Sunday, August 1, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 7


nobela ni: Melanie Quilla

Chapter Seven

            “Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Bakit kasi di n’yo ako inawat sa pag-inom? Asar naman itong hang-over na ‘to!” reklamo ni Ross habang nag-aagahan silang magkapatid kasama si Penpen.
Magkasama sila sa bahay dahil ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa na. Sa Prague na nila pinatira ang mga iyon matapos makabangon ang pamilya nila sa financial crisis. At  dahil nasa recovery stage pa daw siya sabi ng nanay nila, hindi pa siya pinayagan ng mga itong tumira ng nag-iisa sa bahay. Ang ending, para siyang boarder ng mag-asawa.
“Grabe kang malasing alam mo ba iyon? Parang natulog lang ako kagabi, okay ka pa. Nang magising ako ng alas-kwatro kanina, nagwawala ka na,” buska ni Penpen.
“Ha?” kunot-noong tanong niya. “Ano bang pinaggagawa ko?”
“Marami, bro! Ang ingay mo nga. You’re singing,” sagot ni Hansen, “with wrong lyrics dude. Naubusan kaming lahat ng energy sa kakatawa sa’yo.”
“Ganon? Ginawa ni’yo akong clown? Medyo naaalala ko pa nga iyan, I’m singing Tagalog songs.” Siya mismo, tinawanan ang sarili. “Ano pa?”
“You’re proposing marriage,” dagdag ni Hansen sabay subo ng sinangag na kanin at tocino. “Tinatawag mo kaming lahat na ‘Sandra’ and you proposed marriage sa aming lahat. Pati kay Penpen.”
Nagulat siya sa sinabi nito. “I did that?” Tumango ang mga ito. “Nakakahiya!  Buti na lang wala si Sandra.” Nagkatinginan ang mag-asawa. “Bakit?” Bigla niyang naalala na may nakita nga siya kagabi na kamukha nito. “Nakita ako ni Sandra na lasing?”
“Apparently, yes. Siya pa nga ang nag-asikaso sa’yo hanggang sa ma-knockout ka na. Siya rin ang nagluto ng kinakain mo,” litanya ni Penpen.
Naisubsob niya ang mukha sa kamay. Hiyang-hiya na siya. “Nakakahiya talaga ako, oo. Teka, anong ginagawa niya dito kagabi? Sinundo ni’yo siya?”
“No, may sasabihin daw siyang importante sa’yo. Kailangan daw ninyong mag-usap e kaso lasing ka naman,” tugon ni Hansen.
Iniabot sa kanya ni Penpen ang isang papel. “Pinabibigay ni Sandra. Hindi na niya kasi mahintay na magising ka kasi may importante daw siyang lakad ngayon.”
Tinanggap niya ang papel at binasa ang nakasulat doon.
I hope it’s not too late, Ross. Naintindihan na kita, naiintindihan ko na ang lahat. I got the chance to read your blog site. Sa kahahanap ko ng sagot sa mga tanong kung bakit tayo umabot sa ganito, nakita ko ang internet accounts mo.
Honestly, I don’t really know what to say. You have loved me that much and it was just last night when I realized its worth. You’re damn wrong. ‘Cause you’re the best man for me…and maybe I am not worth it of your love.
Wala kang kasalanan sa akin, Ross. Pero ako, may malaki akong kasalanan  sa’yo. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa’yo kaso inabutan kitang lasing kagabi. Ayan tuloy, naubusan na ako ng lakas ng loob. Siguro, hindi pa right time. Bubwelo muna ako ha.
I’ll be out of the country for couple of weeks. May tina-target kaming Film na isho-shoot sa iba’t ibang bansa kaya naisip kong tulungan si Kuya Herald sa project. Maybe it’s high time for me to shift from stage directing to film-making. Mabuti na rin iyong  magkalayo muna tayo. We will have time to cool our heads. Pagbalik ko, sana makapag-usap tayo. I’ll be praying na magtuluy-tuloy ang paggaling mo. Mag-iingat ka palagi. At…’wag ka ng maglasing. Baka makasama pa iyan sa’yo. See you soon.
Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Natuklasan lang niya iyon nang abutan siya ng tissue ni Penpen.
“Siguro mahal pa rin niya ako. Hope we could start over,” sambit niya. “Ang pangit, kalalaki kong tao, umiiyak ako sa love letter.” Pinilit niyang tumawa habang pinupunasan ang pisngi.
“Oo nga, bro. Ang cheesy mo,” buska ng kapatid niya.
“Mas cheesy ka. Di ba Penpen?” Tumango lang si Penpen habang tuloy ito sa pagkain.
“You better focus on your career, bro. Para pagbalik niya, mas malakas ang loob mong harapin siya. Dahil pupusta ako, she will be multi-awarded director soon. Nagka-award na nga siya sa pagdi-direct ng music video namin e.”
“Oo nga.”
In some point, Ross has been challenged by the situation.

 NAGKATOTOO ang hula ni Hansen. Few months later, Sandra was hailed as Best Director sa isang International Prestige Film Festival. Nagsunud-sunod ang film projects nito. At lahat ng movies na ginawa ni Sandra ay pinapanood ni Ross.
Most of the time ay nakikita ni Ross si Sandra during premiere nights ng mga movies nito pero hindi na siya nag-abala pang lumapit. Kung magkakausap sila, may tamang lugar at tamang panahon. At isa pa, paano siya lalapit kung palaging kasama nito ang isang film director na napabalitang manliligaw daw nito?
Habang abala si Sandra sa film-making, si Ross naman ay patuloy pa rin sa pagiging guro ng music sa Zeus-Apollo Academy at sa pagsali sa mga music competitions. Eventually, he gained awards from various competitions in and out of the country. Nagsimula na rin siyang mag-invest sa mga negosyo ng mga kaibigan niya.
Binyag na ng panganay ni Hansen. Nagka-baby girl ito na  pinangalanan ng mag-asawa ng, ‘Danielle Ahne’. At syempre, ninong din si Ross. Kasalukuyang nasa loob sila ng simbahan at hinihintay pa ang ilang bisita na dadalo sa binyag ng pamangkin niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa isa sa pew.
Nilapitan siya ni Penpen. “Kamusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito. Sinalat nito ang noo niya. “May lagnat ka pa.”
Ngumiti  siya ng bahagya dahil mabigat din talaga ang pakiramdam niya. “I just took the medicine few minutes ago. Maya-maya lang siguro wala na ito.”
“Basta pagkauwi natin, i-check up kita. Baka may infections iyong transplant mo. We need to be sure na lagnat-laki lang talaga iyan.” Napalingon ito sa bukana ng simbahan na nasa likod niya. “Ay palagay ko, andiyan na ang medicine mo.”
“Ha?” Napalingon na rin tuloy siya at napangiti  nang makita si Sandra na papalapit sa kanila. Nawala lang ang ngiti niya nang maalalang nakikipag-date na nga pala ito sa iba at pawang nakalimutan na siya. Binalingan ulit niya si Penpen. “Tell me, ninang din ba siya?” Tumango lang si Penpen. 
“Hi!” bati ni Sandra. Binalingan siya nito. “Are you sick? Maputla ka, Ross.”
“Ah..medyo nilalagnat ako today. Pero okay lang. Ikaw kamusta ka na? Napanood ko lahat ng movies mo.”
“Naku, dapat lang ano. Nag-effort pa kaya akong magpadala ng complimentary movie tickets sa‘yo.” She laughed and sat beside him.
“Iwan ko muna kayo ha. Sandra, ikaw na muna bahala sa kanya. Matinding magkalagnat iyang si Ross, nawawalan siya ng malay-tao minsan. Nabuway na nga siya kanina.”
