay ka pa. Nang magising ako ng alas-kwatro kanina, nagwawala ka na,” buska ni Penpen.
“Ha?” kunot-noong tanong niya. “Ano bang pinaggagawa ko?”
“Marami, bro! Ang ingay mo nga. You’re singing,” sagot ni Hansen, “with wrong lyrics dude. Naubusan kaming lahat ng energy sa kakatawa sa’yo.”
“Ganon? Ginawa ni’yo akong clown? Medyo naaalala ko pa nga iyan, I’m singing Tagalog songs.” Siya mismo, tinawanan ang sarili. “Ano pa?”
“You’re proposing marriage,” dagdag ni Hansen sabay subo ng sinangag na kanin at tocino. “Tinatawag mo kaming lahat na ‘Sandra’ and you proposed marriage sa aming lahat. Pati kay Penpen.”
Nagulat siya sa sinabi nito. “I did that?” Tumango ang mga ito. “Nakakahiya!  Buti na lang wala si Sandra.” Nagkatinginan ang mag-asawa. “Bakit?” Bigla niyang naalala na may nakita nga siya kagabi na kamukha nito. “Nakita ako ni Sandra na lasing?”
“Apparently, yes. Siya pa nga ang nag-asikaso sa’yo hanggang sa ma-knockout ka na. Siya rin ang nagluto ng kinakain mo,” litanya ni Penpen.
Naisubsob niya ang mukha sa kamay. Hiyang-hiya na siya. “Nakakahiya talaga ako, oo. Teka, anong ginagawa niya dito kagabi? Sinundo ni’yo siya?”
“No, may sasabihin daw siyang importante sa’yo. Kailangan daw ninyong mag-usap e kaso lasing ka naman,” tugon ni Hansen.
Iniabot sa kanya ni Penpen ang isang papel. “Pinabibigay ni Sandra. Hindi na niya kasi mahintay na magising ka kasi may importante daw siyang lakad ngayon.”
Tinanggap niya ang papel at binasa ang nakasulat doon.
I hope it’s not too late, Ross. Naintindihan na kita, naiintindihan ko na ang lahat. I got the chance to read your blog site. Sa kahahanap ko ng sagot sa mga tanong kung bakit tayo umabot sa ganito, nakita ko ang internet accounts mo.
Honestly, I don’t really know what to say. You have loved me that much and it was just last night when I realized its worth. You’re damn wrong. ‘Cause you’re the best man for me…and maybe I am not worth it of your love.
Wala kang kasalanan sa akin, Ross. Pero ako, may malaki akong kasalanan  sa’yo. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa’yo kaso inabutan kitang lasing kagabi. Ayan tuloy, naubusan na ako ng lakas ng loob. Siguro, hindi pa right time. Bubwelo muna ako ha.
I’ll be out of the country for couple of weeks. May tina-target kaming Film na isho-shoot sa iba’t ibang bansa kaya naisip kong tulungan si Kuya Herald sa project. Maybe it’s high time for me to shift from stage directing to film-making. Mabuti na rin iyong  magkalayo muna tayo. We will have time to cool our heads. Pagbalik ko, sana makapag-usap tayo. I’ll be praying na magtuluy-tuloy ang paggaling mo. Mag-iingat ka palagi. At…’wag ka ng maglasing. Baka makasama pa iyan sa’yo. See you soon.
Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Natuklasan lang niya iyon nang abutan siya ng tissue ni Penpen.
“Siguro mahal pa rin niya ako. Hope we could start over,” sambit niya. “Ang pangit, kalalaki kong tao, umiiyak ako sa love letter.” Pinilit niyang tumawa habang pinupunasan ang pisngi.
“Oo nga, bro. Ang cheesy mo,” buska ng kapatid niya.
“Mas cheesy ka. Di ba Penpen?” Tumango lang si Penpen habang tuloy ito sa pagkain.
“You better focus on your career, bro. Para pagbalik niya, mas malakas ang loob mong harapin siya. Dahil pupusta ako, she will be multi-awarded director soon. Nagka-award na nga siya sa pagdi-direct ng music video namin e.”
“Oo nga.”
In some point, Ross has been challenged by the situation.

 NAGKATOTOO ang hula ni Hansen. Few months later, Sandra was hailed as Best Director sa isang International Prestige Film Festival. Nagsunud-sunod ang film projects nito. At lahat ng movies na ginawa ni Sandra ay pinapanood ni Ross.
