Showing posts with label essay. Show all posts
Showing posts with label essay. Show all posts

Monday, January 3, 2011

Putik: Kilabot o Robin Hood?


ni: Rogelio Ordoñez


(Lathalain — inilathala sa magasing ASIA-PHILIPPINES LEADER, Nob. 5, 1971. Dahil marami pa rin ang nagtatanong ng ilang datos tungkol sa maalamat na si Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, na napatay noong Okt. 10, 1971, minabuti naming ilathala sa Pluma at Papel ang artikulong ito.)

ANG BAHAY na iyon sa bukana ng isang bukiring mga dalawandaang metro ang layo sa aspaltado ngunit baku-bako nang kalye ng baryo Sabang, Dasmarinas, Kabite, ay hindi mo iisiping kay Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, kilalang “Kilabot ng Kabite” ng kanyang mga kalaban at lokal na “Robin Hood” naman ng mga magsasaka, ng mga taga-baryo, ng karaniwang mga Kabitenyong diumano’y kanyang natulungan.
Hindi tanaw ang bahay na iyon mula sa kalye; papasok ka pa sa isang maalikabok, lubak-lubak na kalyehong parang malapad na pilapil na nakabalatay sa bukid bago mo iyon makita’t marating. Isa iyong bungalow na bagung-bago pa, mapusyaw na mapusyaw ang pagkaberde, may maliit na terrace na kinaskas na adobeng inihalo sa semento ang pinakapader. Kung iyon ay sa Kamaynilaan napatayo, iisipin mong manedyer ng isang kompanya ang may-ari, at may malaking suweldo kada buwan.
Wala iyong bakod sa paligid at waring ganap na napaaangkin sa kalawakan ng bukid. Maliban sa nagkakahugis na balangkas ng isang bagong bungalow sa kanang tagiliran niyon na, ayon sa mga taga-Sabang, ay sa manugang ni Nardong Putik sa panganay niyang anak na si Estrellita, at maliban din sa isang bahay na pawid na ikinukubli ng mga punong saging, sariling-sarili ng bungalow ni Manecio ang kapaligiran ng kabukirang iyon.
Bago pa nga ang bahay na iyon, mga ilang buwan pa lamang naitayo. Ang mga materyales na ginamit doon, mula sa kaliit-liitang pako hanggang graba’t semento, yero’t tabla’t pintura, ay pawang abuloy diumano ng kung sinu-sinong tao. Maging ang mga inihanda nang binyagan iyon ay regalo rin mula sa iba’t ibang mga baryo’t bayan sa Kabite — baka, manok, baboy, prutas, alak at kung anu-ano pa. Maging sa inyong baryo sa Imus, isang araw bago ginanap ang handaang iyon, hindi mo maiwasang maalaala, hindi nag-atubili ang iyong mga kababaryo — kabilang na ang iyong mga magulang — sa pagpapadala ng kanilang makakayanang ihandog.
Hindi marahil inakala ni Nardong Putik na matapos maitayo ang kanyang bungalow, ilang buwan lamang ay ganap na niya iyong iiwan sa kanyang pamilya — sa asawang si Aling Fely, sa mga anak na sina Estrellita, Angelita at Leonardo,Jr. na binatilyo na, 15 anyos, at estudyante sa high school sa Dasmarinas.
Waring ipinatayo ang bahay na iyon para maging maayos ang pagbuburulan ng kanyang bangkay. **Matapos siyang subaybayan, tambangan at mapatay ng magkasanib na puwersa ng NBI, PC at pulis-Imus sa pagitan ng Panamitan at Tabon, Kawit noong alas 7:40, umaga, Oktubre 10, habang nag-iisang sakay ng isang pulang kotseng Impala galing sa Nobeleta, matapos kunin ng kanyang pamilya sa kamay ng mga awtoridad ang kanyang bangkay na tadtad ng bala, doon na nga siya ibinurol, pinaglamayan ng daan-daang taong mula sa Imus, Kawit, Bakoor, Nobeleta, Hen. Trias, bukod pa sa mga taga-Dasmarinas; may ilang nanggaling pa sa Pasay, Maynila at Kalookan.
NANG MAGPUNTA kami sa bahay na iyon noong katanghalian ng Oktubre 17, ilang oras bago siya ilibing, naghilera na sa maalikabok at lubak-lubak na kalyehong iyon ang mga sasakyan, iba’t ibang dyip at kotse mula kung saan-saan. Sa tagiliran ng bahay na hinabungan ng lona at ilang pirasong yero, may tatlong mahahabang mesang pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga silya’t banko. Doon nagkakatipon ang maraming tao, magkakilala man o hindi, nagkukuwentuhan, sinasariwa ang makulay, madugo at maalamat na buhay ni Nardong Putik, ang kanilang Robin Hood, ngunit Public Enemy No. 1 naman ng Kabite, sabi ng mga awtoridad. Mausok ang paligid, nakahihilam, sapagkat sa hindi pa natatapos na bungalow ng manugang, ilang talyasing ulam, ilang kawang kanin, ang patuloy na ginagatungan.
Mga kilalang mukha ang nabungaran mo malapit sa bukanang mesa, mga kababata, mga dating kaklase sa elementarya, mga kababaryo at pininsan, na nangapatingin sa iyo nang ikaw ay makita, iniisip marahil kung bakit ikaw na naligaw “sa kagubatan ng lungsod” ay bigla na lamang sumulpot doong parang kabuti. Saglit lamang ang batian, ang tanguan, ang malungkot na ngitian, at agad kang nagtuloy sa salas ng bungalow. sa kinabuburulan ng bangkay.
Labas-masok sa salas ang nagsisiksikang mga tao, mga kasibulan at uugud-ugod, bawat isa’y sumisilip sa tila narang barnisadong kabaong, naghahangad marahil na mapakintal sa kanilang gunita ang mukhang iyong labis na kinatakutan ng mga magnanakaw ng kalabaw, ng ilang pulitiko at kaaway, pero minahal ng maraming magsasaka at ng api-apihang mga Kabitenyong di agad makahingi ng hustisya sa mga diyus-diyosan sa gobyerno.
Sa tabi ng kabaong, nagsisiksikan din ang mga korona ng bulaklak kaya ang iba’y sa terrace na itinambak. Alaala ng pamilya Crisostomo ng Kawit, ng pamilya Brosas ng Hen. Trias, ng samahan ng mga tsuper sa Nobeleta, sa Binakayan, sa Dasmarinas, alaala ng mga kakilala’t kaibigan, ng kung sinu-sinong diumano’y kanyang natulungan. Kapansin-pansin, walang kilalang mga pulitiko ng Kabite ang nag-alay ng isa mang bulaklak.
Sa ibabaw ng kabaong, dalawang may kulay na retrato ang nakapatong; sa isa, kasama ni Kumander (iyon ang nakagawiang itawag kay Putik ng mga Kabitenyo) ang ilang babaing namumukhaan mo ang iba at, sa isa naman, nakaakbay siya sa isang kabataang lalaking kilalang-kilala mo dahil dati mong kalaru-laro sa basketbol sa inyong baryo. Sa dalawang retratong iyon, naka-T shirt si Kumander, nakalaylay nang bahagya sa kaliwang panig ng noo ang ilang hiblang buhok, nakangiti at parang hindi naiisip ang kamatayan.
Sa tabi ng pinto, sa bungad ng salas, nakaupo sa isang sopa si Aling Fely, luksang-luksa pero hindi na lumuluha, may tangang kuwaderno na pinaglilistahan ng mga nagsipag-abuloy — piso, dalawang piso, lima, sampu — at puno na ng mga pangalan ang mga walong pohas ng kuwadernong iyon. Sa tabi ng barnisadong partisyong malipaho na nagkukubli sa tatlong silid-tulugan ng bungalow, nakatayo, namumugto ang mata ng isang dalagang nakaluksa din at laging nakatingin sa kabaong, at naisip mong iyon marahil si Angelita.
