nobela ni: Melanie Quilla
Chapter Eight
“My toes, my knees, my shoulder, my head! Oh, my ankle... my poor ankle!”
Napapailing si Sandra habang naririnig niya ang reklamo ni Diane sa kung anu-anong masakit daw dito. Kasalukuyan silang namumundok kasama ang Thunderkizz Band at ang kasintahan ng mga ito. Isinama siya ni Reijan. Pero hindi lang ang pag-iingay ni Diane ang ikinaiinis niya kundi si Ross. Hindi man lang siya lapitan nito at pawang nananadya talaga dahil kay Diane ito nakadikit.
“Ay naku, Diane. Bahala ka na nga diyan sa buhay mo. Reijan, ikaw na nga bahala dito,” sabi ni Ross.
Walang-sabing iniwan siya ni Reijan. “Uy, paano naman ako?”
“Pagtityagaan na lang kita,” tugon ni Ross.
Binilisan niya ang lakad. “Di bale na lang, kaya kong mamundok ng walang taga-alalay. Hindi katulad ng isa diyan, nag-iinarte pa.”
“Ross, my dear. Pakisabi nga diyan sa kasama mo na kung naiinggit siya e di mag-inarte din siya. Palibhasa kasi, bitter siya sa break up ni’yo kaya siya ganyan,” pang-aasar ni Diane.
“Reijan, pakitulak nga sa bangin ng isang maingay diyan para mabawasan naman ng burden itong kabundukan na ‘to. At saka-” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang akbayan siya ni Ross.
“Pabayaan mo na si Diane. Ako na lang ang intindihin mo okay.”
She felt her heart skipped when she became aware of his body beside her. “Pwede ba? Bitawan mo nga ako. Matapos mong hawakan siya, hahawak ka sa’kin? Yuck!”
“Tama na, ‘wag mo ng pagselohan. Andito na nga ako.”
“Ang kapal ng mukha mo, Ross!” May naamoy siya dito na hindi niya gusto. Agad niyang kinuha ang pabango niya sa bag at halos ipinanligo na niya iyon dito. Hindi naman ito nagreklamo at hinayaan na lang siyang ispray dito ang pabango niya. “Kumapit na sa’yo ang pabango ni Miss Pulot, hindi maganda sa pang-amoy ko.” Nang ma-satisfied ay hindi na siya nag-reklamo nang akbayan siya nito at alalayan sa pag-akyat.
“Woman! Masakit talaga sa ulo ang babae,” komento ni Ross. “Teka, mauna ako para maalalayan kita.”
Nauna itong humakbang sa medyo mataas na bahagi at nang makahanap ng balanse ay iniabot nito ang kamay sa kanya. He pulled her up and embraced her nang mawalan siya ng balanse. Sa takot na mag-slide sa bangin ay napayakap siya rito. Bumilis pa ang kabang naramdaman niya. Kay Ross lang naman talaga siya nakakaramdam ng security simula pa man.
“Okay na, Sandra. Mauna ka?”
Nakita niya ang sunod na aakyatin, mataas din iyon. “Ikaw muna, baka mahulog lang ako.”
“Sige, kapit ka muna diyan sa puno.” Nauna itong umakyat and pulled her up again.
Nadulas pa siya. Mabuti na lang at maagap siya nitong nayakap. Isinubsob na niya ang mukha sa dibdib nito. Mas malamim kasi na bangin ang babagsakan niya kung nagkataon. “Sabi ko nga, kailangan ko ng alalay. Hindi na dapat ako sumama kasi hindi naman ako marunong mamundok.”
Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Kaya nga, andito ako di ba?”
“Wow, ang sweet naman.”
“Patingin nga. Yihi!”
“Kasalan na iyan!”
Narinig nilang tukso ng mga lovers nina Drexcel at Yohann na kasama ni Ayame.
Tinukso na tuloy sila ng lahat. Lalo lang niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Ross sa hiya.