 Napakunot noo si Ross. Kelan pa ako hinimatay sa lagnat? Until he realized something. Penpen was saying something na pwedeng maging way para maging malapit sa kanya si Sandra. Nice strategy.
Pagkaalis ni Penpen ay nag-aalalang binalingan siya ni Sandra. “As if na hindi ko alam kung gaano ka ka-worse magkasakit. Ilang beses ka ring nilagnat noong mag-asawa pa tayo sa Prague.” Sinalat nito ang noo niya at leeg. “Mainit ka nga. Di bale, aalagaan kita. That’s what ex’s are for.”
Iyon nga ang nangyari. Hanggang sa munting salu-salo sa bahay pagkatapos ng binyag ay nakabantay sa kanya si Sandra at inaalagaan siya.
“Nalalasahan mo ba itong isinusubo ko sa’yo?” tanong nito sa kanya pagkatapos isubo sa kanya  ang konting kanin at ulam. Nasa sala sila ng bahay at pawang walang pakialam sa ibang bisita.
“Honestly, hindi. Pero uubusin ko iyan  kasi nahihiya na ako sa’yo. Salamat ha,” sambit niya.
“Sus, na-miss ko rin naman ito.”
Tinitigan niya ito  at hinawakan niya ang kamay nito may hawak ng kutsara. “Na-miss kita.”
Nagulat ata ito sa sinabi niya dahil nabitawan nito ang kubyertos na hawak. Nahulog iyon sa pinggan. “Ah….” Bigla itong umiwas ng tingin. “’Wag mo nga akong tingnan ng ganyan.”
Pero hindi niya inalis sa pagkakatitig dito ang mga mata niya. “Bakit? Ano bang iniisip mong dahilan kung bakit ko gustong tingnan ka ng ganito?”
Binalingan ulit siya nito. “Hmm, dahil na-miss mo ako?”
Umiling si Ross. “Hindi iyon. Oo na-miss kita  pero may ibang dahilan pa.”
“Nagagandahan ka sa akin?”
He chuckled. “Yes, I do pero hindi rin iyan.”
“E ano?”
He intently ang lovingly gazed at her. “The feeling is still here in case you wanna know, Sandra. Kaya lang balita ko may manliligaw kang film director din.”
“Wala iyon. Basted na pero bumabalik-balik pa rin.”
“Ah.” Inawat niya ang pagsubo ulit nito ng pagkain sa kanya. “Ayoko na, busog na ako.”
Ibinaba nito sa center table ang pinggan at muling binalingan siya. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Sandra, di ba sabi ko sa blog ko, stay away from me. Ignore me. Bakit andito ka pa rin?”
 “Ewan ko rin.”
Sumeryoso si Ross. “Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin noong  nalasing ako?”
Kumuha ito ng papel sa bulsa at inilagay iyon sa bulsa ng polo niya. “Next week na lang natin pag-usapan iyon ‘pag okay ka na. Nasa papel na iyan ang meeting place natin at ang time. Kung kelan next week, tatawagan na lang kita. For now, magpapagaling ka.”

KABADO si Sandra habang hinihintay ito sa gate ng Rest My Heart Memorial Park. Buong gabi niyang pinagpraktisang mabuti ang sasabihin niya pero pakiramdam pa rin niya, hindi niya kayang sabihin ang mga iyon dito. Bihadong kahit anong gawin niya para maging magaan ang sasabihin niya, masasaktan pa rin ito na matutuklasan. Maya-maya pa’y isang puting Chevrolet na kotse ang nag-park at bumaba mula roon si Ross. May dala pa itong isang bouquet ng roses. 
“Medyo late ako, pasensya na. Traffic kasi. Para sa’yo ‘to.” Iniabot nito ang punpon ng bulaklak sa kanya.
“Okay ka ba ngayon? Wala ka na bang sakit? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” bagkus ay tanong ni Sandra.