Matagal kang namalagi sa tabi ng kabaong; matagal mong tinitigan ang mukhang iyong pinapangit ng tama ng bala sa may noo, sa may pagitan halos ng mga mata, na may malaki’t mahabang tahi na parang alupihang nakabalatay mula sa balingusan pababa sa kaliwang pisngi hanggang sa malapit sa bibig. Hindi iyon ang mukha ng Kumander na manakanaka mong nasusulyapan, sakay ng isang pulang kotse kasama ang ilang badigard o sakay kaya ng isang motorsiklo kapag dumadalaw sa inyong liblib na baryo sa Imus. Hindi nakabarong-Tagalog ang bangkay, kundi naka-asul na mangitim-ngitim na amerikana na bumagay sa kanyang matipunong katawan.
INILAKAD ang libing nang mga bandang alas dos. Parang agos na sumunod sa kabaong ang hugos ng mga taong galing sa iba’t ibang baryo mula sa iba’t ibang bayan ng Kabite. Ang kahabaan ng Sabang papunta sa sementeryo ng Dasmarinas ay napuno ng mga sasakyan, ng mga naglalakad, matatanda, mga bata, mga magsasaka, mga tsuper, mga kababaihan. Sa mismong sementeryo, daan-daang mga tao na ang naroroon, doon na nagsipaghintay.
“Luma ang libing ni Hen. Aguinaldo sa dami ng tao,” sabi ng isang peryodistang nakikiusyoso.
Noong araw na iyon, nagmukhang Todos los Santos ang sementeryo ng Dasmarinas. Dahil sa kakapalan ng tao, kinailangang sunungin na ng ilang kalalakihan ang kabaong ni Kumander upang mailapit sa nitso. Hindi iyon maidaan nang bitbit-bitbit lamang sa hanay at kulumpon ng mga nagsisipag-abang, ng mga naghahangad na masulyapan sa huling sandali ang mukha ng kanilang Robin Hood.
Hindi lamang ang pamilya Manecio ang nanangis nang ipasok sa nitso ang kabaong. Isang matandang babae, sa isang sulok ng sementeryo, ang humahagulhol, hindi makalimutan kung paano, isang araw, nang may sakit ang isa niyang anak at di niya maipagamot dahil sa karalitaan, binigyan siya ni Nardong Putik ng P100. Isa ring babae na mga 32 anyos mula sa isang baryo sa Imus ang umiiyak, naalaala na noong sinundang taon, hindi na sana nakapagpatuloy sa pag-aaral sa high school ang panganay niyang anak na lalaki dahil walang pangmatrikula pero sinagot ni Kumander ang matrikula niyon.
May mga lalaki ring lumuha, karaniwang mga magsasakang ninakaw ang mga kalabaw na pang-araro ngunit, sa tulong ni Kumander, naibalik ang mga iyon sa kanila o kaya’y binigyan sila ng pambili ng bagong mga kalabaw. Ang iba’y nanakawan ng dyip na pamasada na nalakad din ni Nardong Putik na maibalik sa kanila nang wala ni isang perang gastos. Ang iba’y tumanggap ng mumunting tulong, pambili ng bigas, ng gamot, ng pawid, mula sa kanilang Robin Hood.
“Nang buhay pa ‘yan, malimit niyang sabihin,” salaysay ng isang taga-Malagasang, Imus, “kung kailangan n’yo ng pera, lumapit kayo sa ‘kin, h’wag kayong magnanakaw.”
“Sa kanyang pagkamatay,” sabi naman ng isang magsasaka, “iilan ang natuwa, marami ang lumuha.”
“Lalakas na naman ang loob ng mga magnanakaw,” usap-usapan ng iba.
“Sa lugar namin, buhat nang muli ‘yang makatakas,” kuwento ng isang matandang uugud-ugod na, “natigil ‘yang nakawan, ‘yang harangan. ‘Yong kilalang mga magnanakaw, isa-isang nangapatay.”
Habang patuloy ang gayong usap-usapan ng mga nakiramay at nakipaglibing, sa isang panig ng sementeryo, dalawang kasibulang babaing kapwa nakaluksa’t buntis — ang isa’y galing pa sa Nobeleta — ang nagtatalo sa magiging pangalan ng kani-kanilang isisilang halimbawang kapwa lalaki ang susulpot na sanggol. Kapwa nila gustong ang ipangala’y Leonardo Manecio, Jr.
“Pero may Leonardo Manecio, Jr. na,” sabi ng isang nakarinig. “Ang mabuti, ‘yong isa ay Leonardo Manecio II; ‘yong isa naman ay Leonardo Manecio III.”
ANG MAKULAY, madugo, at maalamat na pagtahak ni Leonardo Manecio sa landas ng baril at kamatayan ay nagsimula diumano noong 1948 nang, isang gabi, ilang armadong kalalakihan ang sumalakay sa kanilang bahay sa Sabang, ninakaw ang kanilang kalabaw, at iniwang patay ang kanyang ama na kilala na noon sa bansag na Putik sapagkat kayumangging kaligatan, sabi nga ng mga taga-Sabang.
Dalawampu’t apat na taong gulang pa lamang noon si Nardo, tahimik at mapagkumbaba, pulis sa Dasmarinas. Sa libing ng ama, ayon sa kanyang mga kababaryo, isinumpa ni Nardo na maghihiganti siya. Ayon sa mga nakaaalam, hindi lamang diumano kalabaw ang dahilan ng pagpatay sa matandang Putik, kundi pulitika, sapagkat kilalang lider sa Sabang ng isang malaking pulitiko sa Kabite ang kanyang ama.
Naging kaugalian na sa Kabite na kahit kilala ang mga pumatay, hindi na nagdemanda ang pamilya Manecio sapagkat wala namang tetestigo; isa pa, kung may kapit sa malalaking pulitiko ang mga kriminal, nalalakad lamang ang lahat, naaareglo. Kinamuhian diumano ni Nardo ang klase ng hustisya sa kanyang probinsiya; nagbitiw si Nardo sa pagka-pulis, inilagay sa sariling mga kamay ang batas, at siningil ang mga pumatay sa kanyang ama. Bilang ganti ng mga kinauukulan, isa namang kapatid ni Nardo ang pinatay din.
Nagsimula nang magtago noon si Nardo at tumindi nang tumindi diumano ang galit niya sa mga magnanakaw ng kalabaw. Sa pagtatago, nakarating siya hanggang Hen. Trias, napasama sa matitigas na mga bataan ng isang malaking pulitiko. Dahil doon, sa mga unang taon pa lamang ng dekada ’50, nasangkot siya sa madugong pulitika sa Kabite. Noong malamig na gabi nang Setyembre 2, 1952, isang malagim na masaker na napabantog sa bansa ang naganap sa Maragondon. Ang alkalde ng naturang bayan, isang dating alkalde, at apat na pulis ang natagpuang patay sa isang sabana — kilalang masusugid na tagapagtaguyod diumano noon ni dating Gob. Dominador Camerino ang mga biktima.
Ilang kilalang mga pangalan sa Kabite ang ipinagsakdal sa krimeng iyon, kabilang ang senador noon ng bansa na si Justiniano S. Montano. Biglang lumaki ang pangalan ni Nardo, naging napakatunog: Nardong Putik, Kilabot ng Kabite!
Ikinulong siya sa Muntinlupa pero, noong 1955, inilipat siya sa kuwartelheneral ng PC (Phil.Constabulary) sa Imus habang inihahanda ang iba’t iba pang mga sakdal laban sa kanya, kabilang na ang ilang di lutas na patayan sa probinsiya. Kahit naguguwardiyahan siya nang husto sa kulungan sa Imus noong madaling-araw nang Hulyo 15, 1955, himalang nakatakas si Nardong Putik. Lalo pang lumaki ang kanyang pangalan at kumalat ang bali-balitang mayroon siyang anting-anting.
Buhat noon, naranasan ng Kabite ang sunud-sunod na patayan. Sa mga baryong kanyang pinagtataguan, mulang Sabang hanggang Malagasang, mulang Alapan hanggang Sambal, Bakaw at Sta. Isabel, natigil ang mga nakawan ng kalabaw, ang mga harangan at holdapan; isa-isang nangapatay ang mga kriminal. Natuto diumanong dumulog kay Nardong Putik ang karaniwang mga mamamayang hindi mapangalagaan at makahingi ng hustisya sa gobyerno. Iyon marahil ang simula kung bakit siya tinaguriang Robin Hood din.
