Monday, August 2, 2010

Frontal Lobe Lobotomy



by: Rom Factolerin


Dumungaw ang cleavage 


sa kanyang mga labi
At pumulandit sa polyester niyang ngiti
Ang saya ng pagniniig
Na matagal na niyang
Inaasam-asam.

Paliko ako noon sa kanto
Ng aking isipan
Nang maisipan kong
Isipin siya.
Muli ay tumingin ako sa aking relo
Sa frontal lobe ng aking ulo.

Nag-iisa siya ngunit Masaya
Ang puso niyang binudburan 
Ng kalahating kilong asupre 
At ang kanyang utak na sa
Diesel lamang umaasa.

Marahil nga’y di ko alam
Ang superhighway ng kanyang isip
Kahit alam kong sa kanyang pakete
Doon ay nakatatak ang mga ingredients.

Tresera sa transmission
Hazard lights sa mata
Scalpel sa sikmura
Tambutso sa bunganga
Hilam na luha
Giyang sa gasoline
At E minor sa gitara.

Pilit ko pa ring inaahit
Ang makapal na libag na nagdidikta
Ngunit sadyang kasama na ng hangin
Ang mga anas niya.

Kailangan nang mag reboot 
Sa BIOS ng aking buhay
At DDoS na pagpapasya
Ako man ay kailangan na ring magsuot
muli ng mga polyester na ngiti
At padungawin muli ang 
cleavage sa aking mga labi.





0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.