nobela ni: Melanie Quilla
Chapter Nine
Magkahawak-kamay na naglalakad sina Ross at Sandra sa Fair Grounds sa loob ng Zeus-Apollo Academy. School fair at nataong Valentine’s Day kaya naisipan ni Ross na isama si Sandra sa event na iyon. It’s been half a year since they got married and so far, so good. They shared every sweet moment together. At kahit parehong hectic ang schedule ay ginagawa talaga nila ang lahat ng paraan para magkasama at masulit ang buhay may-asawa.
Ross took off his cap and put it on Sandra. Binalingan niya ang asawa. “Medyo mainit na kaya sa’yo muna iyan.”
“Nagpapa-sweet ka lang e.”
“Oo nga. Ganon nga iyon. Sa’n mo gustong pumunta?”
“Sir Ross!”
Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Ang mga estudyante niya ang nabungadan niya sa isang booth sa di kalayuan. Nakangiting kumaway siya sa mga estudyante niya. “Anong meron diyan?”
“Pagkain, Sir!”
Binalingan ulit niya si Sandra. “Gusto mong kumain?”
“Sige.”
Pumasok sila ng booth. Hinayaan niya itong pumili ng pagkain habang siya naman ay kinukulit ng mga estudyante niya.
“Sir, extend n’yo naman ang submission ng project,” sambit ng isa.
“Hindi na pwede. Male-late ako sa pagsa-submit ng grades n’yo pag nag-extend ako. Speaking of, nasa’n na ang projects n’yo?”
Nagkanya-kanya ang abot ng folders.
“Kayo ha, pinagloloko n’yo ako. Tapos na pala ang project n’yo humihingi pa kayo ng extension.”
“Eh Sir, may ibang group pa po kasi na hindi pa tapos.”
“Sige, hanggang bukas sabihin n’yo sa kanila ha. Final na iyon ha.”
“Thank you, Sir!”
Tumayo siya para tulungan si Sandra sa pagbitbit ng tray na pinaglalagyan ng pagkain.
Napansin nito ang patas ng folders sa mesa nila. “Grabe ka, Ross. Nalingat lang ako, nakapagklase ka na agad?”
He laughed. “Deadline nila ngayon, well hanggang bukas. Kaya nga hindi ako naglalagi sa office. Gusto kong habulin nila ako sa buong fair grounds,” biro niya habang pine-prepare ang food nila. He grabbed the bottled water and opened it for Sandra. Siya rin ang nag-open ng styro na pinaglalagyan ng lasagna na inorder nito.
“Wow, parang sumubra ata ang pagiging maasikaso mo ngayon, Ross. Baka gusto mo rin akong subuan?” sambit nito. Inagaw niya ang tinidor dito at siya na ang kumuha ng pagkain at isinubo dito. Pagkatapos ay inagaw nito ang tinidor. “Ako na. Binibiro lang kita, sineryoso mo naman. Bakit ka ganyan ha?”
“Wala, sinusulit ko lang ang moment na ganito. Next week, wala ka. One week kang mawawala para sa shooting nung movie na ginagawa mo.” Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Wala akong malalambing ng isang linggo.”
“Di ka ba talaga pwedeng sumama sa akin?” masuyong tanong nito. “Sige na.”
“Gusto kong samahan ka kaya lang di talaga pwede.” Itinuro niya ang patas ng folders sa tabi niya. “Magtse-check pa ako ng projects at quizzes ng pitong sections na handle ko. Gagawa pa ako ng lesson plan at saka periodical at final exams.”
“Andami naman no’n. ‘Wag kang magpapagod habang wala ako ha.”
“Opo, Ma’am.”
They continued eating habang nagkukulitan at nagkukwentuhan, bagay na hindi nila akalaing mauulit sa buhay nila.
“Ross, hindi ka ba napapagod sa pagtuturo mo? I mean, sa nakikita ko kasi parang andami mong ginagawa as a teacher.”
“Hindi naman. Sanayan lang siguro. Nagawa ko nga ang mga bagay na ito noon kahit may sakit pa ako e ngayon pa kayang wala na akong sakit sa puso. Masaya naman ako dito. Lalo na kapag nakikita ko iyong mga dati kong naging estudyante at sinasabi nilang isa ako sa inspiration kaya sila pumasok sa conservatory o kaya sila kumukha ng Education.”
Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang braso niya. “Ross, bakit may mga pasa ka?”
“Ha?” Sinipat niya ang braso niya at nakita ngang may mga pasa siya. “Oo nga ano. Hindi ko alam. Ngayon ko nga lang din napansin.”
Tumayo si Sandra at sinipat ang kabilang braso niya. “Pati dito meron. Ross, baka may problem ka sa dugo. Unusual ‘to,” nag-aalalang sambit nito.
Pinabalik niya ito sa upuan nito. “Relax ka lang. Masyado kang nerbyosa. Baka bumalik iyong anemia ko.”