Pagkatapos, noong Nobiyembre 12, 1957, araw ng eleksiyon, nasukol ng mga PC sa isang bahay sa baryo Malagasang, Imus, ang tropa ni Putik na binubuo na noon ng mga pusakal na wanted na mula pa ang iba sa mga kanugnog-probinsiya. Sa sagupaang iyon, napatay ang mismong kumander probinsiyal noon ng PC, si Ten. Kor. Laureano Marana at, gayundin, ang isang tenyente, dalawang sarhento, isang kabo, at dalawang sibilyang informer. Isa pang kapitan, isang tenyente, isang sarhento, at isang kabo ang sugatan naman. Sa panig nina Putik, ang napatay lamang ay si Teodoro Kamantigue, ang itinuturing na kanang-kamay niya noon.
Lalong naging mataginting ang pangalang Nardong Putik. Isang puspusang kampanya na malaki pa diumano sa kampanya-militar laban sa bandidong si Kamlon sa Mindanaw ang inilunsad ng PC sa Kabite. May kasamang turuang mga aso, ginalugad ng kompa-kompanyang mga PC ang halos lahat ng baryo sa probinsiya ngunit di nila makita ni anino ni Putik. Wala ni isa mang mamamayan sa mga baryong iyon ang nagturo kung nasaan si Putik.
“Itinatago marahil ng mga babae sa loob ng kanilang saya,” naiinis na sabi pa diumano ng isang opisyal ng PC noon.
At, isang araw, nang galugarin ng PC ang baryo Sta. Isabel sa Kawit, isang matandang babae ang nanungaw sa bintana ng kanyang dampa at sinabi sa ilang sundalong nagdaraan: “Pabayaan n’yo naman s’yang makatulog. Di naman s’ya talagang masamang tao. Pumapatay s’ya, pero ang pinapatay n’ya ay ‘yong masasama.”
Gayunman, dahil marahil sa P20,000 gantimpalang nakapataw noon sa kanyang ulo, noong umaga nang Mayo 26, 1958, nakubkob siya ng mga PC sa dating Barzaga Rice Mill sa may Binakayan, Kawit. Nag-iisa siyang nakipagbarilan nang husto sa mga sundalo sa loob ng 45 minuto. Natadtad ng tama ng automatic carbine ang naturang bigasan, lalo na ang maliit na opisina sa loob na pinagtaguan niya. Nang maubusan siya ng bala, inihagis niya sa lupa ang kalibre 45 baril at isang granada, lumabas na medyo nakataas ang mga kamay tanda ng pagsuko.
Pawang daplis lamang ang kanyang mga tama, isa sa kaliwang braso, isa sa may kanang kilay, at isa sa may tiyan. Parang mga paltos lamang iyon, ayon sa mga nakakita, kaya lalong tumibay ang paniniwalang may anting-anting siya, may agimat.
Muli siyang ikinulong sa Muntinlupa, hinatulang mabilanggo ng 182 taon dahil sa pagkakapatay kay Ten. Kor. Marana at ilang opisyal nito noong 1957. Pagdudusahan niya ng 40 taon ang naturang sentensiya batay sa probisyon ng Binagong Kodigo Penal at Disyembre 15, 2004 pa siya makalalaya. Nagpakita si Putik ng magandang kondukto sa mga opisyal ng Pambansang Bilangguan kaya ginawa siyang bastonero ng lahat ng preso doon. Kinagulatan siya’t iginalang maging ng mga kagaya nina Magat at Ben Ulo. Binigyan siya ng mga kaluwagan, isinama sa mga bilanggong “minimum security” ang klasipikasyon.
Pero, bigla, noong Oktubre 2, 1969, muli siyang nakatakas, kasama pa ang pinsang si Medardo Encabo. May mga naghinalang kusa siyang pinatakas sapagkat malapit na noon ang eleksiyon. Gagamitin diumano si Putik para hindi makakilos sa Kabite ang mga Montano. Katunayan, ipinaratang ni Gob. Delfin Montano noon na “pinatakas” si Putik para “patayin” ang kanyang ama — si Kong. Justiniano S. Montano.
Sa loob ng ilang buwan, kahit hindi umaalis si Putik sa teritoryong Kabite, sarisaring balita ang kumalat. May nagsabing nasa Bulakan siya, sa Bataan kaya, o sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan ni Kumander Dante. Muli, nabuo ang pangkat ni Putik, lumaki; naging kaibigan pa nila ang ilang alkalde, at mga pulis, ng ilang bayan sa Kabite. Naging kasangga pa nila ang ilang opisyal ng PC na nagpasalamat pa diumano dahil nasa labas na naman si Putik at muling nasusugpo ang mga nakawan at holdapan sa probinsiya. Kaya, kahit araw na araw, nakagagala noon sa ilang baryo at bayan doon ang kanilang pangkat, sakay ng mga kotse at pribadong mga dyip.
Pero, noong Pebrero 10, 1971, nagsimulang mag-ingat ang tropa ni Putik. Nang salakayin ng ilang ahente ng NBI ang isang taniman ng marijuana sa baryo Malagasang, Imus, dalawang tauhan ng NBI — sina Rogelio Domingo at Antonio Dayao — ang dinukot at pinatay. Ibinintang iyon ng NBI sa grupo ni Putik sapagkat protektado diumano ng mga iyon ang taniman ng marijuana.
Mga ilang buwang waring nagpalamig-lamig ang NBI ng pagtugaygay sa pangkat ni Putik. Muling maluwag na nakapaglibot sa ilang lugar sa Kabite si Kumander, gayundin ang kanyang pangkat. Pero nagsimulang mapaugnay naman ang kanyang pangalan, sapagkat panahon ng eleksiyon, sa ilang mga kandidato. Suportado diumano ni Putik, ayon sa mga bali-balita, si Lino Bocalan sa pagka-gobernador dahil sa galit niya sa mga Montano. Sa ilang bayan, si ganoon at si gayong kandidato sa pagka-alkalde ang diumano’y sinusuportahan niya rin. Natural, may ilang pulitikong lihim na nagalit sa kanya.
Pagkatapos, isang araw noong Setyembre 1971, sa baryo Carsadang Bago, Imus, isang kilalang bata ni Putik — si Emilio “Boboy” Tibayan — ang nasabat ng mga pulis-Imus. Isang barilan ang naganap at napatay si Boboy. Tumanggap diumano ng sulat mula sa pangkat ni Putik si Alkalde Jose Jamir ng Imus, gayundin ang isang pulis-Imus na si Rodolfo Bae. Tumanggap din, ayon sa balita, ng isa ring sulat mula kina Putik and delegado noon sa Con-Con na si Juanito Remulla, kilalang tagapagtaguyod noon ni Jamir. Nagbanta diumano ang grupo ni Kumander na igaganti nila ang pagkakapatay kay Boboy Tibayan.
Ang pangyayaring iyon, sabi ng mga nakaaalam, ang naging ugat ng malagim na wakas ni Nardong Putik. Umaga, Oktubre 10, 1971, habang nag-iisang sakay ng kanyang pulang kotseng Impala mulang Nobeleta papunta sa baryo Alapan, Imus, sa pagitan ng Panamitan at Tabon sa Kawit, **tinambangan ng magkasanib na grupo ng PC, NBI at pulis-Imus si Leonardo Manecio, alyas Nardong Putik, “Kilabot ng Kabite” para sa kanyang mga kaaway at Robin Hood naman sa ordinaryong mga Kabitenyong natulungan niya, napagkalooban ng hustisya at kalinga na hindi basta maibigay ng gobyerno sa mga kakaning-itik at walang impluwensiya.
Isang araw matapos mapatay si Putik, isang magsasaka sa inyong baryo sa Alapan, Imus, ang ninakawan na agad ng kalabaw; isa naman ang ipinagbili agad ang kanyang kalabaw sa takot na nakawin din.
“Sa kanyang pagkamatay, iilan ang natuwa, marami ang lumuha,” sabi nga ng isang nakipaglibing sa kanya.
——————————————————————-
** Bagaman mahirap patunayan, lumitaw ang balita nang malaon na hindi talagang tinambangan si Putik. Dahil sa teoriyang di siya tinatablan sa katawan, at sa ulo lamang, isang malapit na kaibigan ni Putik ang kinasabuwat ng isang makapangyarihang pulitiko kapalit ang kung anu-anong konsesyon para patayin si Putik. Nilasing nito diumano nang husto si Putik sa loob ng Josephine Resort sa Kawit, saka pinagpapalo sa ulo, isinakay sa kotse nitong Impala saka pinaulanan ng bala ng mga awtoridad. Di naglipat-buwan, pinatay din ang inupahan diumanong pumatay kay Putik.
————————————————————————

