Wednesday, September 15, 2010

Bayo



BAYO
ni: Sinta Isaac




Muli kong paaandarin ang eroplanong papel na ito
palabas sa paliparang panghimpapawid ng iyong buhay...
kung saan,
habang lumuluha ang langit ay kaulayaw kita
sa marungis na papag ng mundo,
kung saan tayo lamang dalawa,
ang magkasiping,
gumugulong gulong,
sa mabaho at maputik na sahig
ng ating relasyon.

Magkadikit ang balat,
magkasugpong ang dulo ng ating
mga daliri,
dinadama ang kalamigang basag,
pira-pirasong bubog,
tumalsik,
bumaon,
dito,
sa mga tula kong walang kapaguran
kong bibigkasin sa iyo------

Muli akong maglilikot,
sa piling ng iba,
maaaring bukas,
o mamaya na.

Maghihintay ka,
hindi ba?
Huwag mo sanang sabihing hindi.

Hayaan mo akong bigkasin
ang mga saknong ng pait,
alam kong guguhit ito,
paloob sa iyong mga singit,
sa iyong hiwa,
pababa,
pataas,
pakanan,
pakaliwa...

May pakialam ka pa ba?

Oo, irog...
ililihim ko sa iyo ang lungkot,
hindi ko ito ibabahagi sa iyo,
dahil-----
dahil ayoko...

ayoko mahal,

ayokong sirain ang sandaling ito,
kung saan ikaw ay lumuluha,
at sinasaktan kita.

Hihingi ako ng patawad,
ako ba'y pagbibigyan mo pa?

ang mga kurbada sa highway ng iyong mukha,
ang bangin sa iyong katawan,
ang mga baging na gawa ng iyong buhok,
mga palatandaan na ako'y buhay,

humihinga,
sumasayaw,
umaarte,
umiiyak,
tumatawa
doon sa teatro ng iyong pag-ibig.

Hayaan mo sanang basahin ko,
ang mga kwento,
na hindi akin,
ngunit isinulat ko...

dahil ito'y iniaalay ko sa iyo.

Ikalmot mo sa aking likod,
ang kuko ng iyong pagtangis,
dahil habang ikaw ay nag-iisa,

kaulayaw ko siya...

sisirit ang tamod,
malalasahan ito ng aking bibig,
ang tamod na isinilang,
sa hiwang humati sa ating pananahimik,
hanggang sa balat,
palibot sa nangalyo mong puso,

gawa ng aking pagtataksil.

Nakikita mo ba mahal?

May munting baha sa nanlilimahid
na bubungan,
hindi kita kayang dungisan...

Nag-iinit ang iyong katawan,
nilalapnos nito ang aking katinuan,
sinisinat ang nanlamig na suyuan,

bumabalik,
bumabalik ang init...

Yumukod ako sa iyo,
tanda nang pagkabigo,

pagtanggap...

maninikluhod ako sa iyo,
dito sa iyong harapan,
saksi ang mapanupil na lipunan,

mayroon ka pa bang pakialam?

Isusukob kita sa aking payong,
dumikit ang iyong pisngi sa aking leeg,
pumulupot ang iyong
braso
sa aking balikat...

nais mo pa rin akong sandalan.

alam ko, sapagkat iyon ang aking
nararamdaman.

Sumampa ka sa aking likod.
pasan pasan kita,
at ikaw ay aking itinatawid
doon sa mumunting baha sa bubungan
ng footbridge,
habang lumuluha ang langit,

sa papag ng mundong kay rungis,


sa sahig ng ating relasyong 

mabaho,

maputik.


pasan pasan kita,

dahil nais kita buhatin,

dahil habang buhat kita,
dama ko ang bigat na iyong dinadala,

dahil habang buhat kita,
ipinasan kong muli ang lahat ng
ating alaala...

hayaan mong pasanin kita,

kasama ang agam agam,
alinlangan,

habang ikaw ay aking pasan pasan,
ibubulong ko sa iyo ang paghingi ko
ng kapatawaran...


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.