nobela ni Melanie Quilla
Chapter Five
Bagsak ang balikat ni Sandra nang umuwi siya sa bahay nang gabing iyon. Limang oras niyang hinintay si Ross sa restaurant kung saan sila magdi-dinner. Wala ni anino ng lalaki ang sumipot sa date nila. Nagtatampo siya pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pag-aalala.
“So how’s your date?” tanong ni Herald.
“Ang aga mo atang umuwi,” dagdag pa ni Zhei.
Malungkot na umupo siya sa sofa sa tabi ng mga ito. “Hindi siya dumating.”
“Ano?” bulalas ng dalawa.
“Hindi siya dumating. Hindi ko na rin ma-contact ang cellphone niya,” pahayag niya.
“Niloloko ka lang ata niyang asawa mong hilaw na iyan e!” komento ni Herald. Napasinghap lang ito nang sikuhin ito ng katabing asawa. “Aray!”
“Hindi manloloko ang kaibigan ko. Wala kang alam kaya tumahimik ka ha,” sita ni Zhei.
May nag-doorbell. Si Zhei ang tumayo para pagbuksan ang nag-doorbell.
“Ross! Susko, anong nangyari sa ‘yo?” bulalas ni Zhei.
Napalingon siya sa pintuan. Pumasok si Ross. May benda sa sentido nito, may mga pasa at namamaga ang kaliwang pisngi, at may bahid ng dugo ang damit nito. Nag-aalalang nilapitan niya ito.
“Anong nangyari? Bakit ka duguan?” tanong niya.
Maingat na niyakap siya nito. I’m sorry, Sandra. I caught an accident with my brother. Critical ang lagay niya ngayon.”
“What?!” sabay na bulalas nilang tatlo.
“I can’t explain more. I need you, Zhei. Please, kailangan ng kapatid ko ng dugo. Wala kaming makuha sa blood bank. Ikaw na lang ang last chance ko,” sambit nito.
“Let’s go.” Nagpatiuna na si Herald.
SA daan pabalik ng hospital ay ikinuwento ni Ross ang nangyari. Isang overspeeding van ang bumangga sa kotse nila nang papasok na sila sa Senang Hati. Kasama nila sa sasakyan si Ayame. Nadamay din sa aksidente si Marie na critical din ang kondisyon. Maliban sa bugbog sa katawan at sugat sa sentido ay may malalim rin palang sugot ito sa kanang bahagi ng tiyan nito.
Si Herald ang nagmaneho ng kotse. Sa tabi nito nakapwesto si Zhei at silang dalawa ni Ross ang nasa backseat.
Dumantay si Ross sa balikat niya. Niyakap niya ito. “Don’t worry too much, Ross. Magiging okay din sila.”
“Sana nga.”
Bigla itong napapikit at bumagsak sa kanya. “Ross!” Nawalan ito ng malay.
“Anong nangyari?” tanong ni Zhei.
“Nawalan siya ng malay,” nag-aalalang tugon niya.
“Malapit na tayo sa hospital,” sambit naman ni Herald.
Nag-ring ang phone niya. Hindi naka-register sa phonebook niya ang numero ng tumatawag. Sinagot niya ang call.
“Ms. Sandra Pontez?” anang lalaki sa kabilang linya.
“Yes.”
“This is Earth Losin III. I am the owner of Senang Hati. I believe you’re Ross special girl. Pinuntahan ka ba niya?”
Napakunot ang noo niya. “Oo, kasama ko nga siya ngayon.”
“O, thank God!” narinig niyang usal nito.
“Bakit?”
“Sandra, ibalik mo siya sa ospital. He’s not yet really okay. Tumakas lang siya sa hospital ward.”
“Ha?” Nag-aalang binalingan niya ang walang malay na si Ross habang sinasabi ni Earth ang detalye ng pagtakas diumano nito sa hospital para maghanap ng blood donor para sa kapatid nito.