Most of the time ay nakikita ni Ross si Sandra during premiere nights ng mga movies nito pero hindi na siya nag-abala pang lumapit. Kung magkakausap sila, may tamang lugar at tamang panahon. At isa pa, paano siya lalapit kung palaging kasama nito ang isang film director na napabalitang manliligaw daw nito?
Habang abala si Sandra sa film-making, si Ross naman ay patuloy pa rin sa pagiging guro ng music sa Zeus-Apollo Academy at sa pagsali sa mga music competitions. Eventually, he gained awards from various competitions in and out of the country. Nagsimula na rin siyang mag-invest sa mga negosyo ng mga kaibigan niya.
Binyag na ng panganay ni Hansen. Nagka-baby girl ito na  pinangalanan ng mag-asawa ng, ‘Danielle Ahne’. At syempre, ninong din si Ross. Kasalukuyang nasa loob sila ng simbahan at hinihintay pa ang ilang bisita na dadalo sa binyag ng pamangkin niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa isa sa pew.
Nilapitan siya ni Penpen. “Kamusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito. Sinalat nito ang noo niya. “May lagnat ka pa.”
Ngumiti  siya ng bahagya dahil mabigat din talaga ang pakiramdam niya. “I just took the medicine few minutes ago. Maya-maya lang siguro wala na ito.”
“Basta pagkauwi natin, i-check up kita. Baka may infections iyong transplant mo. We need to be sure na lagnat-laki lang talaga iyan.” Napalingon ito sa bukana ng simbahan na nasa likod niya. “Ay palagay ko, andiyan na ang medicine mo.”
“Ha?” Napalingon na rin tuloy siya at napangiti  nang makita si Sandra na papalapit sa kanila. Nawala lang ang ngiti niya nang maalalang nakikipag-date na nga pala ito sa iba at pawang nakalimutan na siya. Binalingan ulit niya si Penpen. “Tell me, ninang din ba siya?” Tumango lang si Penpen. 
“Hi!” bati ni Sandra. Binalingan siya nito. “Are you sick? Maputla ka, Ross.”
“Ah..medyo nilalagnat ako today. Pero okay lang. Ikaw kamusta ka na? Napanood ko lahat ng movies mo.”
“Naku, dapat lang ano. Nag-effort pa kaya akong magpadala ng complimentary movie tickets sa‘yo.” She laughed and sat beside him.
“Iwan ko muna kayo ha. Sandra, ikaw na muna bahala sa kanya. Matinding magkalagnat iyang si Ross, nawawalan siya ng malay-tao minsan. Nabuway na nga siya kanina.”
 Napakunot noo si Ross. Kelan pa ako hinimatay sa lagnat? Until he realized something. Penpen was saying something na pwedeng maging way para maging malapit sa kanya si Sandra. Nice strategy.
Pagkaalis ni Penpen ay nag-aalalang binalingan siya ni Sandra. “As if na hindi ko alam kung gaano ka ka-worse magkasakit. Ilang beses ka ring nilagnat noong mag-asawa pa tayo sa Prague.” Sinalat nito ang noo niya at leeg. “Mainit ka nga. Di bale, aalagaan kita. That’s what ex’s are for.”
Iyon nga ang nangyari. Hanggang sa munting salu-salo sa bahay pagkatapos ng binyag ay nakabantay sa kanya si Sandra at inaalagaan siya.
“Nalalasahan mo ba itong isinusubo ko sa’yo?” tanong nito sa kanya pagkatapos isubo sa kanya  ang konting kanin at ulam. Nasa sala sila ng bahay at pawang walang pakialam sa ibang bisita.
“Honestly, hindi. Pero uubusin ko iyan  kasi nahihiya na ako sa’yo. Salamat ha,” sambit niya.
“Sus, na-miss ko rin naman ito.”
Tinitigan niya ito  at hinawakan niya ang kamay nito may hawak ng kutsara. “Na-miss kita.”
Nagulat ata ito sa sinabi niya dahil nabitawan nito ang kubyertos na hawak. Nahulog iyon sa pinggan. “Ah….” Bigla itong umiwas ng tingin. “’Wag mo nga akong tingnan ng ganyan.”
Pero hindi niya inalis sa pagkakatitig dito ang mga mata niya. “Bakit? Ano bang iniisip mong dahilan kung bakit ko gustong tingnan ka ng ganito?”
Binalingan ulit siya nito. “Hmm, dahil na-miss mo ako?”
Umiling si Ross. “Hindi iyon. Oo na-miss kita  pero may ibang dahilan pa.”
“Nagagandahan ka sa akin?”