Saturday, December 18, 2010

"The Great American Dream"





Sa puntong ito, tatagalugin ko ang blog ko. This is gonna be my first blog post in Tagalog actually. Una, medyo maselan kasi ang tema ng blog ko at ayoko namang makasakit sa mga kaibigan kong amerikano. Pangalawa, para sa mga pinoy talaga ito. 

Ito ay tungkol sa masugid kong obserbasyon sa bansang pinapangarap ng lahat. Ang Estados Unidos ng America.

Tutoo at aaminin ko na ito ay isang magandang bansa. Paraiso para sa ilan at tunay na isang malaking tulong pang-pinansyal lalo na't meron kang pamilya. Maraming magagandang benepisyo. Bawat estado me kanya-kanyang batas. At ultimong pagbabayad ng buwis, iba't iba ang kanilang patakaran. At makikita mo naman kung saan napupunta ang buwis. Magaganda ang kalye, walang traffic, public schools, parks, library (na pwede kang manghiram ng aklat,CDs,DVDs ng libre!) at marami pang iba. Pero ang di ko maintindihan eh pagdating sa Medical Assistance.

Kanya-kanya ng insurance dito. At pag wala kang insurance lagot ka. Konsulta pa lang sa duktor, 100 dollars na. Wala pa dun yung mga ibang di naman kailangang mga examinations and laboratories, ek ek! Kaya dito, "BAWAL MAGKASAKIT!" As in!!! May mga over-the-counter-drugs pero pag kelangan ng prescription ng duktor, kelangan me insurance ka or magbayad ka ng duktor! Pagdating sa mga benepisyo at buwis, minsan at madalas, hindi parehas. Lalo na kung nasa middle-class ka, talo ka! Yung mga tamad at walang trabaho pa kung minsan ang mas nakikinabang sa Social Security. Ike-claim lang nila na disabled sila o kung anu-anong pamemeke o kaya mag-aanak sila taun-taon para makakuha ng benepisyo. Libreng pabahay, gamot, duktor, ospital, atbp. mula sa gobyerno. Libreng pagkain pa kung minsan. At yung mga nasa middle class ang nagdurusa. Kasi pag ang income mo eh nasa certain bracket, you may or you may not qualify for certain benefits. Which is a bunch of bull.

At eto pa, isa sa pinakaiinis ko. Andaming Kano na tamad at mareklamo! Mas gusto pa nilang tumambay sa bahay, magreklamo at magpalaki ng tiyan kesa magtrabaho sa mababang sweldo. Pag minimum o maliit lang ang bayad, ayaw nilang tanggapin. Mas gusto pa nilang magutom at magreklamo maghapon kesa magtrabaho. Tapos eto pa, galit na galit sila sa mga latino kasi di marurunong mag-ingles at pinag mumura nila at pinapalayas nila sa bansa nila.

Eh ang problema kasi, eh yang mga latinong yan ang gumagawa ng trabahong dapat sana para sa inyo! Binibigyan kayo ng gobyerno ng trabaho pero ano ginagawa nyo? Tinatanggihan nyo kesyo mababa ang sweldo o madalas kahit okay naman ang bayad, pero sadyang mga tamad lang kayo at ayaw nyong mapagod at mahirapan. Kaya tuloy, binibigay ng gobyerno nyo ang labor sa mga latinong ito. At mas masahol pa, mas gugustuhin pa ng mga pribadong sektor na ipadala ang trabaho sa China, India at iba pang bansa sa Asia. Na tumatanggap ng kahit magkano para lang mabuhay at me makain sa araw-araw.

Oo, dapat mas malaki ang makuha ng mga taong ito sa pagtatrabaho, pero wala silang magawa kundi magtiis. Pero minsan naisip ko, kasalanan din ng gobyerno nyo. Imbes na obligahin ang mga tamad na magtrabaho, mas sila pa ang nakikinabang ng mga benepisyo. Konting pilay lang, disabled na, ayaw ng kumilos.

Pero in fairness, marami pa namang masisipag magtrabaho. Marami akong kaibigang kano na kahit 60 plus na ang edad eh nagtatrabaho pa rin. At hinahangaan ko sila. Pero mas marami pa ring tamad at reklamador. Yun ang di ko maarok. Marami sa kanila ang gumagawa ng sarili nilang problema tapos magrereklamo at ipapasa ang sisi sa iba.

Ngayon, natutunan ko kung bakit uso ang depression pills dito. Kasi maloloka ka talaga! Kaya nga sinusulat ko na lang hinaing ko. Pasensya na mga Igan. Dahil kung hindi, baka maloka din ako sa bansang ito! Sayang, maganda ang bansang ito at maraming magagandang benepisyo sa mamamayan nila. Kung masipag ka, yayaman ka dito. At hindi ako nagtataka na maraming banyaga dito na mas mayayaman pa sa mga kano. Maraming mga Indiano dito na may-ari ng mga hotel chains, gas stations and convenient stores. Tapos, yung amo ko, turkish. Yung negosyo nila eh successful at trabahador lang nila ang mga kano.

Maraming intsik at mga latino na nagmamay-ari ng mga chinese and mexican restaurants. Maraming commercial establishments dito na mga banyaga ang may-ari. Maraming pinoy sa medical field.Duktor,dentists,nurses,caregivers, Physical therapists...also accountants,engineers,computer technicians, programmers atbp.

Siguro yun ang bentahe ng bansang mahirap. Magsusumikap kang mabuti para makaahon. Gagawin mo ang lahat para mabuhay. Sana lang wag magbago pag-uugali ng mga banyaga dito. Manatili sana silang masipag at matiyaga. Para maging inspirayon sila sa mga tamad at iresponsableng kano. Ano kaya mangyayari kung halimbawang dumating ang panahon na pamunuan ng banyaga ang bansang ito? Sigurado giyera ito. Pero kahit ano pwedeng mangyari. Kagaya ng nangyari nung 9/11. Sinong mag-aakalang sa loob lamang ng isang araw eh napabagsak ng mga terorista ang ekonomiya ng bansang nag-aangking pinaka-makapangyarihan sa buong mundo?

Okay lang sana kung apektado eh yung mga karapatdapat na maapektuhan. Kaso damay lahat. Kawawa yung mga inosente at masisipag. Pero, alam ko naman kung bakit ganito. Kung bakit ganito ang pag-uugali ng mga tao at bakit ganto kalagayan ng mundo natin. At lahat ng iyan eh patutoo lamang na hindi kaya ng tao na pamunuan at ituwid ang sarili nyang landas kasi nga tao lamang siya at hindi sakdal. Sa alabok nagmula, sa alabok din ang uwi. Isa lang ang kasagutan, kailangan natin ng gabay ng Maylikha. At iyan ang hindi maamin ng mga tao. Na kailangan nila ng tulong at di nila magagawa ang lahat sa sarili nilang kakayanan. Pero darating naman ang panahon na lahat ng ito eh mawawala na at papalit ang sakdal na gobyerno na mananatili magpakailanman. Mabuhay!!!


Friday, December 17, 2010

Myself exposed



Fish, which is a staple in our family meals, is not exactly a favorite. But there was one night when I gorged bangus as if it was the first time I tasted fish. I filled my plate with bits of fish, too many that I ended up overstuffing myself, which was why shortly after the dinner, I found myself throwing up in the bathroom. My aching belly began to deflate as I expelled the gross liquid. Tears welled up in my eyes as a matter of course, but not out of a harrowing pain that unleashed itself. But although the feeling was nothing close to heaven, there was a sense of relief.

