Himbing
ni: Berlin Flores
kagabi,
sa ilalim ng libong mga bituin at ng mapanglaw na papawirin
ang pagkatao mo’t pagmamahal ay ganap na naging akin
sa yungyong ng buwan na piping saksi sa ating pagmamahalan,
muli pang napag-isa ang nangungulilang mga katawan
ang pagkatao mo’t pagmamahal ay ganap na naging akin
sa yungyong ng buwan na piping saksi sa ating pagmamahalan,
muli pang napag-isa ang nangungulilang mga katawan
doon,
sa kuwadradong kwarto na itinuring nating paraiso,
tinanggap mo ako sa loob ng iyong pagkatao:
kung paanong ang lupang tigang ay nagpapaunlak sa pagdalaw ng ulan sa buwan ng Mayo
upang muli pang yumabong ang mga pananim at mga puno
at umusbong sa kawalan ang bagong mundo.

lumaki tayong magkasama upang maghiwalay,
parang ulap at araw sa bukang-liwayway.
parang ulap at araw sa bukang-liwayway.
sa gitna ng ating pagniniig,
binulungan mo ako ng mga salita ng pag-ibig:
“ako’y lalagi nang sa iyo,
at kailan man ay hindi lalayo.
kung sumapit man ang tukso,
panghahawakan ko ang pag-ibig mo.”

kipkip ang mga salitang iyong binitiwan,
hinagilap ko ang kapahingahan sa gitna ng agam-agam
at ako’y humimlay sa dibdib mong naghihintay.
hinagilap ko ang kapahingahan sa gitna ng agam-agam
at ako’y humimlay sa dibdib mong naghihintay.
makalipas ang magdamag sa ‘yong piling
mapait na katotohanan ang sa aki’y gumising:
kailangan na kitang iwan
at umuwi sa aking tahanan.
mapait na katotohanan ang sa aki’y gumising:
kailangan na kitang iwan
at umuwi sa aking tahanan.
lumaki tayong magkasama upang maghiwalay,
parang ulap at araw sa bukang-liwayway.
parang ulap at araw sa bukang-liwayway.
–Berlin Flores
Hulyo 17, 2009
Pasig City
Hulyo 17, 2009
Pasig City
*salamat sa kapwa makata mula sa literary folio ng UPLB Perspectives (Pananaw X), ang pangalan ay akin nang nakalimutan, sa ilang mga taludtod na sinipi ko sa aking tula.
0 comments:
Post a Comment