“Yohann, mahaba pa ba ang ganito kahirap na daan?” tanong ni Ross.
“Medyo, pare.”
“Ayos. Sana ganito na lang lahat ang daan!” biro ni Ross.
Hinampas niya ang balikat nito. Napasinghap ito at humagalpak ng tawa. Nakitawa na rin ang iba.
They continued hiking hanggang sa medyo patag na ng konti ng dinadaanan nila. Ross never let go of her hand. Once in a while din ay inaakbayan siya nito.
He touched her back. “Basa na ang likod mo. Wait.” Huminto sila ng paglalakad at kumuha ito ng towel sa bag na dala.
He inserted the towel inside her shirt. Pakiramdam niya ay dumoble ang kabang naramdaman niya sa ginawa nito. Nagiging sweet na naman ito sa kanya matapos siya nitong pabalang na kausapin noong nasa Tarlac sila.
“Thanks.” Kinapa din niya ang likod nito. “Basa na rin likod mo.”
Iniabot nito sa kanya ang isa pang towel. Inilagay niya iyon sa likod nito. Bigla tuloy niyang naalala ang mga sweet moments nila noong mag-asawa pa sila. She used to be so caring for him, bini-baby niya ito.
“Sandra, pwedeng magtanong?”
“Sure.”
“Ano ba talaga tayo?”
They continued walking. “Di ko nga alam e. Once, we’re sweet, we care for each other. Pero pagkatapos no’n, we hate each other. Tapos sweet ulit. Tapos away ulit.”
“Ahm… aaminin ko na. Nagseselos talaga ako from head to toe whenever I see you with that film director. Hindi ko talaga gusto na may ibang nagpapasaya sa’yo. Call it selfish but that’s what I feel. Mas gwapo naman ako do’n. Bakit parang ang saya-saya mo ‘pag kasama mo siya?”
Binatukan niya ito. “Imagination mo lang iyon. Almost sampung taon na kitang minamahal kahit naaasar, nagagalit at napipikon ako sa’yo. Hindi naman iyon ganon kadaling itapon. Bakit ikaw? Masaya ka rin naman kapag kasama mo si Diane.”
“Sumbungan lang ako no’n sa mga kalokohang pinaggagawa sa kanya ni Reijan. Wala lang iyon. Imposibleng ako pa ang unang ma-fall out of love sa’yo.”
“E bakit ka nakipag-divorce sa akin?”
“Para mas madali sa’yo ang magdesisyon sa buhay mo. I thought you would hate me more after mong malaman na nilihim ko sa’yo na may sakit ako noon. Naisip ko na kung divorced tayo hindi ka na mapipilitang makipag-ayos sa akin dahil naaawa ka o nagi-guilty ka. Pero reverse iyong nangyari. Mabuti na rin iyon. Kasi kung hindi tayo nag-divorce, malamang mas magulo pa tayo kesa sa kaguluhan natin ngayon. So, ano kayang itatawag natin sa relasyon natin?”
Tumawa siyang nang maisip ang isang corny na salita. “MU.”
He laughed. “MU? May mutual understanding na maging sweet at mutual understanding na mag-away. Sagutin mo na lang ako ulit para tayo na.”
“May itinanong ka ba?”
He suddenly stared at her with full of excitement and love. “Wala pa. Mamaya, meron.”
Kunot-noong pinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa maabot nila ang campsite.
Habang abala ang mga boys sa pagtatayo ng tents, inabala ni Sandra ang sarili sa pag-appreciate ng mga puno, damo, bato, at engkanto na matatagpuan sa kagubatang iyon.
Nilapitan siya ni Penpen. “May lagnat na naman si Ross. Napapadalas na may sakit ang isang iyon ngayon.”
Nag-aalalang nilingon niya ito. “Na naman? Nasaan siya?”
“Andun sa tent, pinagpahinga ko muna. Pwede mo siyang puntahan.”
