Thursday, July 22, 2010

Find Your Way To Me - Chapter 4

nobela ni Melanie Quilla



Chapter Four

            Excited na pumasok sa opisina si Sandra. Kagagaling lang niya sa Board Meeting at bitbit niya ang isang magandang balita. Nagtaka siya nang makitang nakatambay sa cubicle niya si Zhei.
            “O akala ko ando’n ka rin sa auditorium,” bungad niya kay Zhei. Napansin niya ang mga kahon ng regalo sa mesa niya. “Wow, andami naman ata niyan.” Sinipat niya isa-isa ang gifts.
            “Birthday mo kaya. Nakakaloka ka. Trabaho ka kasi ng trabaho kaya pati birthday mo kinalimutan mo.”
            “Oy, hindi naman. Alam ko namang birthday ko ngayon.”
Kinuha ni Zhei ang isang kahon. “Unahin mong buksan iyan. Galing iyan kay Ross, dali!” excited na sambit nito.
            “Bakit parang excited ka? Alam mo ang laman nito ano?”
            “Hindi nga e. Ayaw sabihin ni Ross.  Nakita mo na ba siya? Aba, nagpapogi ng husto ang isang iyon para sa birthday mo,” natatawang hirit nito.
            “Echos!” sambit na lang niya para pagtakpan ang excitement niya. Malamang ay sinunod nito ang kondisyong hiningi niya para sa friendship na hinihingi nito. Ano na nga kayang makeover ang ginawa ni Ross? Binuksan niya ang kahon. Tumambad sa kanya isang teddy bear na isang dangkal ang laki. Nang pisilin niya ang tiyan ng bear ay narinig niya ang boses ni Ross na kumakanta ng happy birthday. Napangiti siya. After eight years, muling naging happy ang birthday niya.
            “Aaaay! Ang sweet naman ni Ross. Nakakainggit. Diyan ka na, pupuntahan ko lang ang mister ko,” sabi ni Zhei. Bigla na rin lang itong lumabas ng opisina. Naiwan siyang nag-iisa roon dahil lahat ng staff ay nasa rehearsal ng play.
            Nang kunin niya ang teddy bear sa kahon ay may napansin pa siyang mas maliit na kahon. Napakunot ang noo niya nang makita ang laman noon. Buhok? Anong tingin niya sa akin? Mangkukulam na nangangailangan ng supply ng  hair strands?  
            Hinawi niya ang buhok at natagpuan ang isang maliit na teddy bear na isang inch lang ang laki. She remembered that bear. Iyon ang birthday gift niya kay Ross noong nasa Prague pa sila. She clicked the small button on bear’s tummy. Narinig niya ang boses nilang dalawa ni Ross singing happy birthday. In split of seconds she felt tears rushing from her eyes. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang masayang nakaraan nila. Kung sana’y hindi siya iniwan ni Ross noon, sana’y hindi sila kapwa nasasaktan ngayon.
            Nakita niya ang nakasipit na sulat sa kahon.
            Happy Birthday, sweetness! Sandra, I know whatever I’ll do, you will never come back. It’s hard, but I’m trying my best to accept it. All I want now is to still have you as a friend. At least, I can still be with you. That’s how important you are to me. Bilang proof, isu-surrender ko sa’yo ang buhok ko. I’ve been living for years na mahaba ang buhok ko pero para sa’yo, pinagupitan ko na ang pobre kong buhok. Gusto ko sanang bumawi sa lahat ng pagkakamali ko. And being a good friend is a good start. Can we now be friends?
            Wala namang masama kung pagbigyan niya si Ross. Tutal naman, lahat ng galit niya rito ay tinunaw na ng katotohanang mahal pa niya ito. Siguro nga, makabubuti sa kanilang bumalik sa pagiging magkaibigan.
            Inabutan niyang abala ang buong theater department habang nagre-rehearse ang mga artista ng play. Sa director’s booth siya nagtuloy.  Naabutan  niyang nag-iisa lang doon si Ross. Wala na ang long hair nito. Wala na ang annoying earrings. At nakapolo na ito at slacks, wala na ang ragged pants.  Natameme siya nang balingan siya nito. Lalo siyang natameme nang ngumiti ito. Sus! Ang guwapo ng mister ko! 
            Nilapitan siya nito. “Sandra…”
            Bakit ang pogi mo pa rin? Bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo bang mahalin ako ulit? Pwede naman e basta palagi ka lang ganyan kagwapo! Woooh! Natauhan siya nang pumitik ito sa hangin. “O-Oo, okay lang ako. Ahm, okay iyang gupit mo, mukha kang tao.” Ang gaga ng sinasabi mo, Sandra, singhal naman ng isip niya.