NAALIMPUNGATAN si Ross dahil sa narinig niyang ingay.
“I am Jhamo, James Geoffrey Kaviero for long. Registered Nurse ako.”
“I am Gabriel Azuelo Arevalo, Boaz na lang para close tayo. I own branches of Salon and Spa houses around NCR.”
“I am Earth, Earthilberto Losin III, ako iyong tumawag sa ‘yo kanina. Aside from Senang Hati, may shares din ako sa Himalayan Resort sa Tagaytay at saka kapatid ako ni Emielaine, iyong scriptwriter ni’yo.”
“Nice meeting you all,” narinig niyang tugon ni Sandra.
“Very nice!” korong sambit ng mga ito.
“Wow, kaya naman pala nagkakandarapa itong si Ross. Napakaganda mo pala sa personal Sandra. Sa picture ka lang namin nakita e,” sambit ni Boaz.
“Ay, may ganong bola? Hindi naman ako napakaganda, ano slight lang,” tugon ni Sandra.
Napakunot-noo si Ross. Ang mga sinalipak niyang kaibigan! Nakatulog lang siya, nasunggaban na ang Sandra niya. “Oy!” untag niya sa mga ito. Agad na nag-silingunan ang mga ito. “’Wag n’yo ngang mahawak-hawakan si Sandra. Baka nakakalimutan ni’yong may mga cell numbers ako ng mga syota ni’yo. Ipagsusumbong ko kaya kayo?”
“Yown naman, possesive!” hirit ni Jhamo.
Lumapit sa kanya si Sandra. Kunot pa rin ang noo niya. “Bakit ka nagpapahawak sa mga iyan? Taken na lahat ang mga iyan.”
“Oy, ‘wag mo nga akong pagtataasan ng tono ha. Inuunahan mo ako e. Ako dapat ang nanenermon sa ‘yo ngayon, Ross Daniel. Anong naisipan mo’t tumakas ka ng hospital ha? Muntik ng magka-infection ang sugat mga mo, alam mo ba iyon?”
Binalingan ni Ross si Sandra. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito.
“Ano? Tititigan mo na lang ba ako?” untag nito sa kanya.
“Ay LQ na ‘yan. Exit na kami. Doon muna kami kay Marie ha,” sambit ni Boaz pagkatapos ay mabilis na nawala ang tatlo. Naiwan silang dalawa.
“Ano na Ross?”
“Kailangan ng kapatid ko ng dugo. Adrenalin rush na iyong nagtulak sa akin na tumakas para puntahan si Zhei. Magulo na ang isip ko noon. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makahanap ng dugo para mailigtas ang kapatid ko. I can’t lose him,” sambit niya. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Nararamdaman niyang hindi pa okay ang kakambal niya.
Niyakap siya ni Sandra. “Naiintindihan ko naman iyon. Pero sana, iniusap mo na lang sa mga kaibigan mo ang pagpapatawag kay Ate Zhei. Hindi mo na inisip ang sarili mo. May awa si Lord. Magiging okay din lahat.”
“Nasaan si Hansen?”
Hinaplos ni Sandra ang pisngi niya. “Nasa ICU siya. Doon daw muna siya oobserbahan dahil critical pa siya.”
“Si Marie?”
Natigilan ito pawang naghahanap ng isasagot sa kanya.
“Anong nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Ross.
“Siya ay….o-okay siya. Nasa ibang room.”
Mukhang may itinatago sa kanya si Sandra tungkol kay Marie. “Si Ayame?”
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang stretcher lulan si Ayame. Kasunod nito si Penpen, Jhamo at si Choi, ang tinatawag palagi ni Ayame na Prince Charming Hanilabs nito. Ewan nga lang niya kung boyfriend ito ni Ayame o hindi.
Habang inaasikaso ni Jhamo si Ayame ay binalingan naman siya ni Penpen. “Ross, ‘wag ka ng mag-alala. Ligtas na si Ayame. Ligtas na rin si Hansen.”
