Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts

Sunday, June 24, 2012

Bato

mula sa panulat ni Glen Sales





Binato sila ng mga bato.
Mula sa mga nagproprotesta.

Sa bawat minuto,papaprami nang paparami
Ang mga bato.

Ngunit mabilis nilang isinilid ang timpi.

Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Ngunit walang tinapay sa kanilang kalooban
Noong araw na iyon.

Sa halip, ang mainit-init na galit ang nangusap.

Maraming bala ang nagpalawa ng dugo.



Sunday, June 10, 2012

Istasyon ng Desti-nasyon






Narito tayo ngayon:
Kinakabig ng daloy at ugong
ng mga pabalik-pasulong
sa pagitan ng bawat istasyon.

Sari-sari, samu't sari
ang ating kasabay,
na minsa'y sumusulong pabalik;
minsa'y bumabalik pasulong.

At sa kaduluduluhang istasyon,
sa dulo ng lahat ng pagbalik-pagsulong,
doon magtatagpo

ang lahat ng pagtatagpo.

 2012, Hunyo 8


Monday, May 14, 2012

Ang Oyayi ni Inang







Ang Oyayi ni Inang
adaptasyon ni Tilde Acuña ng tula ni Johann Wolfgang von Goethe

Bumabangon ako sa bukang-liwayway, lumuluhod at umiihip
Hanggang umandap-andap at magbaga ang binhi ng apoy;
At kailangan kong mag-isis at mag-luto at mag-walis
Hanggang magsimulang kumurap at sumulyap ang mga bituin;
At humihimbing at nananaginip ang mga musmos sa banig
Habang suot nila ang lampin at tila magkakaternong damit,
At matapos nilang palipasin ang buong araw
At bumuntong-hininga tuwing humahangin:
Habang nagbabanat ako ng buto dahil ako’y may edad na,
At nanlalata at nanlalamig ang binhi ng apoy.

The Song Of The Old Mother
by Johann Wolfgang von Goethe
mula sa [http://famouspoetsandpoems.com/poets/johann_wolfgang_von_goethe/poems/10230]

I rise in the dawn, and I kneel and blow
Till the seed of the fire flicker and glow;
And then I must scrub and bake and sweep
Till stars are beginning to blink and peep;
And the young lie long and dream in their bed
Of the matching of ribbons for bosom and head,
And their day goes over in idleness,
And they sigh if the wind but lift a tress:
While I must work because I am old,
And the seed of the fire gets feeble and cold.

visit the author's blog here for more: Carcosite


Sunday, May 13, 2012

Nang Wala Nang Nagbubunganga sa Akin






ni Macky Serrano Salvador

Natupad na ang minsan kong hiniling
wala na ngayong nagbubunganga, naninita sa akin
pag nagkakape ako
bago kumain
wala nang nananaway
pag inaabot ko
tuwalya sa sampayan
pagkatapos magbabad
sa sarili kong blog at Facebook account
wala na, wala.

Hindi na ako
nakaririnig ng sermon
pag may natitirang kanin sa'king pinggan
o kung pumapasok ako ng bahay
nang nakatapak
pagkagaling sa eskuwalahan
nang nakasapatos buong araw.

Wala na 'kong naririnig
ni sermon, ni sita
pag nilalantakan ko ang balot
nang hindi naghahapunan
o pag nakatodo ng lakas
ipod na nakapasak sa'king tenga
o pag natutulog ako
nang nakahubad.

Wala nang pagbubungangang humahalo
sumasaliw
sa sagitsit ng mantika sa kawali
sa mga umagang
tinatanghali ako nang gising
o mga pangaral
na nakikipag-duet
sa huni ng mga kuliglig
sa mga gabing
minamadaling araw ako nang uwi.

Wala na akong naririnig na ganoon
wala na,
dahil nga wala ka na
at kasabay ng pagkawala
ng mga sermon, pangaral, sita
pagbubunganga
wala na rin akong
madamang saya.


Wednesday, May 9, 2012

Elehiya kay Ma. Sheena S. Trinidad









-Jeric Jimenez


Hindi ko alam kung bakit kinailangang durugin ang magkabila mong mga paa
gayong sinanay ito sa matinding sikat ng araw
patungong
Mendiola.

Hindi ko alam kung bakit kinailangang butasin
ng iba’t ibang kalibre ng baril ang iyong katawan
gayong panangga ito ng mga aping magsasaka.

Hindi ko alam kung bakit kinailangang tanggalin ang karapatan mo bilang
mabuting anak,
malambing na asawa’t
mapagkalingang ina
gayong labis-labis kang sumigaw para sa wastong sahod ng mga manggagawa
gayong ubos-lakas kang nagmulat dahil balintuna ang pamamahayag
gayong buong buhay mo bilang anak,
asawa’t ina’y
inialay
para sa mga kumitil din naman ng iyong buhay.

Hindi ko alam kung bakit kinailangang
barilin ka nila nang malapitan
gayong di na rin naman nalalayo
ang nalalapit nating kalayaan.