“All yes, Sandra. Ready ako sa usapang ito and ‘wag mong pakaisipin ang puso ko. Naka-adapt na ito sa katawan ko.” He held her hand. Lalo tuloy siyang kinabahan. “Tara na, naghihintay na ang anak natin sa loob.”
Natigilan siya. “Paano mo nalaman? Alam mo na?”
Kunot-noong binalingan siya nito. “Akala ko ba, binasa mo ang blog ko? It was written there.”
Umiling siya. “Konti pa lang ang nabasa ko, hindi pa lahat.” They continued walking.
 “Alam ko lahat ng nangyari sa’yo. Ang muntik mo ng pagsira sa buhay mo, ang pag-overdose mo ng sleeping pills, pagkatapos ay ang pagkaka-discover mo na buntis ka pala, ang pagbubuntis mo sa anak natin, ang panganganak mo, ang pag….ang pagkamatay niya. And believe it or not, I was there throughout the time, binabantayan kita. Even noong inilibing si Sandra Daniela Ferrer, andon ako sa malayo at ipinagluksa siya. Hindi naman talaga kita iniwan.By the way, thanks for letting our daughter carry my name sa kabila ng galit mo sa akin.”
Huminto sila sa puntod ng kanilang anak. Pagkapanganak niya sa bata ay tatlong araw lang ang itinagal ng buhay nito dulot na rin ng maraming komplikasyon. They both sat on the grass. Tinitigan lang nilang maiigi ang lapida nito for couple of minutes.
“Kalahati rin ng buhay ko ang nawala nung mamatay siya,” basag ni Ross sa katahimikan. “Kung may regret lang ako, siguro iyon ‘yong hindi ako nabigyan ng chance na yakapin ang anak natin bago man lang siya ilibing. Hindi ako makapuslit noon kasi yakap-yakap mo siya. Binitawan mo lang siya nung dumating ang mga taga-funeraria. Mabigat ang loob ko noon. Gusto kong lumapit, yakapin siya, yakapin ka pero naisip ko, gagawa lang ako ng gulo kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.”
“I’m sorry. Kasalanan ko kung bakit siya nawala sa atin. Hindi ko iyon ginusto. Kung mas maaga ko sanang nalaman na buntis ako, bubuhayin ko siya kahit mag-isa ako.” Tears fell from her eyes in an instant.
Masuyong niyakap siya ni Ross. “No. Wala kang kasalanan, Sandra. Ibinibigay ng Diyos sa atin ang ganitong pagsubok para patatagin tayo. Kasama ito sa listahan ng mga plano ng Diyos sa atin. Now that we learned from our mistakes, alam ni Lord na kung sakaling maulit ang sitwasyong nangyari sa atin noon, ang gagawin na natin ay iyong tama.”
 “Kung sabagay…” naputol ang sasabihin  niya nang mag-ring ang phone niya. Iyong director na binasted niya ang tumatawag. Agad siyang lumayo kay Ross para makausap ang director.
“Sandra, sige na second chance. Last na ‘to. We will have our last date and hindi na kita kukulitin, promise. Birthday ko kasi, wala akong kasama.”
Mabait naman si Lawrence kaso lang hindi niya talaga ito gusto more than friends. Walang kilig kahit sweet ito, walang warm feeling kahit caring ito. Unlike kapag kasama niya si Ross. Kahit mag-away ata silang dalawa, sweet pa rin iyon para sa kanya.
“Sige, last na. pagbibigyan kita dahil birthday mo. See you then.”
Sinabi nito sa kanya ang restaurant kung saan sila magkikita. Sa Tarlac din iyon.
Binalikan niya si Ross. “Ahm I need to go, Ross. May imi-meet pa kasi ako.”
Tumayo na rin ito. “Ganon ba? Ihahatid muna kita.”
Naku, hindi pwede.  Baka isipin nito, salawahan siya. “’Wag na. I have my car.”