“Si Marie?”
Natigilan din ito sa tanong niya. Ano ba talagang nangyari kay Marie? Hindi na maganda ang nararamdaman niya.
“Doc Pen, sabihin mo na sa akin kung anong nangyari sa kanya. Magkakabarkada tayo, I deserve to know, please.”
Penpen held his hand and blew a sigh. “Marie is…she is in coma state.”
Daig pa niya ang binuhusan ng malimig na tubig. And for a moment, he was speechless. Agad siyang nagdasal na sana’y umayos na ang lagay ni Marie.
Maya-maya pa ay lumabas na rin ng silid si Penpen at ang nurse na kasama nito. Wala pa rin siyang masabi. Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya nang mga oras na iyon. Ni hindi na nga niya namalayang umiiyak na pala siya.
“Ross, you want a hug?” tanong ni Sandra.
Binalingan niya ito. Tumango siya.
She embraced him. He lost his defenses. He weeped. “She can’t die, Sandra. May asawang naghihintay sa kanya at may adopted baby siya. Hindi pwedeng mawala si Marie.”
“Relax. She will not die. For sure she will be okay soon. Magpahinga ka na. Bukas daw pwede ka na ring lumabas. Reserve all you strengths para mabantayan at maalagaan mo ang mga kaibigan mo.”
Kumalas siya sa pagkakayakap nito at tinitigan niya ito ng mataman. “Sandra, salamat. Thank you for staying here beside me.”
Ngumiti ito. “I’ll just be here.”
He kissed her forehead. “I love you.”
“I love you.”
MAKALIPAS ang ilang araw ay balik-trabaho na si Ross bagama’t iniinda pa rin niya ang mga sugat na natamo sa aksidente. Naka-confine pa rin ang kapatid niya, si Ayame at si Marie pero ayon sa mga doctor na umaasikaso sa mga ito ay umaayos na ang lagay ng mga ito. Dumadalaw na lang siya sa hospital pagkatapos magtrabaho. Hindi kasi siya pwedeng tumigil magtrabaho. Mahaba pa ang listahan ng utang ng pamilya niya na dapat nilang bayaran. Pagkatapos ay nasa hospital pa ang kapatid niya. Panibagong gastusin na naman iyon.
Naglalakad na siya papasok nang Pontez Building nang makita niya ang isang babaeng naka-apple green na bestida na hanggang tuhod ang haba, high heels at brim hat na tila nag-aabang sa lobby ng opisina. Hitsura pa lang ay mukhang mayaman ang babae.
Nagulat na lang siya nang umiyak ang babae nang makita siya at dire-diretso itong yumakap sa kanya. Isinubsob pa nito ang mukha sa dibdib niya. Sino ka? Gusto sana niyang itanong kaso naantig naman siya sa paghikbi nito kaya inalo na lang niya ito.
“Tahan na. Bakit ka ba umiiyak?” tanong niya kahit hindi niya maintindihan ang nangyayari.
“Hansen, unfair ba talaga ang mundo?”
Hindi po ako si Hansen! Ross ang pangalan ko. Ayon naman pala. Napagkamalan pala siya nitong si Hansen. Siguro ay hindi nito napansin agad ang minimal differences nila ng kakambal niya dahil kasalukuyang suot pa niya ang pink uniform ng Zeus Apollo Academy.
“Hindi naman sa ganon…Ah..eh…Life is fair. Ang mga tao lang ang unfair kaya iniisip natin na unfair ang mundo,” sagot na lang niya.
“Bakit ganon? Nung minahal kita, mahal mo naman si Penpen. Si Yohann, kay Quency naman talaga siya. Si Drexcel, may Rozuka, and even Choi na magiliw na tinatanggap iyong mga pulot na binibigay ko, Prince charming chuchu naman ni Ayame. Kung fair ang mundo, nasa’n ang para sa akin?”