Hindi ko alam kung bakit kinailangang tadtarin ng bala ang iyong bungo
durugin ang iyong mga paa
at butasin ang iyong katawan
gayong matibay at lalong lumalakas ang mga una nating utak,
ang mga una nating dugo.
gayong ang mga yabag sa lansanga’t kanayuna’y di na naglalayo
gayong ang mga pananggalang sa kalunsura’y di na sumusuko.

Dahil ba sa mga lapidang uhaw sa pagkabuhay
na naroon ang pagmamahal na maliw na maliw?
dahil ba sa mga naiwa’t nakalimutang bulto ng mga buto-buto
na naroon ang mga panaginip na minsan mong iniluha ang paglaya
o dahil ba sa bitak-bitak nilang mga mata
na makikita mo ang mga balang di tumuturol ang mga ihi.
At sa matingkad nilang mga unipormeng
maaaninag mo ang walang saysay nilang pagpapasabog ng mga bomba.
Mapatutunayan mong walang naipagtatanggol ang mga isinusuka ng kanilang mga baril.

Sa pagkakataong isa-isang natutumba ang mga tulad nating bukal
nadadamba ang maliliit na singhal
masikhay na naitutulak ang mariringal na pagwasak
at naitatayo
nabubuo
lalong tumitindig ang matitimyas na
pagkakapantay-pantay.  

Hindi mo man matagal-tagal na nahimas ang likod ng iyong anak,
napunasan ang tumutulo niyang laway o nalinis kanyang dumi ;
hindi mo man naakay ang iyong ina sa kanyang pagtanda
o naalagaan ang iyong ama sa nananakit niyang rayuma ;
hindi mo man nasuklian ang mga halik sa hangin ng iyong kabiyak,
kanyang mga liham ng pag-aalala
o pagmamahal na tiyak na tiyak naman niyang umaabot
hanggang sa dulo ng mga balang iyong pinakawalan ;
Natitiyak ko. Natitiyak naming lahat –
Maririnig pa rin namin sa lansangan ang mga paa mong kanilang dinurog
Mauulinigan pa rin namin sa matatalas na diskurso’t panawagan
ang mga tinig mong kasamang winasak ng iyong bibig
At madarama pa rin namin sa kanayunan ang katawan mong binutas ng mga
walang silbi’t
Walang saysay nilang mga bala.



-       Si Sheena Trinidad ay dating lider-istudyante mula sa UP-Manila. Isa sa apat umanong New People’s Army (NPA) na nakaingkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Marso 8, 2012 sa Bongabon, Nueva Ecija.



Monday, May 7, 2012

Trak


TRAK 

by: Jeric Jimenez


tumatagas ang langis

sa tambutso ng                                                jeep.

sinasabayan ito ng pagewang-gewang

na larawan nina                  Maria at Jesus.

Ang mga alikabok sa rosaryo’y

dumikit nang                                       husto sa bawat                                    butil.

pagewang-gewang din,

ang krus sa rosaryo’y putol ang kaliwang kamay;

basag               ang                                                      ulo.

may                 krak                 na ang mukha ng                                 signage

amoy               lumot ang                    lalagyan ng mga                     

barya

maitim na ang dating kulay

dilaw na                                              kurtina

tumatagas pa rin ang langis

ngayon ito’y

nagpadulas sa gulong na handang humambalang sa


Humahalimaw,

Napakalaki


Rumaragasang




Friday, May 4, 2012

Ang Langgam sa Banyo ng U.P. Diliman



 by: Rom Factolerin

Lakad-takbo akong nagmamadali
kinikilabutang pumasok sa isang gusali
hangos sa hagdan
kumaliwa sa palikuran
pawisan at nanginginig
na ibinaba
ang zipper.
 pikit, buntong-hininga sabay tingala
unti-unting umagos ang ginhawa.

Mula sa sahig na aking kinatatayuan
napatingin ako sa aking paanan
bulbol na kulot
lumalakad ng painot-inot
tangan-tangan sa bibig
ng isang malaki
at maitim na langgam

Isinara ang zipper at butones
inayos ang laylayan ng damit
pero hindi pa rin mawaglit
ang tingin
sa tanawing
nakaliligalig.

Minsan ako’y sadyang pakialamero
buhay ng iba’y libangang usisain
kahit na ang walang kakwenta-kwentang
gawain
tulad na lang nitong langgam
na ewan ko ba at imbis na pagkain
ay lagas na bulbol ang tangay-tangay
sa kanyang mga ngipin.

Naisip ko habang naghuhugas na ng
aking mga kamay
mayroon nga kayang ibig sabihin
ang ganitong pangitain?
ano kaya ang sasabihin ng lola kong
mapamahiin?

Marahil nga na ang tao
sa kanyang pamumuhay sa
makabagong mundo
sangkatutak ang hawak at tangay-tangay
na kung anu-ano
gaya ng lagas na bulbol sa ngipin ng
langgam
parang modernong gadget
sa kamay ng mangmang
pinag-ipunan at binili kahit pa hulugan
ni hindi naman alam kung ano ang silbi
at para saan.