He chuckled. “Yes, I do pero hindi rin iyan.”
“E ano?”
He intently ang lovingly gazed at her. “The feeling is still here in case you wanna know, Sandra. Kaya lang balita ko may manliligaw kang film director din.”
“Wala iyon. Basted na pero bumabalik-balik pa rin.”
“Ah.” Inawat niya ang pagsubo ulit nito ng pagkain sa kanya. “Ayoko na, busog na ako.”
Ibinaba nito sa center table ang pinggan at muling binalingan siya. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Sandra, di ba sabi ko sa blog ko, stay away from me. Ignore me. Bakit andito ka pa rin?”
 “Ewan ko rin.”
Sumeryoso si Ross. “Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin noong  nalasing ako?”
Kumuha ito ng papel sa bulsa at inilagay iyon sa bulsa ng polo niya. “Next week na lang natin pag-usapan iyon ‘pag okay ka na. Nasa papel na iyan ang meeting place natin at ang time. Kung kelan next week, tatawagan na lang kita. For now, magpapagaling ka.”

KABADO si Sandra habang hinihintay ito sa gate ng Rest My Heart Memorial Park. Buong gabi niyang pinagpraktisang mabuti ang sasabihin niya pero pakiramdam pa rin niya, hindi niya kayang sabihin ang mga iyon dito. Bihadong kahit anong gawin niya para maging magaan ang sasabihin niya, masasaktan pa rin ito na matutuklasan. Maya-maya pa’y isang puting Chevrolet na kotse ang nag-park at bumaba mula roon si Ross. May dala pa itong isang bouquet ng roses. 
“Medyo late ako, pasensya na. Traffic kasi. Para sa’yo ‘to.” Iniabot nito ang punpon ng bulaklak sa kanya.
“Okay ka ba ngayon? Wala ka na bang sakit? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” bagkus ay tanong ni Sandra.
“All yes, Sandra. Ready ako sa usapang ito and ‘wag mong pakaisipin ang puso ko. Naka-adapt na ito sa katawan ko.” He held her hand. Lalo tuloy siyang kinabahan. “Tara na, naghihintay na ang anak natin sa loob.”
Natigilan siya. “Paano mo nalaman? Alam mo na?”
Kunot-noong binalingan siya nito. “Akala ko ba, binasa mo ang blog ko? It was written there.”
Umiling siya. “Konti pa lang ang nabasa ko, hindi pa lahat.” They continued walking.
 “Alam ko lahat ng nangyari sa’yo. Ang muntik mo ng pagsira sa buhay mo, ang pag-overdose mo ng sleeping pills, pagkatapos ay ang pagkaka-discover mo na buntis ka pala, ang pagbubuntis mo sa anak natin, ang panganganak mo, ang pag….ang pagkamatay niya. And believe it or not, I was there throughout the time, binabantayan kita. Even noong inilibing si Sandra Daniela Ferrer, andon ako sa malayo at ipinagluksa siya. Hindi naman talaga kita iniwan.By the way, thanks for letting our daughter carry my name sa kabila ng galit mo sa akin.”
Huminto sila sa puntod ng kanilang anak. Pagkapanganak niya sa bata ay tatlong araw lang ang itinagal ng buhay nito dulot na rin ng maraming komplikasyon. They both sat on the grass. Tinitigan lang nilang maiigi ang lapida nito for couple of minutes.
“Kalahati rin ng buhay ko ang nawala nung mamatay siya,” basag ni Ross sa katahimikan. “Kung may regret lang ako, siguro iyon ‘yong hindi ako nabigyan ng chance na yakapin ang anak natin bago man lang siya ilibing. Hindi ako makapuslit noon kasi yakap-yakap mo siya. Binitawan mo lang siya nung dumating ang mga taga-funeraria. Mabigat ang loob ko noon. Gusto kong lumapit, yakapin siya, yakapin ka pero naisip ko, gagawa lang ako ng gulo kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.”
“I’m sorry. Kasalanan ko kung bakit siya nawala sa atin. Hindi ko iyon ginusto. Kung mas maaga ko sanang nalaman na buntis ako, bubuhayin ko siya kahit mag-isa ako.” Tears fell from her eyes in an instant.
Masuyong niyakap siya ni Ross. “No. Wala kang kasalanan, Sandra. Ibinibigay ng Diyos sa atin ang ganitong pagsubok para patatagin tayo. Kasama ito sa listahan ng mga plano ng Diyos sa atin. Now that we learned from our mistakes, alam ni Lord na kung sakaling maulit ang sitwasyong nangyari sa atin noon, ang gagawin na natin ay iyong tama.”