I wish my brain could function the same. That it would react fast. That when I fill it with as much intellectual food as I could, it would naturally open the pathway and release a brain product that is shaped in a particular form but not as gross as my vomit. That my purpose for gorging, which is to inspire myself to write, would see the end of it. Most times, however, I feel an invisible barrier within my literary throat, immobilizing the inspiration, impeding the creation of a product, leaving me only as bloated and as pained as I couldn’t have hoped to imagine. It is gluttony at best.  

I call myself a writer. I like the sound of the word, the way it forms an association with me, however self-righteous I might sound. Writer, after all, is a title reserved for the intellectuals, the academic elites, and the bold souls. I know I am not any of those, but I keep my label. I am a writer. The fact that I write for a living makes me one. However, there is a big trapeze of uncertainty that is shrouding me. I call myself a writer, but the atoms of my brain along with the pulsing veins all throughout my body challenge me every night and day, asking if I am truly what I call myself to be.  Pretense that’s what I do, they say. Pretending to be someone I am not. Just because I like the sound of it and how it creates an association with me.
         
Pretense. I’ve known pretense since I was a kid. When I had time alone, playing roles was how I busied myself. I imagined being a pilgrim when I walked home from school, a teacher writing on an invisible blackboard, and a señorita wearing jewelry-shaped rubber bands. In one of my role-playing afternoons, I took the role of an erudite, wearing a disfigured pair of eyeglasses I salvaged from a forgotten box lying around the house. I imagined being interviewed on TV and answering tons of questions one breath at a time. The words coming from my mouth were not exactly words, but a compounding of sounds that was close to the birds’ chirping. I could have uttered real words, but thinking of real words and actually delivering them could take time, defeating my purpose of appearing as a quick-witted erudite. Every now and then, I would push the glasses up my nose, oblivious to the sound I was making, oblivious to the things my decision of not uttering real words represented.

I didn’t know of it then, of course. Only now, when my means of living is largely centered on the words that I use and the way I use them, that I can realize my difficulty of liberally pouring out every bit of thought and emotion I am capable of having. But I wouldn’t actually fully realize this had I not observed how this difficulty is gripping my brain and stunting my growth as a writer. You see, a writer is not a writer without a compelling message. You can write about anything to your heart’s content, but that doesn’t automatically make you a writer. A writer is a reflection of life itself, mirroring a culture, a lifestyle, a belief, a philosophy, and everything else life represents. He bravely brandishes a pen and allows himself to be consumed by the powerful force silently living within him, abandoning himself in the process and fighting every urge to slip back to the world where pretenses are better appreciated. He gives life to a self that has been consistently shadowed by all of life’s seemingly greater concerns, even if these concerns are in truth mundane. A writer is not his usual self. It is his honest, bravest, and sincerest version, one who is not a bit concerned about the thrashing critiques but is convincingly devoted to communicating what needs to be communicated. It is what he ought to be in the real world. For him to be exactly that, a secure and sound connection to his thoughts and emotions is invariably necessary. And this somewhat disqualifies me.

On the few occasions that I write for personal pleasure, which requires me to extricate and word all known and unknown thoughts and emotions, I, more often than not, find an amateurish tone in my compositions. Maybe because I am not used to having this close connection to myself, being exposed to my barest and rawest version. The honesty laced in every word almost always ignites a sense of awkwardness. But I’d like to think it’s more because I am never good at it in the first place. So my usual resolve is to halt all attempts to write. In other words, to not write until I find a compelling reason to write, which by the way rarely happens. 

People say that to be a better writer, all you need to do is write. And this requires you to wear your writer hat wherever you are. Up in the mountains, down under the sea, on the ground, and in your sleep. The problem with me is that I always look at my writer hat and then at others’ and wonder why mine is not as good as theirs. When I find the courage to fit my hat around my head, fulfilling what I think are my duties to myself, I’d notice that my hat is lackluster, mediocre, and small, so I’d wear it off again, hoping in vain it would transform into the hat that I truly want. But always I am reminded that transformation is not going to happen if I have it futilely lying around. In fact, it will grow less appealing than before I wore it off.  The work of nature, that is. But what will I do with insecurity that is looming into something bigger than my hat?

Though I wish I weren’t, I am insecure as a writer. I try to banish all reasons to be insecure, but it has a way of coming back to me, poisoning my blood as fast as the gushing, torrent waterfalls. It creeps, silently, into my being and holds a firm footing that can’t be extinguished by a mere pep talk. A fellow writer, to whom I bravely confided and who was the only person to know of my insecurities, said I was the only insecure writer she knew. She said it in a way that would have you thinking, as if asking, “What is there to be insecure of?”

There are many things actually. I’ve read many good writers during my search for inspirations and sessions of self-studying literature, and I can’t even describe how envious I am of them. If there is only one word I am left with to describe their approach on choosing words, the manner they string every word together to form a sentence, and the way they construct the sentences to communicate a thought, I would gladly use the word brilliant. And so whenever I write, passages of their materials voyage in my mind, prompting me to try to write the way they do and fit myself into their molds. But doing so frustrates me because always I find myself so small for the molds shaped after them. Heaven knows how hard I pray to be like these writers and how hard I work and study to at least be worthy of doing the very same thing that defines them.

I am aware that I am nowhere near the literary gods of the past and the present both in the local and international scenes. And this is partly why I keep questioning the validity of my claim of being a writer. The other part is because I am always plagued by numerous doubts about my writer self. I have had rejections looking me in the eye, experienced times when writing opportunities passed me by, and been thrown in situations where I couldn’t help but compare myself with other writers.

Yet, I am positive that all this would soon end. And how and when to end this hugely depend on me. Maybe it will end when I fully acknowledge that I am unique as a writer in the same way I am unique as a person. And perhaps I don’t even have to fit myself into someone else’s mold, because I am capable of creating my own. I know that when that time comes, I can finally write without fear of self-exposition and without defecting the thoughts even before I put them into paper. The insecurity that so disables me will be shaped into something that can be of use to sharpen my skills. And I can freely write forgetting everything but my love for writing and my hope that it will love me back as much. Being a writer, among other things, is how I want to be defined, and writing is the one thing I am not willing to give up. I will cease dancing, I will cease singing, I will cease walking, but I can never bring myself to the death of my writing. But in case my writer self dies, whether self-induced or out of happenstance, I pray that the God Almighty will breathe life on it again, giving me sharper senses so that I can write about the things I used to pass up and a bigger heart so that I can learn to love my writer self more. I think I deserve a second chance.




Monday, September 20, 2010

Media at ang Pambansang Kaunlaran



Media at ang Pambansang Kaunlaran
Isinulat ni Noel Sales Barcelona
© 2004, 2010

Introduksiyon

Ang media ang itinuturing na pinakamalakas na institusyong sosyal na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha ng isang opinyong makapagpapabago sa kasaysayan ng bansa. Noong panahon ng Unang Kilusang Propaganda, bago ang Rebolusyong 1896 ni Bonifacio, nakalikha na ng isang malaking pitak sa kasaysayan ang media, sa anyo ng mga diyaryong limbag kapwa sa Pilipinas at sa Espanya na nagbunsod ng isang di-mapipigilang rebolusyong sosyal.

Sa kasalukuyang panahon, ang papel ng media sa pagsusulong ng isang pambansang pagbabago sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang esensiyal na opinyon publiko, at maging ng pagbabagong hubog sa umiiral na pilosopiya at sikolohiyang panlipuna ay hindi na maitatatwa lalo pa’t naging ugat ang eskalasyon ng kampanyang pagpapatalsik sa dalawang itinuring na mga kontrobersiyal na pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong 1986 at Jose Ejercito (Joseph Ejercito Estrada) noong 2001 na nagluklok sa dalawang babaing lider na naging impluwensiyal, kapwa sa pagsusulong umano ng pambansang demokrasya at kalayaang sibil sa Pilipinas—Corazon Cojuangco Aquino noong 1986, at Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 at ngayong 2004.

Media ang naging instrumento ng mga nasabing makasaysayang pangyayari sa bayang Pilipinas at, sa ganang palagay, Media rin ang siyang makapagsusulong (sana) ng isang makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang makapagtaguyod ng isang demokratikong sistema ng pangmasang edukasyon at pagpapalaganap ng impormasyon: Na magiging batong-tuntungan naman ng iba pang sangay ng gobyerno upang lumikha ng polisiyang papabor sa kalakhan ng mamamayan.

