Friday, July 30, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 6

 
nobela ni: Melanie Quilla

Chapter Six

            “Haaay..” Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Sandra. Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang sagutan nila ni Ross. At mula ng araw na iyon ay naging pormal na ito sa kanya. Hangga’t maaring hindi siya nito kausapin ay umiiwas talaga ito.
            Wala namang mali roon. Boss siya at empleyado lang niya si Ross. Pero sino bang niloko niya? Hindi niya inaasahan ang mga nangyari. Akala niya ay susuyuin pa siya ni Ross gaya ng palagi nitong ginagawa kapag nagkakaaway sila pero hindi na nangyari iyon. Mega-iwas ito na lalong ikinade-depress niya. Para kasing wala na itong pakialam sa kanya.
            Nagulat siya nang may nagbuzz in sa internal chatroom ng office. Kay Zhei galing ang mensahe.
            azhiellapontez: O anong drama mo diyan, ‘Day? Ikaw naman kasi, pinahiya mo si Ross sa buong theater dept. Ayan tuloy, ayaw na niya sa ‘yo.
            kahsandrapontez: ‘wag ka na ngang mang-asar, ate. Anong gagawin ko? Dinedeadma na niya ako.
            azhiellapontez: hmmm, takot ka pa ring mawala siya sa’yo e ikaw na nga ang nagtaboy sa kanya. Ay naku, isa ka ngang pontez. Parang ganyan din ang ginawa ni Herald sa akin noon. 
            kahsandrapontez: oo na, oo na. kasalanan ko na nga. Nag-sorry na ako, pero dinedma lang ang beauty ko.
azhiellapontez: patay kang bata ka. Baka nakahanap na siya ng iba. Tsk tsk.  
Naasar na siya sa panggagatong ni Zhei kaya hindi na niya ito nireplayan. Pero tinamaan talaga siya sa sinabi nito. Paano nga kaya kung makatagpo ng iba si Ross?
Bilang sagot ay biglang pumasok ng opisina si Ross kasama si Emie. Nagtatawanan pa ang dalawa.
“Alam mo, Ross, nakakatuwa ka talaga. Bakit kasi ngayon lang kita nakilala e ilang taon ka na palang performer sa bar ng kapatid ko?” sambit ni Emie.
“Ang sabi ni Earth nagtatago ka daw sa mundo ng mga diwata nitong nakaraang taon kaya hindi ka naliligaw sa Senang Hati,” biro ni Ross sabay tawa.
“Si Earthilberto talaga! Anyway, sandali nga. Kunin ko lang iyong script.”
Pasimple niyang pinanood ang dalawa hanggang sa pumasok na si Ross sa cubicle nito. Napabuntong-hininga na lang siya.
            Tumayo siya para puntahan si Ross, dala ang composure na walang pakialam sa pandededma nito. “Ross, Kailangan ko na—”
            ‘Eto na, Ma’am.” Hindi na siya nito pinatapos sa sasabihin niya. Ibinigay nito sa kanya ang isang cd. “Iyan iyong sa play ng Macbeth, eto iyong sa New Yorker in Tondo, tapos pina-finalize ko pa iyong arrangement ng music para sa The Dancers. Bigay ko na lang mamayang gabi.” Basta na lang iniabot nito sa kanya ang mga cd.
            Napikon na siya. “Ross, kung galit ka sa akin, mag-away tayo.”
             Nagtatanong na binalingan siya nito. “Ayoko ng away, Ma’am. Mas  okay na magtrabaho na lang ako kesa ubusin ko ang energy ko sa kaka-defense ng sarili ko pero hindi mo naman gustong tanggapin. Kaya Ma’am, if you don’t mind, marami pa po akong trabaho ngayon, kung may iuutos ka, iutos mo na at sayang ang oras ko.” Ibinaling ulit nito sa computer ang atensyon.
            “Bakit mo ako tinataboy? Palagi ka na lang ganyan. Tinataboy mo ako palayo sa’yo,” singhal niya.