 “Kung sabagay…” naputol ang sasabihin  niya nang mag-ring ang phone niya. Iyong director na binasted niya ang tumatawag. Agad siyang lumayo kay Ross para makausap ang director.
“Sandra, sige na second chance. Last na ‘to. We will have our last date and hindi na kita kukulitin, promise. Birthday ko kasi, wala akong kasama.”
Mabait naman si Lawrence kaso lang hindi niya talaga ito gusto more than friends. Walang kilig kahit sweet ito, walang warm feeling kahit caring ito. Unlike kapag kasama niya si Ross. Kahit mag-away ata silang dalawa, sweet pa rin iyon para sa kanya.
“Sige, last na. pagbibigyan kita dahil birthday mo. See you then.”
Sinabi nito sa kanya ang restaurant kung saan sila magkikita. Sa Tarlac din iyon.
Binalikan niya si Ross. “Ahm I need to go, Ross. May imi-meet pa kasi ako.”
Tumayo na rin ito. “Ganon ba? Ihahatid muna kita.”
Naku, hindi pwede.  Baka isipin nito, salawahan siya. “’Wag na. I have my car.”
Nalungkot ito. “Okay.” They walked papalabas ng sementeryo. At pagkarating nila sa labas ay walang lingong naghiwalay sila. Hindi man lang ito nag-iwan ng goodbye kiss sa kanya na ikinainis niya.

MAY hinala si Ross na hindi business meeting o kung anong importanteng appointment ang pupuntahan ni Sandra kaya sinundan niya ito. Tamang-hinala pala iyon dahil ang director na manliligaw ni Sandra ang nakita niyang naghihintay sa restaurant na iyon. Mukhang may intimate lunch ang dalawa. At sa dinami-rami ng restaurant na pupuntahan nito, iyon pang restaurant na sosyong negosyo ng Infinity.
Ilang minuto siyang nasa loob lang ng sasakyan niya at pinapanood ang dalawa na pawang enjoy na enjoy sa lunch date nila. Matagal-tagal din niyang hindi nakikita si Sandra na masaya. Siguro nga, hindi na niya mapapasaya ito dahil sa mga nangyari sa kanila noon. At naiinis siya sa katotohanang iyon. Siya dapat ang magpapasaya kay Sandra at hindi ibang tao.
Kesa mag-emote sa loob ng kotse, minabuti niyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.
“Good morning, Sir! Mabuti naman po at napadalaw kayo dito,” bati sa kanya ng branch manager. Franchise ng Senang Hati ang lugar na iyon. But unlike Senang Hati sa Manila na isang music lounge, ang lugar na iyon ay isang first class restaurant.
“May inasikaso kasi ako dito, kaya sinamantala ko na. Can I have the papers?” tugon ni Ross.
“Sige Sir, kukunin ko lang po sa office.”
Sinadya niyang dumaan malapit kina Sandra at Lawrence. At pumwesto siya sa mesang siguradong makikita siya ni Sandra once na mawala ang paningin nito sa ka-date.
Napaismid siya nang makita sa malapitan ang ka-date nito. Di hamak naman na lamang siya ng sampung paligo sa kagwapuhan category. Anong nagustuhan ni Sandra sa kanya? Kung anu-ano ang naiisip niya habang sinusulyap-sulyapan ang mga ito. Hanggang sa wakas, nakita na siya nito. Halatang nagulat ito at bilang ganti, ngumiti pa siya.
Nagpaalam ito sa kasama at nilapitan siya. Umupo ito sa katapat niyang silya. “Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” agad na tanong nito.
“No,” tipid na sagot niya.  Binalingan niya ang iniwan nitong mesa at napansing nakatingin sa kanila ang ka-date nito. “Enjoying your date, huh. Balikan mo na siya. Ayaw kong mapaaway. Baka isipin niya, inaagaw kita sa kanya,” pabalang na sambit niya. Hindi niya maitago ang inis na kanina pa niya kinikipkip sa sarili.
 “Ross, we’re not dating. Birthday niya ngayon at-”
“I’m not asking for any explanation, Sandra. Wala akong hold sa’yo. You’re single, you’re free. We don’t have relationship. I don’t have any right.”
“E bakit mo ako sinundan?”
“Hindi kita sinundan.”
“Why are you here?” asik nito.
“Ah, Sir, Excuse me po.” Iniabot ng branch manager ang hinihintay niyang documents at umalis din ito.