Media: Isang Depinisyon

Media ang kolektibong katawagan sa mga entidad o institusyong tagapagbalita: radyo, telebisyon at diyaryo na nadagdagan ng dalawa pang anyo, ang pelikula at Internet. Tri-Media ang pinakapopular na katawagan sa kasalukuyang porma ng Media: telebisyon, radyo at diyaryo. At ang tatlong ito ang siyang sinasabing pinakamakapangyarihang institusyon pagdating sa pagtuturo, pagpapaalam at paghuhubog ng isang kamalayang panlipunan.

Sa literal na pakahulugan, ang Media ang nagsisilbing tagapamagitan ng dalawang ibayong entidad pulitikal na partikular sa bansa: Burukrasya at ang kalakhan ng mamamayang siya namang nagsisilbing paunang tapagtaguyod ng anumang produktong iniaalok ng Media, partikular na ang impormasyon sa porma ng balita, patalastas at paglilibang.


Media bilang isang industriyang kumikita

Isang industriyang nilikha ang Media upang kumita. Ang isang negosyanteng tulad ng mga Lopez, Gokongwei, Gozon at iba pa, sa larangan ng brodkasting ay nagtayo ng mga pasilidad ng pagbabalita upang kumita.

Hindi maitatatwang sa Pilipinas, ang malalaking estasyon ng radyo, telebisyon at maging ang mga ahensiyang wires at on-line news broadcasting na nauuso sa kasaluyan ay pag-aari ng mga kilalang Media tycoons: Lopez para sa ABS-CBN Holdings, Inc.; Tony Cojuangco para sa ABC-5; Gozon para sa GMA 7.

Sa kabilang banda, pag-aari naman ng iilang tao rin, partikular ng mga mayayamang negosyanteng Intsik ang mga pahayagan: Robina Gokongwei-Sy ng Summit Publishing; Dante Francis Ang ng The Manila Times at ng Sunday Times Magazine, kabilang na dito ang tabloid na Kabayan; Teodoro Locsin, Jr. ng Today. Maibibilang na rin dito ang mga Lopez dahil sa kanilang ABS-CBN Publishing na itinuturing na ikalawa ngayong nangungunang tagapaglathala ng magasing panlibangan tulad ng Chalk na ang pangunahing target ay mga kabataan; Metro Magazine; at iba pa.

Bagaman may mga entidad na maituturing na pag-aari ng Estado, unti-unti na rin itong ginagawang empresa (enterprise) upang kumita ang gobyerno. Ang National Broadcasting Company (NBN 4), ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13), ang Radio Philippines Network (RPN-9), at ang  Philippine News Agency (PNA) na humahawak naman ng mga Philippine wires; at iba pang estasyon ng radyo na pag-aari ng Estado ay pawang mga institusyon ng pagbabalitang nilikha upang pagkunan ng kita at gayundin, upang maging sangay propaganda ng pamahalaan.

Ngayon, unti-unti ang nabanggit—gaya ng NBN 4, RPN 9 at IBC 13—ay unti-unti nang isinasapribado dahil sa kawalan nang kumita ng mga ito, para sa gobyerno.

Ayon sa isang primer na ipinalabas ng National Peoples’ Media and Press Center of the Philippines, Inc. (NCPM), nananatili ang mga institusyon ng mas Media sa kamay ng iilang mga mayayaman o may kakayanang makabili ng prangkisa o pahintulot buhat sa gobyerno at makabili ng mga kagamitan tulad ng mga computers para sa layout at online broadcast, papel, makinang pang-imprenta at iba pa. Ibig sabihin isang kumikitang industriya ang Media.

Multibilyong piso kung tutuusin ang industriya ng Media. Dito masasabing may napakalaking potensiyal na mamuhunan ang isang tao upang kumita. Datapwa, dahil na rin sa monopolistikong kalakaran sa ganitong uri ng empresa, marami rin ang pahayagang nagsasara at mga estasyong nalulugi at tuluyan nang hindi nakapag-eere.

Nariyan ang dating Philippine Post, Manila Shining Star, at ang Metro Sun Star na dati’y nakikipagsabayan sa malalaking diyaryo tulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin at Philippine Star.

Media bilang panlipunang institusyon

Bagaman masasabing ganoon ang kalakaran, nananatili pa rin ang impresyon na ang Media ay siyang sentro ng serbisyo publiko at isang institusyong sosyal o panlipunan dahil nakapokus ang kalakhang bahagi nito sa pag-alam at pagpapakilos ng tao.

Kung susuriin, naging isang bahagi ng sosyal na gawain ng tao ang Media dahil ang lahat ng mamamayan ay umaasa sa impormasyong hatid ng Media at ang mga impormasyong ito ang siyang nagagamit ng tao para sa kanyang pang-araw-araw na gawain.

Sa mga magsasaka halimbawa, ang programa hinggil sa wastong pag-aalaga ng baboy, pagpapalago ng palay at pagpapanatili ng isang palaisdaan ay magiging malaking tulong para sa sariling ekonomiya o kabuhayan.

Nakalilikha din ang midya ng isang malayang pagpasok ng mga impormasyong kailangan para maipakilala ang isang batas na babago sa takbo ng buhay ng mga mamamayan. Kung titingnan, obligado ang Lehislaturang magpatalastas sa diyaryo na may pambansang sirkulasyon bago maipatupad ang batas.

Media Bilang Pampulitikang Insitusyon

Hindi maihihiwalay ang Media sa pulitika. Ito ang siyang tinaguriang ikaapat na bahagi ng estado (fourth estate of the state) na siyang lumilikha naman ng di-nasusulat na batas panlipunan.

Nagaganap ito sa pamamagitan ng ahitasyon na isinasagawa ng Media sa panahon na kailangan ng isang pagkilos. Halimbawa, ang kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada na ang Media ang siyang naging sanhi ng pagpapakilos na malaking bilang masa para mapatalsik ang dating pangulo sa poder at mailuklok ang kanyang bise-presidente, si Gng. Macapagal-Arroyo.

Kung titingnan, may kapangyarihang pansarili ang Media tulad ng hindi magagawa ng gobyernong pilitin ang sinumang Media practitioner na ibunyag ang kanyang pinagkunan ng impormasyon.

Gayundin naman, sa kabilang banda, ang Media ang siyang pinakamainam na instrumento ng propagandang pampulitika lalo na sa panahon ng eleksiyon. Ito rin ang siyang nagsisilbing daluyan ng ilang pampulitikang gawain tulad ng mga paglilitis na dapat makita ng madla, ang pagaanunsiyo ng bagong mga batas at maging ang ulat ng mga ahensiya ng gobyerno sa bayan.

Media at Edukasyong Panlipunan

Tatlo ang batayang katungkulan ng Media sa lipunan: tagapagmulat o agitator, tagapagpangkat o organizer at tagapagpakilos o mobilizer. Nagaganap ang tatlong nabanggit sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang opinyon publiko.

Ang opinyon publiko ang itinuturing na isa sa pinakamalakas na kapangyarihan ng mamamayan bukod sa pagluklok ng isang pinuno ng pamahalaan. Naiaanyo lamang ito sa pamamagitan ng Media: Ang impormasyon o edukasyong natatanggap ng isa sa Media ang siyang nagiging batayan ng kanyang pagsusuri at kanyang pagkilos lalo na sa mga napapanahong isyu.

Ayon kay Ma. D’Jay D. Lazaro, executive director ng NCPM at isa sa mga desk editor ng Remate Tonight, may ginagampanang mahalagang papel ang Media sa pagpapakilos ng mamamayan upang tumugon sa isyu.

Noong panahon ng kampanya kontra-Marcos (1986) malaki an g naitulong ng Media upang maganap ang unang Rebolusyong Edsa na sinundan, matapos ang 15 taon ng Ikalawang Rebolusyong Edsa (Edsa II) na siya namang nagpatalsik si dating Pangulong Estrada.