Agad niya itong pinuntahan pero hindi may sakit na Ross ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang tent. May mga nakalatag na macaroons at polboron na bumuo sa salitang, “Marry me, again?” at may mga rose petals pa sa paligid. Then she saw Ross naka-cross sitting position at nagsa-strum ng gitara sa sulok ng tent at maya-maya pa’y kumanta na ito.
“I’d gladly take this ride, as long as you are there on the other side. Not making sense at all, of making sense of it all. So while I can, I’ll take the chance , I’m diving in. If you need me, I will die to feel alive again…So, I say I love you. I don’t wanna wait forever just to say, I need you. Doesn’t even have to matter. If it really matters anything to you.”
He was lovely staring at her while singing. She was succumbed by lots of emotions. Ni sa pangarap ay hindi niya naisip na muli, aalukin siya nito ng kasal. She was overwhelmed at nadagdagan ang kilig na naramdaman niya nang may mag-second voice sa kinakanta nito mula sa likod niya. Thunderkizz was singing with Ross!
“I’m falling like I’ve never done so before. I’m flying against the wind and here I go…So, I say I love you. I don’t wanna wait forever just to say, I need you. I don’t wanna wait forever. So, while I can I’ll take the chance. So, I’ll say, I need you. Doesn’t even have to matter when I say…I love you so (I love you), I need you. It doesn’t really matter… If it really matters anything to you…I love you…”
“Sandra-”
“Yes!”
Tumawa si Ross kasabay ng pagtawa ng lahat. “Teka lang naman, may sasabihin pa ako.”
“Alam ko na iyan. Mahal mo ako, hindi mo na ako iiwan at hindi mo na ako sasaktan. Tama?”
“Hay naku, o siya.” Nilapitan siya ni Ross. He raised his hand and pick something from her ear. “Matagal kong pinaraktis itong trick na ito na tinuro ni Earth.” Mula sa likod ng tenga niya ay nakuha nito ang isang emerald ring. Pagkatapos ay masuyong isinuot iyon sa palasingsingan niya. “Alam kong medyo out of place itong proposal ko. Gusto ko lang kasing bumalik ka na sa akin.”
“Hindi ako hihindi. Alam mo iyan. At matakot ka dahil walang divorce ang kasal sa Pilipinas at maraming kaekekan magpa-annul.”
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Wala na akong balak na hiwalayan ka. From now on, this relationship will only be for romance and happiness. I love you so much. And I mean it.”
“I love you, too.”
He leaned down and kissed her. Sabi nga nila, kung talagang para sa’yo ang isang tao, magkahiwalay man kayo, magiging kayo pa rin. Iyon ang nangyari kina Ross at Sandra.
“Yehey! Sakalan na!” patawang hirit ni Reijan.
“Tapos na ba ang proposal? Kainin na natin ang macaroons at polboron. Lamang tiyan din iyan!” hirit din ni Drexcel na ikinatawa ng lahat.
FEW days after, itinakda nila ang pamamanhikan. Umuwi pa ang magulang ni Ross para personal na makaharap ang pamilya ni Sandra.
“Wala ng magulang si Sandra. Bata palang siya namatay na iyong parents niya tapos three years ago daw namatay na rin iyong isa pa niyang kapatid. Ang tumatayong magulang niya ay iyong magulang ni Herald,” kwento ni Ross sa mga magulang habang papunta na sila sa tahanan ng mga Pontez.
“Ganon ba? Ay di bale, ituturing ko siyang anak ko rin. Kasi naman, dalawa lang kayong anak ko, puro lalaki pa. Buti nga at nagpakasal itong si Hansen at nagkaroon ako ng babaeng anak. Pag ikinasal na kayo ni Sandra, dalawa na ang daughters ko,” excited na hirit ng mama niya.
Ngayon palang makakaharap ng personal ng mga magulang niya si Sandra, bagama’t nagkausap na ang mga ito sa telepono. Noon kasing maaksidente siya noon, nasa ibang bansa ang mga magulang niya.