            Binalingan siya nito. Mabababasa sa mata nito ang lungkot at sakit. “Ikaw ang unang nagtaboy sa akin noong isang linggo. Sinabi ko na sa’yo na kahit kelan, hindi ako nagkaroon ng ibang babae sa buhay ko. Ikaw lang. Pero narinig mo ba iyon? Naintindihan mo ba? Hindi di ba? Sandra, napagod na akong magpaliwanag kasi sarado ka naman para makinig.” Binuksan nito ang drawer at may kinuha itong folder at iniabot sa kanya.
             “Ano ‘to?”
            “Papeles para sa divorce natin. I’ll be going back to Prague next week para sa competition na sasalihan ng choir na handle ko sa Zeus-Apollo Academy. Siguro nga, tama ka. ‘Wag na nating ipilit ang bagay na hindi na siguro pwede. Mag-divorce na tayo. Tutal naman, hindi ako naging mabuting asawa sa’yo. Hindi rin tayo nabuhay na parang tunay na mag-asawa gaya na pinangarap natin. Ano pang silbi ng papel na nagsasabing ikaw ang Mrs. Ferrer ko, kung hindi ko magampanan ang role ko bilang asawa mo?”
            “Pag-usapan natin ito, Ross.” Litung-lito si Sandra. Hindi niya alam kung paano magre-react sa sitwasyong ito. “I’m sorry kung nasaktan kita.”
            Ibinalik nito ang atensyon sa computer. “Sorry din. Hindi na mababago pa ang isip ko. Ayaw na kitang saktan. Iyan lang ang paraan para tuluyang mawala ang alaala ko sa’yo. Pirmahan mo na iyan.”
            Nainis siya sa sinabi nito. Kung ganon ay nakapagdesisyon na pala ito. Masama ang loob na pinirmahan niya ang documents nang hindi man lang binasa at padabog na ibinagsak niya ang mga iyon sa mesa nito. “Makakaalis ka na. You’re fired!” Hindi na niya hinintay ang reaction nito.
            “Sandra! Mag-usap kayo ng maayos hindi ganyan,” sita ni Zhei. Hindi niya napansin na nakuha na pala nila ang atensyon ng buong theater department.
            “Nakapagdesisyon na ako. Madali lang makahanap ng papalit sa kanya,” tugon niya. “At saka nakapagdesisyon na rin siya.”
            “Pero-”
            “Okay lang, Zhei,” sabat ni Ross. Tumayo ito at may iniabot sa kanya na cd. “May last job, The Dancers. Thank you sa pag-hire mo sa akin dito kasi nagkaroon ako ng pagkakataong mahalin ka ulit, Sandra. But as usual, I’m not a good lover. ‘Wag ka sanang sasaktan ng kung sinumang maswerteng papalit sa pwesto ko diyan sa puso mo. Salamat din pala sa pag-fire mo sa akin. Ginawa mong mas madali ang pagpapaalam ko. I hate myself so much. I’m breaking my promise to you again. Iiwan na naman kita.”
            Natigilan siya sa sinabi nito. Ni wala siyang nagawa habang nagliligpit ito ng gamit. Maya-maya pa’y isang picture frame ang iniabot nito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa napakalungkot nitong mata. “Sa’yo na lang ‘to.” Sa harap niya ay inalis nito ang suot na wedding ring at ipinatong iyon sa  hawak niyang frame. “I love you, Sandra. Sana kahit iyon lang, paniwalaan mo.”  Isinakbat nito ang back pack at binitbit ang isang paper bag at walang lingong naglakad ito papalabas ng opisina.
            Ilang minuto na itong nakaalis ng opisina pero hindi pa rin siya natinag. Tiningnan niya ang picture sa frame. Larawan iyon ng magkasalikop nilang kamay na parehong may suot na wedding ring. Si Ross mismo ang kumuha ng larawan na iyon noong mismong araw ng kasal nila.
            Nagsunund-sunod ang pagpatak ng luha niya.
           
            TWO months after, tuluyan nang naging empty ang bawat araw ni Sandra. Pakiramdam niya ay robot lang siya at naka-program lang lahat ng kilos. Nakahanap na sila ng bagong musical director pero higit na nami-miss niya ang dating may hawak ng posisyon na iyon. Pero sa halip na magmukmok inabala na lang niya ang sarili sa pagtatrabaho tulad ng dati.