Thursday, May 3, 2012

Awiting Ka Roger




by: Jeric Jimenez

Sa wakas, makakanta mo na rin ang ibong matagal-tagal mo na ring sinisipulan. Ang mga awiting di mo man lamang masambit sa labis na pagkaabala, maaawit mo na ring mag-isa. Mapakikinggan mo na rin habang pumapaling ang leeg. Sumasabay sa uyayi’t maaamong mga ritmo. Sa wakas, di ka na mamomroblema pa sa mga nagliliparang mga papel o sandamakmak na duming ating nililinis. Lumbay kaming nagdalamhati sa iyong paglisan. Ngunit masaya kami ngayong humahabi ng kasaysaya’t mga awitin. Sa wakas, tulad ng palagi’t lagi mong bilin, natutuhan na rin naming umawit nang sabay-sabay. At tulad ng walang humpay mong paggabay, sa mga awitin man sa kalunsuran o sa mayuming ritmo sa kanayunan;
Dudurugin ang maling timbre ng musika.
Wawasakin ang garalgal na mga nota.




Tuesday, May 1, 2012

Waiting





(unto Raskolnikov, Rilke or Yushchenko and the Berlin Wall of Silence) //Nov. 15, 2010

by: Shirley M. Monreal

{under the nom de plume ‘Miranda Irina Semyonovna"
~~~~~
In the midst of shadows, sometimes
Oblivion–it appears
  nonetheless inviting to me as I muse
On your uncertainties
And words unarticulated
Expostulated merely
  by a rapture of a gaze
Then:–
  Ruptured by a benevolent coldness
Whenever this soul
     [My soul]
Seeks the comfort of even a word:
   [ "That you..." ]
Ah, a benevolent coldness!
How kind.
Altogether though a pastiche
of yesteryears, two years, a year.
   [Yes you have talked. "That you..."]
Comprising all unsaid
Whilst you had mimed with sentences–
   those yesteryears, two years, a year;
Thoughts.
But now witholding–
   As this soul
      [My soul]
Tramples itself, then pines with hushed pain
Anticipating
Halted waiting.
    (Respondez)

Monday, July 18, 2011

Bugtong ng mga Bituin



Sana`y may lihim na lagusan
Patungo sa malalayong mga bituin.

At doon, makapaglalakbay tayo
Na kasintulin ng liwanag.

Maglalagos sa kabilang daigdig kung saan
May ibang sumisibol na kabihasnan


Na lihis sa ating kinagisnan.
Isang nakatagong daigdig
Na `di masaklaw ng ating kamalayan

Simula nang isinilang
Ang  laksa-laksang bituin sa kalawakan.

Sana`y may lihim na lagusan
Patungo sa malalayong mga bituin;

Tulad ng isang mahiwagang pintuan
Na pipigil sa pag-agos ng buhanging-orasan.

Sa gayon, titigil sa pag-ikot ang ating buhay
Sa sanga-sangang mga yugto

Ng mapagbirong tadhana`t panahon.
Isang  matandang palaisipan
Na `di masaklaw ng ating kamalayan,

Simula nang isinilang
Ang laksa-laksang bituin sa kalawakan.

Ngunit sa huli, mapagtatanto natin
Na hungkag ang ating kaisipan

Sapagkat tayo`y kapara lamang
Ng mga  butil ng buhanging
Nakapaloob sa isang malawak na karagatan.

Inaarok ang lalim, inaabot ang hangganan,
Hinahagilap ang mailap na kasagutan.

Simula`t simula nang isinilang
Ang laksa-laksang bituin sa kalawakan.


-Allan Lenard Ocampo











Wednesday, March 9, 2011

Well-shaped by the Potter's Hand




by: Felix Alvarina

The heart of a true lover will have an eternal love
The heart of a true believer will have an eternal life
Each heart well-shaped by the potter’s hand.

The mind of Ninoy transformed the lives of millions
The mind of Bill Gates worth dollars in billions
Each mind well-shaped by the Potter's hand.

The hands of a boxing glove-maker may earn for a living
The hands of Pacquiao with boxing gloves earned for a better living
Each hands well-shaped by the potter’s hand.

The feet of a wild animal can run so fast for a meal to survive
The feet of a prey can run so fast for a life to survive.
Each feet well-shaped by the potter’s hand.

The life & death of Rizal brought our nation's salvation
The life & death of Christ brought our soul's salvation
Each life well-shaped by the potter’s hand.

What shape do you have? Will you share it?
Whatever our talents, our gifts, our dreams and aspirations
They were all well-shaped by the Potter's hand...
... the OMNISCIENT & OMNIPOTENT HANDS OF GOD.

They were all well-shared, all must be share

Cause you and I have been...

... WELL-SHAPED BY THE POTTER'S HAND.



Friday, March 4, 2011

Bumps



“The findings dictate I should undergo operation. My gallstones cannot be treated by medicine alone. The doctor said I'm also diabetic and that while my hemoglobin is low, my uric acid is high. She told me, too, that my thyroid would be monitored because there’s a lump in it.”

- A text message from mother


by: Karlo Jose Pineda

the news came as a wall
to which i collided with.

the smash silent yet strong,
horrid yet hidden.

and i was left frail on the floor
dreaming of amnesia

—even if it can't unmouth
what life—yours—

had terribly spoken.



 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.