So this girl is Diane, my twin’s ex. Bahagya siyang kumalas sa pagkakayap nito dahil masama na ang tingin ng receptionist ng gusali. Kahit hindi pa naman bulgar sa opisina nila ang relasyon nila ni Sandra, mas mabuti ng mag-ingat at baka mapagkamalan siyang two-timer.
He gave her advice. “Alam mo, Diane love comes in a perfect sequence of love script.” Ang artistic! buska ng utak niya. “Darating iyon sa ‘yo sa tamang eksena, sa tamang cinematography. Maaaring matagal mo na siyang kilala o makikilala mo pa lang o bagong dating lang sa buhay mo kaya hindi mo pa napapansin.”
“I’ll be honest. Si Reijan, he’s different from any guy I met before. He makes me feel that I’m sweet, I’m kind, I’m lovely, kahit na hindi naman ako ganon.” Umiling ito. “Pero…” umiyak ulit ito at yumakap ulit sa kanya. Sa dibdib niya ito sumubsob. “Pero, hindi naman ako special sa kanya.”
SABAY nag-lunch sa kalapit na restaurant sina Sandra at Reijan.
“Ikaw talaga, Reijan kung anu-anong kalokohan iyang ginagawa mo,” buska ni Sandra.
“Wala naman ah. Sinabi ko lang kay Diane na ang bait-bait niya. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko, ayun hinampas niya ako ng one-of-a-kind niyang payong. Sinungaling daw kasi ako,” tatawa-tawang sagot ni Reijan.
Napisil niya ang pisngi nito. “Ang kyut-kyut mo talaga! Anyway, totoo naman iyon e, sinungaling ka. Kelan ba bumait iyong Miss Pulot na iyon?”
“Siguro kapag lasing pero hindi rin e.”
Nagtatawanan pa sila sa pagitan ng kwentuhan nang pareho silang natigilan sa naabutang eksena sa lobby ng Pontez Building. Magkayakap si Ross at si Diane!
Anong ginagawa ng Miss Pulot na iyan kay Ross ko?! hirit ng isip niya.
“Si Sandra kasi,” sambit ni Diane.
“Si Sandra Pontez? Ano bang ginawa niya sa ‘yo?” tanong pa ng magaling na si Ross.
“Oo, siya nga. Sandra, Sandra. Puro na lang Sandra. Hindi ba pwedeng ako naman o ako na lang. Lagi na lang umeeksena iyang Sandra na iyan.”
“Pinagseselosan mo ba siya?”
Tumango si Diane. “May magbabago ba kung magselos ako?” ungot pa nito. Tumaas ng bonggang-bongga ang kilay ni Sandra sa narinig. Ano iyon? May affair ang Ross niya at Miss Pulot ni Reijan? Nagkatinginan sila ni Reijan at sabay na napabaling sa dalawang magkayakap pa rin.
Kumalas si Ross sa pagkakayakap kay Diane. Pero iniangkla naman ng huli ang braso sa bisig nito. “Hoy, pwede mo ba ‘ko samahan kumain? Kapag hindi ka pumayag uupakan kita. Tara.”
“Ross!”
“Diane!”
Halos magkapanabay na sita nila ni Reijan. Tila napasong naghiwalay naman sina Ross at Diane. Nagpapalit-palit ang tingin nilang apat sa isa’t isa hanggang sa mag-walkout na siya bago pa makahirit si Ross.
Nagkahiwalay na rin sila ni Reijan dahil hinabol nito si Diane. Nagngingitngit sa selos na dumiretso na lang siya sa opisina.
Hindi niya ata kakampi ang tadhana ngayon dahil ang nabungadan pa niya pagpasok ng opisina ay ang mag-asawang Zhei at Herald. Nagkukulitan pa ang dalawa. At kahit i-deny pa niya, sweet talagang tingnan ang dalawa at naiinggit siya.
“O, anong nangyari sa’yo at mukha ka namang crumpled paper diyan?” buska ni Herald.