“Business. I’m one of the owners.” Binuklat niya ang folder at pilit na dinedma si Sandra.
“I don’t believe you.”
“E di ‘wag,” pabalang na sagot niya.
Tumayo ito at pinitsiran siya sa noo. “Nakakainis ka!”
Hindi pa rin niya ito tiningnan. “Okay.”
She moved closer to him. “Bakit di mo na lang aminin na naiinis kang may kasama akong iba at nagseselos ka?”
Napilitan siyang harapin ito. Their faces were very close, an inch away for him to give her a quick kiss. But he didn’t kiss her despite of temptation. “I don’t feel that way, Sandra.” Another lie.
Nabigla ata ito sa sinabi niya kaya basta na lang itong umalis at bumalik sa mesa nito. Pinilit niyang i-focus ang atensyon sa financial reports na binabasa niya pero hindi niya magawang balewalain ang nakikita niya. Masyadong touchy ang date ni Sandra at ito naman ay tila natutuwa pa. Lalo siyang nainis. Until his cellphone rang. Unknown sa kanya ang number ng tumatawag.
“Hello?”
“Oy si Diane ‘to. Nasaan ka, Ross?”
Ito pa ang isang problema. Mula kasi nang mapagkamalan siya nitong si Hansen  ay naging close friend na rin niya ito at naging diwang absorber siya nito pagdating kay Reijan.
“Wala ako sa Manila, ineng. Nasa Tarlac ako.”
“Good. Nasa Tarlac din ako. Pupuntahan kita, may isusumbong ako sa’yo.”
“Again? Nagsumbong ka na sa akin kagabi ah.”
“Iba iyon. So, where are you?”
Wala siyang nagawa kundi ang sabhin dito kung saan ang location niya. Wala  pang sampung minuto ay dumating si Diane at diretsong umupo sa binakanteng upuan ni Sandra.
Nginitian siya ni Diane. Mukhang alam na niya ang iniisip nito. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. “Ross, bakit maputla ka?” Nilakasan at nilambingan nito ang boses na tila pinaparinig iyon kay Sandra. Hindi pa ito nakuntento. Hinaplos pa nito ang pisngi niya.
Hinawakan ni Ross ang kamay ni Diane para sana alisin iyon pero nag-resist ito. “Anong ginagawa mo?” pabulong na sita niya ito. Pasimpleng sinulyapan niya si Sandra. Naniningkit na ang mata nito sa inis. Mukhang asar na asar ito sa nakikitang “lambingan” nila ni Diane.
“If she really loves you, ora-mismo ay ilalayo ka niya sa akin. Sandra loves you pero talagang mahina rin sa pick up ang babaeng iyon. Nagawa pa rin niyang makipagdate sa iba at sa harap mo pa.” Inalis na nito ang kamay sa pisngi niya. “At ikaw naman, ano naman iyang ginagawa mo at pinapanood mo lang sila? Go and get your girl, dude!”
            “Hayaan mo siya,” sagot niya. “So, anong isusumbong mo sa akin?”
“Hmm, I change my mind.” Tumayo ito at humalik sa pisngi niya. “Next time na lang.” Then she walked out of the restaurant.
Naiwan siyang  napapailing na lang. Grabe talaga ang babaeng iyon. I can’t imagine na naging girlfriend iyon ng kapatid ko. He went back reading financial reports nang lapitan ulit siya ni Sandra. Napansin niyang wala na rin ang ka-date nito.
“O, hindi ka man lang inihatid ng date mo? Iniwan ka na lang basta? Ano ba iyan?” buska niya.
Sa halip na patulan siya ay walang sabing kinaladkad siya nito papuntang restroom.
 “Oy, female room iyan, papapasukin mo ako diyan?” tanong niya nang hilahin siya nito papasok sa CR ng babae.
Bandang-huli ay nanatili sila sa labas ng CR. “Bakit ganon ka-intimate si Diane sa’yo? Akala ko ba, wala kayong relasyon?” Kumuha ito ng face towel sa bag na dala nito at pinampunas sa pisngi niya.
“Wala nga. Teka, ano ba iyang ginagawa mo?”
“Nahawakan ka na ng ibang babae, nahawakan ka na niya, hinalikan ka pa. Hinding-hindi na ako hahalik sa pisngi mo kahit kailan!” Maya-maya ay pabalandrang inimudmod nito ang tuwalya sa mukha niya. “Magsama kayong dalawa!”
Then she walked out. Naiwan siyang natulala na lang. Selosa talaga ang isang iyon.


 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.