            Abala ang buong theater department nang pumasok si Ross. God knows how much she missed him. Agad silang nagkatinginan pero walang naglakas ng loob na magsalita. Hanggang sa ngitian siya nito at nilapitan.
            “Why are you looking at me like that? Did you miss me?” makahulugang tanong nito.
            Umiwas siya ng tingin. “Di ano. Bakit naman-” Nagulat siya nang ipatong nito sa mesa ang isa sa dalawang paper bags na dala nito.
            “I bought something for you from Prague. I hope you like it and,” May kinuha ito sa dalang bag at iniabot iyon sa kanya, “ito naman iyong documents ng divorce natin.”
            Magrereklamo sana siya nang bigla na lang siya nitong nilayasan at nagtuloy sa cubicle nina Emie at Lan-lan.
            Tinitigan niya ang envelope. Hindi pa nga siya nakakarecover sa tuluyang pag-alis nito sa buhay niya, e heto na naman si Ross at pinasasakit ang ulo niya. Napailing siya habang binubuksan ang envelop. Andon nga ang papeles na nagsasabing diborsyado na sila. Pero ikinagulat niya ang isa pang papel na andon. Titulo iyon ng lupa sa Prague at nakapangalan sa kanya.
            “Isipin mo na lang na iyan ang bayad sa moral damages,” sabat ni Ross. “Iyan iyong bahay at lupang tinirahan natin sa Prague noong magpakasal tayo.”
            “Pero hindi naman ako naniningil ng damages.”
            “Kusa ko iyang ibinibigay sa’yo, Sandra kaya sana tanggapin mo na.”
            “Pero-”
            “Ayoko ng argument.”
            Nagulat siya nang yumuko ito at hinalikan siya sa pisngi. Biglang umarangkada ang puso niya. “Bye. Andyan lang ako sa tabi-tabi kaya alam kong somewhere magkikita pa rin tayo. Hope you find your true happiness this time.”
            Bago pa siya makapag-react ay nawala na ito sa paningin niya. Nakaalis na pala ito. Binalingan niya ang laman ng paper bag. Iyon ang paborito niyang pastries na sa bakeshop malapit sa bahay nila sa Prague mabibili.
            “Grabe, Ma’am Sandra. Siguro wala ako sa lugar para magbigay ng opinion pero nakikita ko kasi nagka-misunderstanding lang kayo at nag-iwasan kaya lumala. Naghihinayang ako sa inyo,” komento ni Lan-lan.
            “At isa pa, Ma’am, mahal na mahal ka talaga ni Ross. Kung sana nabasa mo iyong mga blogs niya sa internet, I bet, you would realize how lucky you are na ikaw ang minahal niya,” segunda pa ni Emie.
            “Sige, dagdagan at gatungan ni’yo pa ang durog kong puso. Sesesantihin ko kayo,” singhal niya sa mga ito.
            “Ay, wala po akong sinabi, wrong send lang ako,” bawi ni Lan-lan.
            “Choppy ako, Ma’am. Call you later!” dagdag pa ni Emie na ikinatawa lang nila.
            “Busy ba kayo, mamayang gabi? Inuman tayo, sagot ko.”

            MAGHAHATING-GABI na nang umuwi si Sandra mula sa inuman session nila nina Emie at Lan-lan. Naaasar na humiga siya sa kama. Pakiramdam niya ay hindi man lang siya tinablan ng kahit anong alak na nainom niya samantalang sina Emie at Lan-lan ay kinailangan pang sunduin ng mga boyfriend ng mga ito para makauwi. Wala siyang napala sa inuman na iyon kundi ang mainggit. Nasaksihan kasi niya kung gaano ka-sweet sina Dharyl at Excel sa dalawang kasama niya. At heto siya, bigung-bigo at wala ni driver na sumundo.
            Nahagip ng kanyang paningin ang laptop niya sa bedside table. Bumangon siya at kinuha iyon sabay lapag sa kama. She turned on the laptop and inserted a wireless broadband. Buo na ang desisyon niya. Hahanapin niya sa internet ang blog ni Ross.