“What? May anemia ka? Pupunta tayo sa hospital pagkatapos nito. Pacheck up kita ngayon.”
“Sandra-”
“’Wag matigas ang ulo, Ross Daniel,” giit nito. Napangiwi siya nang marinig ang buong pangalan niya. “Aalis ako next week. Hindi pwedeng iiwan kitang ganyan. Hindi ako mapapalagay.”
“O sige na. Tatawagan ko muna si Penpen para ipaalam sa kanya.”
Pagkatapos nilang kumain ay dumaan mula sila sa faculty office para kunin ang ilang trabahong iuuwi niya. Naglalakad na sila sa hallway nang bigla na lang nahilo ito.
“Ross, teka lang…” Napakapit ito sa braso niya.
“Sandra!” Bigla itong nawalan ng malay. Mabuti na lang at agad niya itong nasalo. Kaya ang ending sa halip na siya ang magpa-check up, si Sandra ang sinuri ng doctor pagkarating nila sa hospital. At isang good news ang natanggap nila.
“O ANG sabi ng doctor, ‘wag kang masyadong magpapagod. Masama iyon sa baby natin ha. At kapag may morning sickness ka o masama ang pakiramdam mo, tawagan mo ako ha. I don’t care kung anong oras iyon basta tatawagan mo ako. Okay?” litanya ni Ross.
Nasa airport sila at inihatid niya si Sandra doon. Babyahe ito sa Davao para sa shooting ng ginagawa nitong pelikula.
“Opo.”
He embraced his wife. “Mag-iingat ka do’n. Kumain ka ng maraming healthy foods para sa’yo at sa baby natin.” Hinaplos niya ang tiyan nito at napangiti siya.
Sandra was two months pregnant. Ilang buwan lang, tatay na siya… tatay na ulit. At sa pagkakataong ito, hindi na siya magkukulang sa anak niya.
“One week lang akong mawawala. At saka kasama ko si Kuya Herald. Hindi ako pababayaan no’n. Baka nga, tumunganga lang ako do’n at hindi na niya ako pakilusin.”
“Hay, kung pwede ko lang iwanan ang estudyante ko kaso talagang hindi. Basta ang usapan natin ha.”
“Oo nga po. At ikaw, magpapa-check up ka ha. Hindi nawawala ang mga pasa mo sa braso.”
Tumango siya. “Didiretso na ako ng hospital mamaya.”
“Sige, from time to time, magtawagan na lang tayo ha.” Tumango siya. “Need to go. I love you. Mag-ingat ka dito.”
“I love you. Call ka agad ha.” He kissed her and let go of her. He waved as she entered the terminal.
Dumiretso siya sa hospital kung saan nagta-trabaho si Penpen. Mula kasi nang maging ganap na doctor ang kaibigan niyang ito ay ito na ang humawak ng health records niya. Internal Medicine ang specialization nito. Pinapunta rin niya si Hansen doon para suportahan siya. Alam niya sa katawan niyang may mali, isang bagay na matagal na niyang binabalewala sa takot na malamang may malalang sakit na naman siya.
Sumailalim siya sa physical exams at lumabas na may anemia siya. Ngunit dahil may history siya ng heart transplant at kung anu-ano pang complications noon, minabuti ni Penpen na i-refer siya sa ibang specialized doctor. Sumailalim na rin siya sa iba’t ibang tests tulad ng bone marrow aspiration at bone marrow biopsy.
Makailang araw ay pinabalik siya ng doctor para sa iba pang test tulad ng Computed tomography o CT scan, Magnetic resonance imaging o MRI scan, at iba pa. At pagkalipas ng ilang araw ay lumabas na ang resulta ng tests.
HINDI na nagawa ni Ross na tumuloy sa Senang Hati para sa gig ng Infinity matapos niyang makausap ang doctor niya. Diretso siyang umuwi ng bahay. Sinabi na lang niya sa mga kabanda na di maganda ang pakiramdam niya. Si Penpen at Hansen ang unang nakaalam ng lagay niya. Kapwa sila lahat natulala na lang nang makumpirmang may cancer siya.
Wala pa rin siya sa sarili nang humiga siya sa kama. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng doctor.
“Mr. Ferrer, series of tests showed that you have abnormal cells inside your bone marrow. The cells grow very fast, and replace healthy blood cells. The bone marrow, which helps your body fight infections, eventually stops working correctly. Because of that, you are more prone to infections and have an increased risk for bleeding as the numbers of healthy blood cells decrease.”
Noong una ay hindi niya maintindihan ang patutunguhan ng paliwanagan na iyon hanggang sa sabihin na ng doctor ang sakit niya.