            “Like it?” tanong pa ni Ross.
            I love you. Tumango siya.
            “So, pwede na iyong friendship na hinihingi ko?” He lovingly looked into her eyes.
            She felt her heart beating. Tumango ulit siya.
            Ngumiti si Ross. He immediately wrapped his loving arms around her. Hindi siya tumutol sa yakap na iyon. Matagal na niyang hinangad iyon. For couple of minutes, they stayed that way. She felt so secured habang nakakulong siya sa bisig nito.
            “I’m sorry, Sandra.” Naramdaman niyang may tumulong na tubig sa balikat niya. Ross was crying! Hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak. “God knows, I don’t want to hurt you, but I did. I’m so sorry.”
            “I told you, you are already forgiven. Tama na ang paghingi mo ng sorry. Kalimutan na lang natin iyon, Ross.” Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Caught in the act, nakita pa niya ang pagtulo ng luha ni Ross. Pinawi niya iyon ng kanyang mga kamay. “Ano ka ba, ‘wag ka ngang umiyak. Ang pangit mo e.”
            He chuckled. Pinawi rin nito ang mga luha sa pisngi niya. “Ikaw rin ang pangit mo.”
            Pabirong hinampas niya ang balikat nito. Napasinghap ito at muling niyakap siya. “I still love you.” Natigilan siya. Narinig na nga niya iyon noon sa pantry pero iba pa rin sa pakiramdam na harap-harapang sinabi nito iyon sa kanya. He looked straight into her eyes.  “I love you so much. Sa loob ng walong taon, never kong kinalimutan iyong pagmamahal na ‘yon, Sandra. Iniwan kita sa isang importanteng dahilan. Hindi ko iyon ginusto. Hindi totoong hindi kita mahal at may iba akong babae. Sinabi ko lang iyon para bitawan mo na ako. But the truth, I never loved anyone else since then. Ikaw lang, ikaw at ikaw lang.”
            “Bakit mo ako iniwan?” Hindi niya alam kung handa na siya sa paliwanag nito pero hinayaan na lang niya ang sariling itanong iyon.
            Pinawi nito ang sariling luha bago muling tinitigan siya. Halata sa mga mata nito na nag-aalinlangan ito sa nangyayari. Mukhang takot ito at hindi pa handang ipagtapat sa kanya ang lahat.
            Umiling ito. “Hindi pa ako handang sabihin sa’yo ang lahat. Bigyan mo pa ako ng panahon, Sandra. Ayokong saktan ka ulit sa malalaman mo tungkol sa akin. Hope you understand. This is not easy.”          
            Tumango siya. “Then do it when you’re ready. Hihintayin ko iyon, Ross.”
            “Thank you.” Napaubo ito, dala marahil ng pag-iyak nito. Noon pa man ay ganon na ito.
            “Iyak kasi ng iyak e.” Marahang hinagod niya ang likod nito nang hindi ito huminto sa pag-ubo. “Mahal mo pa talaga ako?” Masarap sa pakiramdam na mahal pa siya nito. Sa kabila ng lahat ay malaki pa rin ang tiwala niya kay Ross. Ramdam niyang hindi totoong nambabae ito noon. Alam niyang may ibang dahilan. Nasaktan lang talaga siya sa pag-iwan nito sa kanya.
            “Gusto mo ng ebidensya?” He moved closer to her face. Bahagyang napaatras siya. He’s about to kiss her when the door opened.
            “Dapat sa second honeymoon ni’yo ginagawa iyan at hindi dito sa director’s booth. Paano kung staff ang makakita sa inyo? Ay naku,” litanya ni Herald bago isinara ulit ang pinto. “May conference pa iyong dalawang director ni’yo kaya doon na lang kayo maghintay sa baba para sa announcement,” narinig pa nilang sambit nito.  
            Nagkatinginan sila at sabay tawa. She turned on the mic from the equipment. “Tapos na ang conference, Kuya Herald. Theater staff, I would like to congratulate you for the success of our project. The board gave the department a second fair chance. Well, I think that calls for a celebration.”  Pumailanlang sa auditorium ang boses niya. She turned it off at binalingan ulit si Ross na nahuli niyang nakatitig sa kanya.
            “Still, hindi mo pa rin ako pwedeng titigan ng ganyan kapag nasa trabaho tayo. Magtatanong ang mga staff.” Pinandilatan niya ito. 
            “’Pag wala na tayo sa trabaho, pwede na?”
            Pinandilatan niya ulit ito.