            “Hah! Kung ayaw niyang magpaliwanag sa akin, ako na ang hahanap ng sagot sa tanong ko.”
            She typed his full name. Tumambad sa kanya ang Facebook, Friendster, Netlog, WAYN, Multiply, at youtube account nito. Pinagtyagaan niyang hungkatin ang lahat ng iyon pero wala rin. Puro personal info lang, kasama ng pang-model nitong mga pictures at pang-MTV videos ang laman ng mga iyon. Until she saw his latest shoutout sa Facebook. I hate myself for letting go of the only woman I’m going to love in this lifetime. May hyperlink iyong kasunod. She clicked it at tumambad nga sa kanya ang hinahanap na blog site na may heading na, “My Sweetness, My Sandra, My Life.”
            I made of my mind, there is no turning back. She’s been good to me and she deserves better than me….It’s the hardest thing I’ll ever had do, To turn around and walk away pretend that I don’t love you…
            Nagulat siya nang pumailanlang ang kantang Hardest Thing ng 98 degrees. Version iyon ni Ross dahil boses nito ang naririnig niyang kumakanta. Isang maikling blog ang bumungad sa kanya na may title na, “Maybe I’m not the Best for You.” Binasa niya muna iyon. Kapo-post lang nito ilang oras lang ang nakakalipas.
            …I know… I’m stupid. Guilty. Yes, I’m a great liar. I lied when I said I’m going to find a girl na maloloko ko. I simply can’t find any other girl because my heart only belongs to you, Sandra. I lied whenever I pretend to be okay in front of you since the day we broke up. I lied whenever I pretend not to care about you especially when I see you in pain. I’m hurting more whenever you’re hurt. Mabigat sa loob kong ayusin ang divorce natin. I felt so helpless, hopeless, and pathetic. It feels like, I died that day when you signed our divorced papers in front of me. Kung alam ko lang na masasaktan kita ng ganito, namatay na lang sana ako noon pa. Bakit nga ba nabuhay pa ako? Alam ko, hindi mo alam ang totoo. Heto sasabihin ko na.  
            Isang hyperlink ang kasunod noon pero mas minabuti ni Sandra na tapusin munang basahin ang blog na iyon.
            A never ending sorry. It’s all I can say. Pero kahit pa siguro bumalik tayo sa nakaraan, gagawin ko pa rin iyon. Iiwan pa rin kita. You really don’t deserve me, Sandra. All I can give you is love and pain. The next time we bump at each other and I smile at you, please, ignore me. Stay away. And never fall in love with me again.  
            She felt her heart crushed into pieces. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Wala silang pinagkaiba ni Ross. She also felt stupid for letting him go. Minarapat niya buksan ang direct link ng blog na mage-explain sa kanya ng dahilan nito ng pag-iwan sa kanya noon.
            Biglang kumabog ang puso niya sa kaba nang tumambad ang html page. Picture ni Ross ang una niyang nakita, nakahiga ito sa hospital bed, maraming aparato ang nakakabit sa magkabila nitong braso, may tubong nakapasak sa bibig nito, walang malay, at mukha na itong lantang gulay.  Kuha sa ICU ng isang hospital ang picture.
            Nabasa niya ang blog title, “I Can’t Die With You, I’m Sorry.”
            Nilakasan niya ang loob habang binabasa ang blog.
            Yes, selfish ako. Siguro naman maiintindihan mo ako dahil alam ko na kung ikaw ang nasa lagay ko, ganito rin ang gagawin mo…iiwan mo rin ako. There is one part of my life that I kept from you, my health condition. I have a congenital heart disease and it’s getting worse from time to time. Noong araw na sinigawan kita, inaway at tinaboy, iyon ‘yong araw na nalaman kong malala na ang sakit ko, kailangan na akong operahan sa puso o kaya naman ay mag-undergo ng heart transplant. Sa perang kinikita ng pamilya ko, hindi namin kakayanin ang medication kaya lalo akong lumala. The doctors even said I might die a year or two from that day. I don’t want you to see me suffering. I don’t want you to see me dying. I don’t want you to love me. Kasi mamatay lang ako kaya itinaboy na lang kita.