Nitong nakaraan, ang pagkakahantad sa Media ng kalagayan ni Angelo dela Cruz ang siyang nagpakilos sa mamamayan upang puwersahin ang administrasyong Macapagal-Arroyo upang makipagnegosasyon, paalisin ang tropang Pilipino sa Iraq at iwaksi nang pansamantala ang ugnayang Pilipinas at Estados Unidos upang mailigtas ang buhay ng binihag ng Overseas Filipino Workers (OFW).

Hindi na bago ito sa usapin ng pagpapakilos ng masa sa pamamagitan ng ahitasyon (agitation) ng Media o dyornalismo. Bago ang Rebolusyong 1896 at bago ang proklamasyon ng Rebolusyonaryong Gobyerno noong 1898, naging daluyan ng impormasyon at edukasyong pangmasa ang mga diyaryong La Solidaridad at Diyaryong Tagalog ng Kiluasang Propaganda at Katipunan na siya namang nakahikayat sa kalakhan ng mamamayan upang humingi ng panlipunang pagbabago: pulitikal, ekonomikal at edukasyonal.

Kaya nga, nakasentro pa rin sa isang di-maitatangging gawaing sosyal ang Media: ang tinatawag na serbisyo publiko sa anyo ng pagpapaalam sa masa kung ano ang nasa likod ng mga pangyayari at pagpapaliwanag sa kanila ng ugat ng tunay na pangyayari.

Ito naman ang siyang huhubog sa isang polisiyang kapaki-pakinabang (kung sakali) sa buong sambayanan.

Kabalintunaan sa kasalukuyang kalakarang Media sa Pilipinas

Hindi maiiwasang dahil nga sa pribadong industriya ang Media, nasasagkaan nito ang gawain ng Media bilang instrumento ng pambansang pagbabago. Madalas na nasasala ang mga balita at impormasyong nakararating sa tao.

Patalastas o anunsiyo ang siyang bumubuhay sa mga institusyon ng Media. Humigit-kumulang sa tatlo at kapat (¾) o higit pa ng kinikita ng Media ay mula sa kanilang patron o mga advertisers.

Naririyan ang kompanya nina Eduardo Cojuangco, ang San Miguel Group of Companies, na siyang pinakamalakas na tagapagpasta ng anunsiyo sa mga diyaryo at telebisyon maging sa radyo. Nariyan ang minu-minutong anunsiyo ng kanyang produktong serbesa, karne, at iba pang produktong buhat sa kanyang kompanya at mga subsidaryo.

Dahil sa utang na loob ng mga may-ari ng kompanya ng Media sa isang tulad ni Danding, nasasagkaan ang ilang mga impormasyong dapat na malaman ng publiko.

Nang isinusulat ito, mayroong nagaganap na malawakang welga ngayon sa San Miguel Beer warehouses sa Kalookan, Pureza sa Sta. Mesa, Maynila, Makati at Cubao na may malaking implikasyon sa kabuhayan ng nakararami dahil humigit-kumulang sa 10,000 o higit pa ang mawawalan ng hanapbuhay at madaragdag sa 13.7% ng kawalang trabaho.

Noong nakaraang eleksiyong 2004, hindi nabunyag sa kahit saanmang estasyon ang lihim na kasunduang Arroyo at Cojuangco sa kontrobersiyal na Coco Levy Fund. Ilan lamang sa mga Media entities ang kumagat sa balita at sa dakong huli, namatay ang isyu. Nanalo pa rin si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng eskandalo.

Dahil naman sa pag-aari ng mga Lopez ang Meralco, Maynilad at iba pang industriyang may kinalaman sa konstruksiyon, telekomunikasyon o samakatuwid, utilidad (utilities), napagtatakpan ang ilang balita ng pagsasamantala ng mga ito sa sambayanan.

Mahigit sa P19 na bilyon ang sobrang singil ng Maynilad Water Services na nakapailalim sa Benpres, Inc., ang grupo ng kompanya ng mga Lopez ang hindi naiulat sa Media. Hindi ito ibinalita sa mismong ABS-CBN at lumabas lamang sa mga kalabang estasyon sa pagpupursigi ng ilang grupong cause-oriented. Gayunman, mayroong dahilan ang kabilang estasyon kung bakit nito “kinagat” o ibinalita ang isyu: ang kita mula sa mga advertisers dahil sa buyability ng istorya at siyempre pa, pambala nila ito laban sa kalabang istasyon.

Ibig sabihin, ang pagkagat ng GMA-7 ng mga Gozon at Duavit ay bahagi lamang ng kanilang “corporate scheme” at hindi talaga pagkiling o pakikinig at pagpapalaganap ng isyu ng masa.

Ang napipintong di-makatarungang pagtaas ng singil sa NLEX (North Luzon Expressway) na hinawakan ng Benpres Holdings Inc. na ipinagkasundo sa gobyerno. Hindi ito nailabas kahit saan mang diyaryo maliban sa ilang mga alternative Media entities tulad ng Pinoy Weekly, Bulatlat.com, at Southern Tagalog Exposure.

Bilang isang ideolohikal na aparato kapwa ng Estado at ng Masa
Dahil sa napakalakas na impluwensiya ng Media, isa itong maituturing na aparatong ideolohikal o tagahubog ng kaisipang pambayan. Nakapaloob dito ang pagpapalaganap ng isang popular na kultura, popular na demokrasya at iba pang ideolohiyang nakakawing sa sinasabing pilosopiya ng nakaaangat.

Sabi nga ni Louis Althusser, sa kanyang diskursong "Ideology and Ideological State Apparatuses: Notes Toward Investigation" (1969), ibinilang niya ang Media bilang isa sa mga aparatong represibong ideolohikal ng estado. Ibig sabihin, tuwiran man o hindi, may tiyak na kontrol ang Estado (na ngayon ay pinamumunuan ng mga burgis at naghaharing-uri) sa mga entidad sa Media at ito naman ang siyang humuhubog sa kaisipan ng masa.

Ang kaisipan namang ito ang siyang humuhubog sa opinyon ng taumbayan hinggil sa mga isyu:


  • sa sosyoekonimiko at sosyopulitikong relasyon ng mga nasa lipunan

Nahahati ang Pilipinas sa limang espisipikong uri (class) ang lipunang Pilipino:

Ø  1% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang mga itinuturing na panginoong maylupa at burgesyang komprador. Sila ang karaniwang nagmamay-ari ng kalakhang yaman ng bansa, kasama na ang pangunahing industriya: kuryente, tubig, Media at mga empresa.

Ø  1% ang nabibilang sa pambansang burgesya: sila ang saray (strata) ng burgesya na nasa gitna ng malakibg burgesyang komprador at petiburgesya. Mga negosyante silang nagnanais ng makabansang industriyalisasyon at saklaw ng kanilang interes ang maliliit na pagawaan, pangingisda, maliitang manupaktura, katamtamang pangangalakal (medium trade) at negosyo sa transportasyon, at intermedyang industriya.

Ø  8% ang mga itinuturing na petiburges: kabilang dito ang mga guro, estudyante, mga propesyunal na maliit ang kita, empleyado at mababang opisyal ng gobyerno o burukrasya, gitnang magsasaka (middle peasant o nagmamay-ari ng di-gaanong kalakihang lupang sinasaka), ekspertong tagayaring kamay, karpintero-kontratista, mangingisdang may sariling bangkang de-motor at kagamitan, at bihasang manggagawang may mataas-taas na sahod.

Ø  15% ang mga manggagawa

Ø  75% ang mga magsasaka o tagapagbungkal ng lupa.


Hindi madalas na naipakikita ang ganitong pagkakahati-hati sa lipunan, bagaman may ilang nagsasabing malayo ang agwat ng pamumuhay ng mga mayayaman at mga mahihirap, kapwa sa kalungsuran at kanayunan.

Sa pagitan ng mayaman at mahirap, ang mga mayayaman ang lumilitaw na tagalikha dahil sila ang may kakayanang makapagmay-ari ng mga industriya. Subalit, kung titingnan, ang mga manggagawa at magsasaka kasama ang iba pang nasa 99% na porsiyento ng populasyon ang siyang may kakayahang makalikha ng masasabing kabuhayan ng bansa.

Madalas na hindi ito naipakikita sa Media. Ngunit, madalas na ipinakikita ang malaking agwat ng kabuhayan ng mga mayayaman at mahihirap sa mga pelikula, palabas at mga dokumentaryo.


