Sunday, October 3, 2010

Kung Kami ba'y gaya nilang Mayayaman



Kung kami ba'y gaya nilang Mayayaman
 ni: Rom Factolerin

Kung kami ba’y gaya nilang mayayaman
na naggagandahan ang bihis at tikas
Nakatira sa magarang mansyon
Sa Ayala-Alabang
Kami ba’y inyong dudustahin
At duduraan?
Kung kami ba’y gaya nilang mayayaman
Ang aming mga tahanan ba
Ay inyong gigibain
Habang wala kaming magawa  
Nakatingin na lamang at nag iiyakan?

Kung kami ba’y gaya nilang mayayaman
May sampung kotseng magara 
Libong ektaryang mga lupa
May mga negosyo at trabahong ang isang buwang sweldo
Ay kayamanang pang habambuhay na
Ng abang manggagawa
Kami’y inyo rin bang ipagtutulakan sa harap ng kamera
Hihiyain, aalimurahin, babatuhin at babatutain
Sa liwanag at sikat ng araw sa EDSA?

Kung kami ba’y gaya nilang mayayaman
Mga anak ng asyendero’t pulitiko
Mga artista na ang pakikipag hiwalay sa asawa
at ang pakikipaglandian ay kinatutuwaan
at laman ng pahayagan
lalapitan din kaya kami ng media
at kakamustahin ang aming kalagayan?
Itatanong kaya nila sa amin kung kami ba’y
May masisilungan , may kakainin pa
O ang mga anak kaya nami’y
Makakapag-aral pa?

Ang kalawanging yero sa aming uluhan,
Ang nagpuputik na lupa sa aming paanan
Ang mga butas na dingding sa aming likuran
Maging ang mabahong hangin na aming nilalanghap
Lahat ito’y bunga ng aming pagsisikap
Pagsisikap na mabuhay at huminga
Mangarap at umiral
Ng pantay at may dignidad
Gaya rin naman ninyong mayayaman.


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.