            AYAW dapuan ng antok si Sandra. Nagpabaling-baling na siya sa kama pero walang nangyari. Laman ng isip niya ang mga sinabi ni Ross. Lalo siyang napapaisip kung ano nga ba ang naging dahilan nito nang iwan siya nito noon. Bakit ito nagsinungaling?
            Pero higit sa lahat, hindi niya makalimutan ang mga sinabi nito noong birthday niya. He just confessed that he still loved her. Iyon na ang matagal na niyang hinahangad. Nagtatalo ang isip at puso niya. Gusto niyang magkabalikan sila ni Ross pero hindi siya handang masaktan muli kung saka-sakali. Hindi rin naman tuwirang sinabi ni Ross na makikipagbalikan ito.
            Pagkatapos kasi ng eksena nila sa director’s booth, naging mas obvious na ito sa pagmamahal na sinasabi nito. Palagi na itong nagpapakita ng lambing kaya naging tampulan na sila ng tukso sa opisina. Pero kahit ganon, may kung anong hindi pa rin niya maintindihan ang gumugulo sa isip niya. Hindi rin niya maisip kung bakit bigla na lang naging tahimik si Ross kahapon. Parang bigla itong nanlamig at umiiwas.

            Nag-ring ang cellphone niya. Agad na kumabog ang puso niya nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Ross. Bumuntong-hininga mula siya bago niya sinagot ang tawag.
            “Hello?”
            Walang boses na tumugon sa kanya. Sa halip ay piano ang narinig niya. At few notes pa, narinig niya ang boses ni Ross na kumakanta ng Before I Let You Go.
            Because you’ve gonna left me standing all alone. And I know I’ve got to face tomorrow on my own. But baby before I let you go I want to say I love you. I hope that you’re listening coz it’s true, baby. You’ll be forever in my heart and I know that no one else will do. So before I let you go, I want to say…. I love you.

            Hindi niya namalayan na napaluha siya. Nanginginig ang boses ni Ross habang kumakanta. Alam niya, umiiyak din ito. Lungkot ang nararamdaman niya. Lungkot dahil sa panghihinayang niya sa relasyon nila. If only Ross will fight for it. Pero friendship lang ang hiningi nito sa kabila ng pag-amin nitong mahal pa siya nito. At sa pinupunto ng kinakanta nito ngayon sa kanya, alam niyang tinutuldukan na nito ang lahat. Marahil ay maghahanap na lang ito ng timing para ipagtapat sa kanya ang nakaraan bilang closure na lang.
            “Sandra, are you there?” tanong ni Ross matapos itong kumanta.
            “Oo. Pinapaiyak mo na naman ako,” pabirong hirit niya.
            “I just want to…I just want to say I love you before I finally let you go and say goodbye. Nitong nakaraan na nakikita ko kayo palagi ni Reijan, na-realized ko na, tama na. Dapat makontento na ako sa pagkakaibigang ibinigay mo sa akin. Buksan mo ang puso mo sa iba, Sandra. Hindi lahat ng lalaki ay gago katulad ko. You deserved to find your right man.”
            She heard him sobbed. Parang piniga ang puso niya. Alam niya, nararamdaman niya, nasasaktan ito sa ginagawa nito. “Bakit mo ito ginagawa, Ross?”
            “I want you to be happy. If letting you go would make you happy, then I will let you go kahit masakit sa’kin na hanggang magkaibigan na lang tayo. Alam kong nasaktan kita ng sobra noon na naging sapat na para makalimutan mong  minahal mo ako.”
            Naiinis siya. Ross was thinking she didn’t love him anymore. “Paano mo naman nasabi na magiging masaya ako kapag ni-let go mo ako? Hindi mo ba alam na sinasaktan mo na naman ako? Bumalik ka after eight years, nakipagkaibigan. I thought everything would be better after we became friends again. Tapos, eto? You’re letting me go? Hindi mo man lang itinanong kung gusto kong makawala sa pagmamahal mo o kung ano ba ang nararamdaman ko.”
            Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Akala niya ay naglaho na ito sa kabilang linya pero nanatiling naka-hang up ang call.
            “Sandra, do you still love me?”
            Natigilan siya. Handa na ba siyang mag-take ng risk? “Can you promise you will never leave me again?” kapagdaka’y tanong niya. Iyon lang naman ang gusto niyang maging assurance.
            “Promise. If you will give me a chance, I will never leave you no matter what.”
            “Prove it.”
            “Open the door, Sandra. I’m outside your room.”  
            Sa gulat ay napabalikwas siya ng bangon. Nasa labas daw ito ng kwarto niya? Binuksan niya ang pinto at tumabad nga sa harap niya ang luhaang si Ross na may bitbit na peach roses.
            They stared at each other for couple of minutes. Then they both sobbed.  He pulled her closer to him and lovingly embraced her.
            “I love you so much, my sweeteness,” masuyong sambit nito. “Hinding-hindi na kita iiwan. Pangako. This is worth it second chance.”
            “Siguraduhin mo lang dahil mapapatay kita ‘pag iniwan mo pa ako ulit,” biro niya.
            Tumawa ito. He lovingly gazed at her and kissed her forehead. “I love you.”
            Napangiti siya. Ngayon lang ata ulit siya kinilig matapos siyang mabigo sa love department. At talagang sa iisang lalaki lang talaga siya kinilig ng ganon. “I love you.”
            “Teka, paano si Reijan?”
            “Malaki na siya. Kaya na niya sarili niya. Magkaibigan lang naman talaga kami.”