            Natutop niya ang bibig. Halu-halo na ang emosyong nararamdaman niya. Natatakot siya, nalulungkot, nasasaktan.
            I went back to Philippines and started a new life. I created this blog site for you. Kung sakaling mamatay ako at least in God’s will,  malalaman mo pa rin na mahal kita. Pagkatapos noon ay nagsikap akong magtrabaho para masuportahan ko ang medications ko. It was so hard for me. My heart disease almost killed me. Dumating nga sa puntong hindi na ako makatayo sa kama ko, a little bed ridden. Naghirap na rin kami lalo sa dami ng utang para mapagamot ako. Even the Infinity helped for my medications. Hansen gave up Penpen for a better career in limelight para kumita ng mas malaking pera. Ang daming nag-sacrifice para sa akin.
 Hanggang sa sinabi ng doctor, heart transplant na lang ang pag-asa kong madugtungan pa ang buhay ko. I waited for years pero wala pa ring donor at wala rin kaming perang pampaopera ko. Hanggang sa ako na mismo ang sumuko, I got comatose after a stroke three years ago.
            Sandaling inihinto niya ang pagbabasa. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Ilang taong isinumpa niya si Ross dahil sa pag-iwan nito sa kanya. Wala siyang idea na nag-agaw buhay na pala ito at muntik ng iwanan siya ng tuluyan. All along pala, siya ang mali dahil basta na lang niya ito sinumbatan gayong abot-langit ang pagmamahal nito sa kanya. Ilang minuto ang ginugugol niya sa pag-iyak bago muling makakuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pagbabasa.
            I was in coma for almost six months. During those days, hinanap ka ng kapatid ko, hoping na ‘pag narinig ko ang boses mo, magkakalakas-loob akong mabuhay pa. But he failed to found you. Ang nakita niya lang sa bahay natin sa Prague ay ang maliit na teddy bear kung saan natin ini-record ang mga boses natin habang masayang kumakanta ng Happy Birthday. Maybe, that bear saved my life. Your voice saved me. It was really a miracle when I finally woke up. Nagpalakas ako at finally last year, naoperahan ako at nabigyan ng bagong puso. Ngayon, okay na ako. Isa na lang ang hindi okay o talagang hindi na magiging okay—tayo.
            For couple of minutes she was numb, umiiyak lang siya nang umiiyak pero wala siyang maramdaman maliban doon. She stared at the last photo sa blog nito. It was their first and last photo nang magkabalikan sila after eight years.
            Hinaplos niya ang mukha nito sa picture. “I’m sorry, Ross. Wala kang kasalanan sa akin. Ako ang may kasalanan sa’yo.” Noong sandaling iyon ay nakabuo siya ng desisyon. Kailangan nilang magkausap ni Ross dahil may isang mahalagang bagay itong dapat malaman tungkol sa nangyari sa kanya matapos siyang iwan nito noon.
            Wala siyang pakialam kung madaling-araw pa lang. She went out and drove to Ross’ house. Pero nang mai-park niya sa tapat ng bahay ng binata ang kotse, hindi naman niya magawang bumaba ng sasakyan para mag-doorbell at harapin ito.
            Bukas ang ilaw sa loob ng bahay nito. At may naririnig siyang mga boses na nagtatawanan. Mukhang may bisita pa ang magkapatid.
            Bumuntong-hininga siya at bumaba ng kotse.
            “Uy, Sandra! Hindi ko alam na inimbitahan ka ni Ross ah. Tara pasok ka.”
            Si Hansen ang bumungad sa kanya nang lumingon siya. May bitbit itong dalawang bote ng Matador at isang plastic na may lamang yelo. 
“Ah, actually, hindi ko nga alam kung anong meron. Hindi rin ako invited. Gusto ko lang sanang makausap si Ross, importante lang.” Muntik na siyang mapahikbi nang maalala niya ang mga natuklasan niya.
            “Okay ka lang ba? I know my brother is giving you a damn heartache kahit alam niyang masasaktan din siya sa ginagawa niya. I hope maging okay na kayo.” Mukhang nag-alala ito. 