  • ang konsyumerismo at ang pagpapalaganap ng kulturang popular (na mapaminsala)

Ipinalalaganap ng popular Media ang isang kulturang nakabatay sa pagbili (consumerism). Dahil sa may kakayanan ang mga petiburges at mga nasa bahaging "nakaaangat" na bumili, patuloy ang pagpapalaganap o pagpopopularisa ng mga bagong produkto (mga kosmetiko halimbawa) upang hikayatin ang masa na bumili.

Gayundin naman, pinalulutang ng Media ang isang uri ng malabsang kulturang ipinaampon sa masa bilang kanyang sariling kultura. Nariyan ang mga pelikulang porno, mga nakasasakit na gag shows at iba pa.

  • popular na demokrasya

Nasa mukha rin ng Media ang balintunang relasyong pampulitika tulad ng mga huwad na repormang ipinapalaganap ng gobyerno.

Binubusog ang tao ng mga pangako buhat sa mga pulitiko sa pamamagitan ng pag-eere nito sa Media. Bagaman mayroong mga kongkretong proyekto, hindi ipinalalabas ng Media dahil sa sensura ng gobyerno ang kapalpakan ng mga proyekto. Hal. Ang mapaminsalang polisiya ng globalisasyon at pribatisasyon.

Bagaman may sinasabing may kalayaan sa pamamahayag, maraming mga mamamahayag ang sinasagkaan ng karapatan sa pamamahayag.

Ang unos sa industriya ng Media

Bagaman may kabalintunaan, hindi rin maiiwasang binabayo rin ang sinasabing demokratikong identidad at gawain ng Media.

  • Sensura at sariling-sensura (self-censorship)
May ilang mga pahayag at mga balitang hindi naipalalabas dahil hindi pinapayagan ng editor o ng tagapaglathala na mailabas.

Malaganap ang ganitong kaso sa mga diyaryong kinakandili ng mga maimpluwensiya. Bilang utang na loob, maraming mga impormasyon ang nananatili na lamang nakatago at hindi nailalathala.

Marami ring kasong "minamasahe" ang mensahe dahil na rin sa "utang na loob". Ang dapat malathala’t hindi nailalathala.

  • Korupsiyon at pang-ekonomikong suliranin

Marami na ring mga taong Media ang napipilitang “ikalakal” ang sarili upang masapatan ang kita. Maraming mga korespondent sa probinsiya maging sa kalungsuran ang nagiging PR na lamang ng mga pulitiko at mga korporasyon. Gayundin, pinipiling ipagbili ang prinsipyo upang magkaroon ng sapat na salaping panustos sa sarili at sa pamilya.

Marami kasing mga Media practitioners sa mga lalawigan ang kumikita lamang ng P1,500 isang buwan o mas mababa pa.

  • Pagsupil sa karapatang mag-unyon

Tulad ng iba pang empresa, may ilang mga pahayagan at mga estasyon ng telebisyon at radyo ang nagtatayo ng unyon: gaya rin ng ibang unyon ng mga manggagawa, bawal ang welga, dinadaya ang CBA (Collective Bargaining Agreement) at sinusupil ang karapatang mag-unyon.

Ayon sa ulat ng Bulatlat.com, kasalukuyang nagtatanggalang ngayong 2010 ng mga empleyado ang ABS-CBN Internal Job Market. Ang puntirya nila: mga opisyal at kasapi ng unyon.

Ginagawa nila ito para tuluyang maisakatuparan ang balak ng ABS-CBN na tuluy-tuloy na kontraktuwalisasyon sa hanay ng kanilang manggagawa, nang sa gayon, ay kaunti lamang ang kanilang “gagastusin” kung pag-uusapan ang pagbabayad sa benepisyo at sahod ng kanilang mga manggagawa.

  • Hindi makatarungang mga batas

Sa panig ng pamamahayag pangkampus, ang Campus Journalism Act of 1991 (Republic Act 7079) na nagdulot ng pagsasara ng mga publikasyong pangkampus tulad ng Ang Pamantasan.

Kasama rin din dito ang pagpapaigting o pagpapabuti sa batas sa libelo at paninirang-puri (slander) na karaniwang ginagamit upang masensura ang karamihan sa mga mamamahayag.
  • Karahasan

Mula 1986, sa panahon ng pananauli diumano ng demokrasya, 55 mamamahayag na ang pinaslang (may nagsabing umaabot na raw sa 137; hindi pa kabilang ang di-nauulat.

Ang Media, ang pambansang pagmumulat at ang kaunlaran

Kung mahahamig, maaring magamit ang Media, gaya nang nasabi bilang isang progresibong instrumento ng pagbabago.

Dito papasok ang sinasabing "alternative Media" o mga entidad na kontra popular na Media na naghahantad ng tunay na kalagayan ng lipunan at naghuhubog ng isang esensiyal na opinyon publiko.

Dahil sa lakas ng Media na makahubog ng isip ng madla, maaring gamitin ito upang tuwirin ang kabaluktutang ipinalaganap sa pamamagitan din ng Media.

Narito ang mga halimbawa:

  1. Ang isang balita halimbawa tungkol sa pag-aalsa ng magbubukid sa Timog Katagalugan ay maaring tanggapin bilang isang balitang pangkaraniwan. Subalit ang pag-ugat nito bilang isang suliraning panlipunan, alalalong baga ang relasyon ng kapangyarihan sa pagitan ng mga magbubukid at panginoong maylupa ay higit na magbibigay linaw sa manonood o mambabasa upang maunawaang ang balitang nabasa, napanood o napakinggan ay isang malinaw na indikasyon ng umiiral na hindi patas na relasyong pangkapangyarihan sa kasalukuyang lipunang Pilipino.

Ang pag-aalsa ng mga magbubukid ay malinaw na tatanggapin bilang tugon sa isang di-makatarungang patakaran hinggil sa pag-aari ng lupa. Dito, mapakikilos ang nakararami upang ipagtanggol at ipaglaban ang tunay na repormang agraryo. Mapupuwersa ng gayong mga pagkilos ang gobyerno upang baguhin ang bulok na sistema sa paghahati-hati ng lupain at pagpapaunlad ng buhay bukid.


  1. Sa pamamagitan ng isang dokumentaryo ng paghahantad sa paglabag sa karapatang pantao, tulad ng nagaganap sa Timog Katagalugan, agad na maaksiyunan ang kasong tulad ng kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy na pinaslang ng mga militar.


Ang paghahantad ng korupsiyon sa gobyerno at pagsisilbi ng isang entidad ng Media sa sambayanan ang makapagpapabago sa gobyerno. Pinakamagandang halimbawa nito ang pagpapatalsik sa diktadurang Marcos at ang pagpapanauli ng demokrasya.

Kongklusyon

  • Pahapyaw lamang ang nabanggit sa itaas. Kung itotodo ang potensiyal ng Media bilang instrumento ng edukasyon at paglilinaw, makalilikha ang kasalukuyang lipunan ng mga pagbabagong esensiyal at progresibo para sa pangkalahatan.

  • Sa tunay na Media ng masa magmumula ang mga mabubuting panukalang pangkabuhayan sa pamamagitan ng paghahantad ng kontra-mamamayang polisiya sa kabuhayan, na isasagawa naman ng tunay na demokratikong gobyerno na hindi naman malabong maabot ng Pilipinas at ipapatupad nang walang pag-aalinlangan;

  • Ang mapanuring Media ang siyang susugpo sa korupsiyon ng gobyerno at siya namang magtuturo sa mamamayan kung paano kumilos bilang paglaban sa kabalintunaang ito;

  • Ang Media bilang institusyon o edipisyo ng demokrasya ang siyang magpapalaganap ng tunay na kahulugan ng demokrasya at magsusulong nito; at

  • Ang tunay na Media ang siyang magiging katulong ng tunay na demokratikong pamahalaan sa pagsusulong ng isang maayang bukas na may malayang impormasyon at isang edukasyong masang nakapagpapamulat at nakapagpapalaya.

Talasanggunian:

Iba’t ibang balita sa peryodiko, telebisyon at internet
National People’s Media and Press Center of the Philippines, Inc. (2002) Primer on Media.



 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.