            GANADO si Ross habang tumutugtog ng piano sa rehearsal ng choir ng Zeus-Apollo Academy. Siya rin kasi ang adviser ng organization na iyon. Young talented singers of the academy were humming and blending their voices while singing Next in Line of After Image as part of the upcoming Concert for a Cause on Christmas day.
            Sumabay siyang kumanta sa   last chorus. “So I sing this song to all of my age. For these are the questions we got to face. For endless cycle that we call life, we are the one who are next in line.”  He superbly played the last notes at nakangiting pinuri ang mga estudyante niya. “Very good, young singers! So this will be the end of our rehearsal today. See you next meeting.”
            “Sir, may maganda pong kanina pang sumisilip sa labas,” sambit ng isa sa mga estudyante niya.
            Nilingon niya ang pinto ng music room at nakita niya si Sandra. Agad siyang napangiti. Kumaway siya rito. Ngumiti ito. Masyado siyang masaya dahil first date nila ngayon after eight years. Nakapaskil pa rin sa mukha niya ang kakaibang ngiti nang balingan niya ang nagbubungisngisan niyang mga estudyante.
            “Uy, si Sir, in love!” Nagtawanan na ang grupo.
            “Ang ganda ng girlfriend nyo, Sir,” sambit pa ng isa.
            “Kelan Sir ang kasal? Aba, kami na ang nakakontratang wedding singers nyo ha,”  sambit pa ng isa.
            “Sus! Yaan ni’yo, una na kayo sa listahan kapag kinasal kami,” sakay niya sa trip ng mga bata. “Pero sa ngayon e magde-date pa kami kaya hala sige, magsiuwi na rin kayo at mag-aral ng mabuti ha.”
            “Bye, Sir!” korong sambit ng mga ito bago lumabas ng music room. 
            “Sige, ingat kayo sa pagtawid-tawid ha.”
            “Kayo din po, Sir.”
            He had the sweetest sets of students. Isa iyong rason kung bakit mahal niya ang pagiging guro. Nang maglaho na ang mga estudyante niya ay saka niya sinalubong ng yakap si Sandra sa hallway.
            “Masyado ka namang excited sa date natin. Pinuntahan mo pa ako dito,” biro niya. Hindi rin biro ang bumyahe mula Quezon City hanggang sa Los Baños kung saan siya nagtuturo.
            “Oy, ma-feeling ka ha. Di ba’t may performance ang theatro diyan sa Calamba? Nag-supervise ako doon. Naisip ko nasa Laguna na ako kaya pinuntahan na lang kita tutal naman okay na ang stage play roon.”
            “Hmm… ang sabihin mo, takot ka lang na takasan kita,” biro niya habang naglalakad na sila papunta sa parking lot.
            Tinampal nito ang kaliwang dibdib niya.  “Talaga! Baka mamaya takbuhan mo ako, mahirap na.”
“Hindi na mauulit iyon. Saan mo gustong kumain?” tanong na lang niya. Nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, Ma.”
“Anak puntahan mo ang kakambal mo sa bahay ni Lan-lan diyan sa Laguna. Kanina pa silang nag-aaway ni Yohann. Umiiyak na si Ayame nang tawagan niya ako.” Bakas sa tinig ng kanyang ina ang takot at pag-aalala.
Hindi na rin niya naiwasang mag-alala. “Po? Sige po, Ma.” He ended the call.
“Problem?” tanong ni Sandra.
Hinarap niya ito. “May problema ang kakambal ko. Pinapapunta ako ni Mama sa bahay ni Ate Lan-lan. Mukhang may away ang banda.” He lovingly touched her cheeks.  “Sandra…”
“Hindi matutuloy ang date natin?” Tumango siya. Nalungkot ito. “Okay lang, Ross. Unahin mo muna sila kasi mukhang seryosong problema iyan. Hindi ka naman magiging ganyang ka-worried kung hindi.”
“Alam ko, hindi ito okay sa ‘yo. Pasensiya ka na,” malungkot na sambit niya.
She hugged him. “Okay lang talaga. Pwede pa naman nating ituloy ito some other time.”
Tinitigan niya ito. “No.  We will have dinner tonight. Pupuntahan ko lang ang kapatid ko. And I’ll make it sure we’ll have our date tonight. Okay.”
She smiled.


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.