“Si Ross, may kalachuchi sa lobby!” sumbong niya na ikinatawa ni Zhei. “Anong nakatawa do’n?”
“Ha?” kunot-noong tugon ni Herald.
“Sigurado ka ba? Imposibleng may kalachuchi iyon ano? E buong buhay nga niya ibibigay niya sa’yo. Of all time ha, ngayon pa ba naman siya hahanap ng ibang babae e andyan ka na?” hirit ni Zhei.
“Nagawa na nga e. Kahit itanong mo pa sa receptionist sa baba. May kalachuchi nga siyaaaaa!” Nagulantang ang buong office nang sumigaw siya sa sobrang inis.
“Oy, opisina ‘to, ineng. Kung gusto mong magwala, doon ka sa bahay magsisigaw at ‘wag dito,” sita ni Herald. “And by the way, anong kalachuchi? Kelan pa nagkadamo sa lobby ng building na ‘to?”
Narinig niyang nagtawanan ang buong Theater Department.
“Sir, kalachuchi means kalaguyo. Lenggwahe ng mga vading,” sabat ni Lan-lan.
Binalingan ni Herald ang asawa. “Ikaw, kung anu-anong itinuturo mong kabadingan sa pinsan ko ah.” Binalingan siya nito. “Nasaan ang kulugo mong irog—Aray!” Siniko ito ni Zhei.
“Ewan ko! Sumama na sa masamang damo. Bahala siya sa buhay niya.”
Nagpaalam ang mag-asawa at lumabas ng opisina.
“Sandra!” Humahangos na lumapit si Ross sa kanya pagkapasok nito ng opisina. “It’s not what you think.”
Nanggagalaiting binalingan niya ito. “Oh, you know what I’m thinking?”
“Sasabihin ko sa’yo ang totoo. Please give-”
“Wala pa akong sinasabi sa’yo, nage-explain ka na agad? You’re just guilty ‘cause you’re caught!”
“Sandra, listen to me first!”
“I don’t want to listen to your bullshit! Mahaba na ang listahan ng kasinungalingang sinabi mo sa akin, Ross. Sa tingin mo ba, paano ko pa magagawang intindihin ka o pakinggan ka? Hanggang kelan ako mag-iisip kung nagsasabi ka ng totoo o nagsisinungaling ka na naman?!” Hindi na niya napigilan ang sarili kahit batid niyang nakuha na nila ang atensyon ng lahat ng staff sa department na iyon.
“Hayaan mo kasi akong magpaliwanag!” tumaas na rin ang tono ni Ross.
“At may gana ka pa talagang magtaas ng boses? Ako ba ang may kasalanan dito? Siguro, Ross, oras na para tanggapin nating hindi nga pwede ang pinipilit natin sa ating mga sarili. You will never change! Paulit-ulit mo lang akong sasaktan! And this time, harapan mong ginawa iyon sa akin!”
“Hindi ko kilala si Diane! Napagkamalan lang niya akong si Hansen! Hindi ko siya magawang basta na lang itaboy dahil babae siya at umiiyak. Hindi kita sinasaktan!”
“’Wag mo akong sigawan!”
“Ikaw ang unang sumigaw!”
“Ayoko na, Ross. Sinungaling ka. Sinungaling! Maghanap ka ng babaeng maloloko mo!”
Those words seemed to hit his head. Natahimik ito at tinitigan lang siya. Tingin na may halong sakit, lungkot at pagmamakaawa. Naramdaman niya ang kirot sa dibdib niya at saka lang niya na-realized ang mga sinabi niya.
Tumungo lang ito. “Kung ayaw mong maniwala bahala ka. Maghahanap na ako ng babaeng maloloko ko. Maghanap ka na rin ng lalaking mamahalin ka.” Nilagpasan na siya nito. “Iyong higit sa pagmamahal ko sa’yo.” Nagdiretso na ito sa cubicle nito.
0 comments:
Post a Comment