Nalungkot ito. “Okay.” They walked papalabas ng sementeryo. At pagkarating nila sa labas ay walang lingong naghiwalay sila. Hindi man lang ito nag-iwan ng goodbye kiss sa kanya na ikinainis niya.

MAY hinala si Ross na hindi business meeting o kung anong importanteng appointment ang pupuntahan ni Sandra kaya sinundan niya ito. Tamang-hinala pala iyon dahil ang director na manliligaw ni Sandra ang nakita niyang naghihintay sa restaurant na iyon. Mukhang may intimate lunch ang dalawa. At sa dinami-rami ng restaurant na pupuntahan nito, iyon pang restaurant na sosyong negosyo ng Infinity.
Ilang minuto siyang nasa loob lang ng sasakyan niya at pinapanood ang dalawa na pawang enjoy na enjoy sa lunch date nila. Matagal-tagal din niyang hindi nakikita si Sandra na masaya. Siguro nga, hindi na niya mapapasaya ito dahil sa mga nangyari sa kanila noon. At naiinis siya sa katotohanang iyon. Siya dapat ang magpapasaya kay Sandra at hindi ibang tao.
Kesa mag-emote sa loob ng kotse, minabuti niyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.
“Good morning, Sir! Mabuti naman po at napadalaw kayo dito,” bati sa kanya ng branch manager. Franchise ng Senang Hati ang lugar na iyon. But unlike Senang Hati sa Manila na isang music lounge, ang lugar na iyon ay isang first class restaurant.
“May inasikaso kasi ako dito, kaya sinamantala ko na. Can I have the papers?” tugon ni Ross.
“Sige Sir, kukunin ko lang po sa office.”
Sinadya niyang dumaan malapit kina Sandra at Lawrence. At pumwesto siya sa mesang siguradong makikita siya ni Sandra once na mawala ang paningin nito sa ka-date.
Napaismid siya nang makita sa malapitan ang ka-date nito. Di hamak naman na lamang siya ng sampung paligo sa kagwapuhan category. Anong nagustuhan ni Sandra sa kanya? Kung anu-ano ang naiisip niya habang sinusulyap-sulyapan ang mga ito. Hanggang sa wakas, nakita na siya nito. Halatang nagulat ito at bilang ganti, ngumiti pa siya.
Nagpaalam ito sa kasama at nilapitan siya. Umupo ito sa katapat niyang silya. “Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” agad na tanong nito.
“No,” tipid na sagot niya.  Binalingan niya ang iniwan nitong mesa at napansing nakatingin sa kanila ang ka-date nito. “Enjoying your date, huh. Balikan mo na siya. Ayaw kong mapaaway. Baka isipin niya, inaagaw kita sa kanya,” pabalang na sambit niya. Hindi niya maitago ang inis na kanina pa niya kinikipkip sa sarili.
 “Ross, we’re not dating. Birthday niya ngayon at-”
“I’m not asking for any explanation, Sandra. Wala akong hold sa’yo. You’re single, you’re free. We don’t have relationship. I don’t have any right.”
“E bakit mo ako sinundan?”
“Hindi kita sinundan.”
“Why are you here?” asik nito.
“Ah, Sir, Excuse me po.” Iniabot ng branch manager ang hinihintay niyang documents at umalis din ito.
“Business. I’m one of the owners.” Binuklat niya ang folder at pilit na dinedma si Sandra.
“I don’t believe you.”
“E di ‘wag,” pabalang na sagot niya.
Tumayo ito at pinitsiran siya sa noo. “Nakakainis ka!”
Hindi pa rin niya ito tiningnan. “Okay.”
She moved closer to him. “Bakit di mo na lang aminin na naiinis kang may kasama akong iba at nagseselos ka?”
Napilitan siyang harapin ito. Their faces were very close, an inch away for him to give her a quick kiss. But he didn’t kiss her despite of temptation. “I don’t feel that way, Sandra.” Another lie.