“Basta anak, tulad ng bilin ko kay Hansen, mamahalin mo, aalagaan, uunawain at pagsisilbihan ang mapapangasawa mo. Although nagawa n’yong magpakasal noon, iba na ngayon, Ross. Mature na kayo at mas responsible. Be the best man for her, okay.”
“Yes, Dad.”
Ang totoo, excited siya na kabado sa pamamanhikan. Ngayon lang din kasi siya haharap ng pormal sa Tita Marciela at Tito Robert ni Sandra bilang fiancé nito.
Sinalubong sila ng buong pamilya nang dumating sila. Andon din sina Herald at Zhei. Mayay-maya pa’y masaya at puno ng kwentuhang nagsalu-salo sila sa hapag.
Iniwan na nila ang mga magulang sa komedor at sa lanai sila nagtuloy. He lovingly embraced her waist from her back and landed a quick kiss on her cheek. “I love you.” He whispered.
“Ako rin, I love you,” tugon ni Sandra. She held his hands. “Alam mo ba ang first goal ko after our wedding?”
“Let me guess. You will give me a child?” excited na tugon niya.
She laughed. “Tama.” Bumitaw ito sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Iniyakap nito ang braso sa leeg niya. “I promise, you will experience how nice to be a father and this time it’s for real. Hndi na ikaw iyong tipong yayo ng pamangkin mo. You will take care of your own baby.”
“Thank you.” He lovingly embraced her and swayed. Isinayaw niya ito kahit walang music. He hummed her favorite song, This I Promise You.
SERENADED by Thunderkizz Band pride- Ayame and Yohann together with the Zeus-Apollo Academy Choir, Sandra and Ross shared the most romantic wedding ceremony she ever imagined. Now, si Mrs. Kahsandra Limien Pontez-Ferrer na ulit siya. Official na, at wala ng bawian.
Ang solemn at romantic ceremony ay nauwi sa makulit at masayang dance party sa Senang Hati. Isinara sa public ang bar ng isang gabi para sa celebration ng kasal nila. Pinaghalong rock at RNB ang tema ng music kaya lalong naging masaya ang party.
“Sandra, ayaw ko pang ikasal at ayaw kong ikasal sa tukmol na iyon. Ulitin mo na lang ang paghagis nito.”
Ibinalik ni Diane sa kanya ang bouquet pero nabawi iyon ni Reijan na siyang nakasalo ng garter at ipinagpilitan ang bulaklak kay Diane.
“Hindi mo na mababago, ako ang destiny mo kaya umayos ka.”
Nag-iiringan pa ang dalawa habang naglalakad-palayo sa kanya. “Kulit ng dalawang iyon.”
“Sinabi mo pa. Sandra, hindi ka pa ba napapagod sumayaw? Kanina pa tayo dito sa dance floor. Nagpalit na ng apat na kanta.”
“Medyo nangangawit na nga ako.”
He held her hand at iginiya siya sa mesa nila. Nasa dance party mode halos lahat ng bisita nila maging mga parents nila.
“Nakakatuwa ang parents natin, mga feeling bagets o,” buska ni Sandra.
“Oo nga. They have loved each other for decades now. Sana tayo rin,” tugon ni Ross.
Binalingan niya ito at nginitian. “Oo naman, naka-isang decade na nga tayo e.”
“O cheers para sa bagong kasal!” announced ni Earth. Itinaas ng lahat ang kanilang wine glass. “Dahil nalugi ako ng isang gabing kita dahil sa inyo, cheers!” Tumawa ang lahat, pati si Ross ay napakamot sa ulo. Noong isang araw pa kasi nagbibiruan ang dalawa na ibabawas daw ni Earth sa sweldo nito ang dapat kikitain ng bar sa isang gabi. But the truth, buong-pusong ibinigay ni Earth ang gabing iyon ng Senang Hati bilang regalo.
Ross, cling his class on her and they sipped the wine followed by a sweet kiss.
0 comments:
Post a Comment