            “Okay lang ako. Kelangan ko lang talagang makita si Ross.”
            “Sige.” Binuksan nito ang gate. “Pero hindi ako sure kung makakausap mo si Ross kasi ayaw niyang magpaawat sa pag-inom. Ngayon lang kasi siya pinayagan ni Penpen tumikim ng alak at ngayon lang siya natutong mag-inom  kasi—” Natigilan ito at alam na niya kung bakit.
            “Alam ko na ang dahilan, Hansen. Nabasa ko ang blog site niya kanina kaya nga gusto ko siyang makausap.”
            Halatang nagulat ito. “Oh my…” Napailing ito. “Sorry, na-shock lang ako. Mabuti pa ay pumasok na tayo.”
            “Okay lang bang mag-gate crash ako sa party n’yo?”
            Ngumiti ito. “Hindi naman party ‘to. Parang joke-joke lang. Thunderkizz at Infinity lang ang nasa loob. Baby shower ng panganay ko. One month na lang kasi, tatay na ako.”
            “Wow, Congrats, Hansen. To follow na lang ang gift ha.”
            Tumawa ito. “Pasayahin mo na lang ang kakambal ko, iyon na lang ang gift. Hmmm, pwede ka rin bang maging ninang? Mas magandang gift iyon.”
            “Pwede.”
            “Oy Ross, time’s up ka na. Lasing ka na.”
            “Hindi pa ako lasing, may tama lang. Akin na nga iyang baso ko…masarap palang malasing. Wooohooo! Sandra, will you marry me?”
            “Lasing ka nga. Baso ko ‘to, Tatang Ross. Si Jhamo ako. Hindi tayo talo, oy!”
            “Hindi ba? Chori…Sandra, marry me!”
            “Nakakaduda ka na, Tatang. Si Boaz ako.”
            “Ay chori ulit, lasing lang. Nasa’n ba si Sandra?”
            “Inimbitahan mo ba? Wala siya dito, ‘tol.”
            “Yohann, sunduin na kaya natin si Sandra para matapos na ‘to. Baka mamaya pati sa kakambal niya ay magpropose siya.”
            Narinig nilang usapan mula sa loob. Nasundan pa iyon ng malutong na tawanan.
            Nahihiyang binalingan siya ni Hansen. “Iyan ang sinasabi ko. Kung bukas mo na lang kaya siya kausapin?”
            Umiling siya. “Kung hindi ko siya makakausap, aalagaan ko siya. Hindi rin ako mapapalagay sa bahay.”
            Nagkibit-balikat ito.
            “Ako’y alipin mo kahit hindi lasing…ay mali ang lyrics ko, take two…Ako’y alipin mo kahit hindi…ano nga ba ang lyrics no’n?”
            “Malay ko, hindi naman ako kumakanta, nagba-violin lang ako. Pare over ka na, tigilan mo na ang alak, Ross. Hindi ko ibibigay si Sandra sa’yo kapag tumagay ka pa.” Boses ni Reijan iyon.
“Mahal ko siya. Mahal ko siya. Mahal ko siya.” Sa tono ni Ross mukhang may tama na nga ito ng alak. Pagpasok niya ng pinto ay ito agad ang bumungad sa kanya. Nakasubsob ito sa mini bar counter.
“Oo na, hundred times na namin narinig iyan mula pa kanina,” buska ni Drexcel.
Lango na ito sa alak. Inagaw pa nito ang bote ng SanMig light ni Ayame. “’Wag ‘to, may germs ko na ‘to,” sita ni Ayame.
“Shandra…bumalik ka lang, hindi na ako iinom. Promish iyan,”sambit ni Ross.
“O siya, tama na ang inom, andito na ako.” Natigilan ang lahat sa pag-eksena niya. At ang lasing na si Ross ay nakatingin lang sa kanya.
“Oy, Reijan, ‘wag ka ngang magpanggap na si Sandra. Mas maganda iyon kesa sa ‘yo,” buska ni Ross na ikinatawa ng lahat. Pati tuloy siya ay natawa na rin.


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.