Nabigla ata ito sa sinabi niya kaya basta na lang itong umalis at bumalik sa mesa nito. Pinilit niyang i-focus ang atensyon sa financial reports na binabasa niya pero hindi niya magawang balewalain ang nakikita niya. Masyadong touchy ang date ni Sandra at ito naman ay tila natutuwa pa. Lalo siyang nainis. Until his cellphone rang. Unknown sa kanya ang number ng tumatawag.
“Hello?”
“Oy si Diane ‘to. Nasaan ka, Ross?”
Ito pa ang isang problema. Mula kasi nang mapagkamalan siya nitong si Hansen  ay naging close friend na rin niya ito at naging diwang absorber siya nito pagdating kay Reijan.
“Wala ako sa Manila, ineng. Nasa Tarlac ako.”
“Good. Nasa Tarlac din ako. Pupuntahan kita, may isusumbong ako sa’yo.”
“Again? Nagsumbong ka na sa akin kagabi ah.”
“Iba iyon. So, where are you?”
Wala siyang nagawa kundi ang sabhin dito kung saan ang location niya. Wala  pang sampung minuto ay dumating si Diane at diretsong umupo sa binakanteng upuan ni Sandra.
Nginitian siya ni Diane. Mukhang alam na niya ang iniisip nito. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. “Ross, bakit maputla ka?” Nilakasan at nilambingan nito ang boses na tila pinaparinig iyon kay Sandra. Hindi pa ito nakuntento. Hinaplos pa nito ang pisngi niya.
Hinawakan ni Ross ang kamay ni Diane para sana alisin iyon pero nag-resist ito. “Anong ginagawa mo?” pabulong na sita niya ito. Pasimpleng sinulyapan niya si Sandra. Naniningkit na ang mata nito sa inis. Mukhang asar na asar ito sa nakikitang “lambingan” nila ni Diane.
“If she really loves you, ora-mismo ay ilalayo ka niya sa akin. Sandra loves you pero talagang mahina rin sa pick up ang babaeng iyon. Nagawa pa rin niyang makipagdate sa iba at sa harap mo pa.” Inalis na nito ang kamay sa pisngi niya. “At ikaw naman, ano naman iyang ginagawa mo at pinapanood mo lang sila? Go and get your girl, dude!”
            “Hayaan mo siya,” sagot niya. “So, anong isusumbong mo sa akin?”
“Hmm, I change my mind.” Tumayo ito at humalik sa pisngi niya. “Next time na lang.” Then she walked out of the restaurant.
Naiwan siyang  napapailing na lang. Grabe talaga ang babaeng iyon. I can’t imagine na naging girlfriend iyon ng kapatid ko. He went back reading financial reports nang lapitan ulit siya ni Sandra. Napansin niyang wala na rin ang ka-date nito.
“O, hindi ka man lang inihatid ng date mo? Iniwan ka na lang basta? Ano ba iyan?” buska niya.
Sa halip na patulan siya ay walang sabing kinaladkad siya nito papuntang restroom.
 “Oy, female room iyan, papapasukin mo ako diyan?” tanong niya nang hilahin siya nito papasok sa CR ng babae.
Bandang-huli ay nanatili sila sa labas ng CR. “Bakit ganon ka-intimate si Diane sa’yo? Akala ko ba, wala kayong relasyon?” Kumuha ito ng face towel sa bag na dala nito at pinampunas sa pisngi niya.
“Wala nga. Teka, ano ba iyang ginagawa mo?”
“Nahawakan ka na ng ibang babae, nahawakan ka na niya, hinalikan ka pa. Hinding-hindi na ako hahalik sa pisngi mo kahit kailan!” Maya-maya ay pabalandrang inimudmod nito ang tuwalya sa mukha niya. “Magsama kayong dalawa!”
Then she walked out. Naiwan siyang natulala na lang. Selosa talaga ang isang iyon.


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.