“I’m sorry to inform you that you have Acute Myeloid Leukemia or AML, a quickly progressive malignant disease in which there are too many immature blood-forming cells in the blood and bone marrow. This type of cancer is very rare at your age. Normally, ang nagkakaroon ng AML ay mga matatanda na. It is the reason why you experienced series of fever and flu these past few weeks and those bruises on your shoulder and arms. Humihina kasi ang immune system mo.”
Itinanong niya kung anong pwedeng mangyari sa kanya dahil sa sakit na iyon.
“Tatapatin na kita, Mr. Ferrer. Hindi ko maipapangakong, gagaling ka. Let’s face reality. You have cancer of the blood and it is one of those types of cancer that’s difficult to cure. Unti-unting kakainin ng cancer cells ang katawan mo kung hindi maaagapan. May posibilidad na kumalat ito sa other organs mo that would develop another complications.”
That was the safest way of saying, “Mamamatay na siya.” And that fact was not easy to accept especially in his case. Newly-wed siya at on the way na ang baby nila ni Sandra. Paano niya masasabi sa asawa ang lagay niya?
Namataan niya sa bedside table ang isang picture frame. Laman noon ang larawan nilang mag-asawa noong ikinasal sila at ang isang bahagi ay ang larawan ng panganay nilang anak isang araw bago ito mamatay. Kinuha niya iyon at niyakap. Gulung-gulo pa rin ang isip niya nang marinig niya ang message alert tone.
He grabbed the phone. Isang text message ang natanggap niya.
Sweetness, I’ll be home tonight. See you. Andito na kami sa airport.
Tinawagan niya ang asawa.
“Miss na miss mo na siguro ako. Hindi ka na makapaghintay na makauwi ako diyan,” buska ni Sandra sa kabilang linya.
Napangiti siya pero kasunod na noon ay ang pagtulo ng luha niya. “O-oo. Miss na miss na kita kaya tama iyan, umuwi ka na dito sa akin.”
She laughed na lalong nagpabigat sa loob ni Ross.
“Sandra, I-I love you so much.” Kinagat niya ang labi para pigilang mapahikbi.
“Bakit ganyan ang boses mo? Nasaan ka ba? Sa Senang Hati?” bagkus ay tanong nito.
May naramdaman siyang ibang liquid na lumalabas sa ilong niya. He grabbed the tissue paper and found out that his nose was bleeding. “Nasa bahay ako, may konting sipon lang,” palusot niya.
“Na naman? Sige, papasok na kami ng eroplano. I love you. Mag-rest ka na lang diyan.”
Nakatulala pa rin siya kahit ilang minuto ng tapos ang usapan nila ni Sandra. Na-distract lang siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya at tumambad sa kanya ang kakambal.
“’Tol, andito sina Mama,” sambit ni Hansen.
Humahangos na pumasok sa kwarto ang mga magulang niya. Agad siyang niyakap ng mga ito.
“Mama…” Tuluyan na siyang umiyak sa balikat ng kanyang ina.
ILANG minutong nakatulala lang si Sandra nang ipagtapat ni Ross ang results ng medical exams nito. Ilang segundo pa, nag-sink in na rin sa utak niya ang katotohanang iyon. Mauunang mamatay si Ross kesa sa kanya, isang bagay na hindi niya alam kung paano niya kakayanin. Tears fell from her eyes.
Niyakap siya ni Ross. “Sandra, relax ka lang at baka makasama iyan sa baby natin.”
“Relax? You are asking me to relax? I’m losing you, Ross! Leukemia ang sakit mo at hindi sipon. Paano ako magre-relax lang kung di ko alam at walang may alam kung hanggang kelan…hanggang kelan kita mayayakap ng ganito.”
Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito at tinitigan siya.
“Limitado ang oras ng tao sa mundo. Hindi ko kayang ipangako na andito ako palagi para sa’yo. You need to accept it, Sandra. We can’t live together for the rest of our lives. I’ll be gone before we notice it. I know, it’s not easy. It’s painful. But as long as I breathe, I’ll share every single memory of life with you.”
Tumungo siya. Ayaw niyang tanggapin ang sinasabi nito. Hindi niya gustong tanggapin iyon.
“Sandra…” Hinawakan nito ang baba niya at pilit iniangat kaya muling sinalubong siya ng expressive nitong mga mata. “Walang may gusto na mangyari ito sa akin pero wala na tayong magagawa. Andito na sa katawan ko ang sakit na iyon. The only thing we should do is to start collecting sweet memories together.” Nanginig ang kamay nitong kumukulong sa mukha niya nang di nito naiwasang umiyak. “Iyon na lang ang maiiwan ko sa’yo at sa baby natin. I want you to be strong for me, for our baby, for yourself. Let’s set aside the fact that I’m dying. Andito pa naman ako. Mag-concentrate na lang tayo sa baby.”
Niyakap ulit siya nito. Alam niyang siya ang pinagkukunan nito ng lakas ng loob. Kaya dapat ay magpakatatag na siya.
0 comments:
Post a Comment