Friday, June 11, 2010

Scratch Paper


Ni: Shielah T. Ilagan

Sa iyo nagsisimulang tumubo
Hanggang magkasanga
Ideyang naglalaro sa malikot na isip at diwa

Sa iyo nagsisimulang mabuo
Sari-saring salita at talata
kwentong pinagtagni tagni ng buhay  at pag -asa

Sa iyo nagsisimulang gumalaw
Alumpihit na kamay at lapis
Nagsimulang magkahubog at magkahugis
Larawang nais iguhit  at ipinta

Sa iyo naibubuhos
Hinagpis  at pagpupuyos
 Pati pagkakamali
Walang paghuhusga at pagkukunwari

Tinatanggap bawat dagok
Panggigigil at pighati
Pagbuhos ng ngitngit
Luhang kaypait
Tagaktak ng pawis
Sa  bawat katagang  naisulat sa galit

Sa iyo naibubulalas
Kaligayahang nag-uumapaw
Sa iyo naibabagi
sikretong walang may alam
Sa iyo naipapa-alaala
Bagay na maaaring malimutan
Sa iyo’y nasasabi lahat ng kasiyahan

Bawat kinikimkim, bawat saloobin
Bawat  alaala, bawat  pag –ibig
Bawat kwento , bawat karanasan
Bawat paglalakbay, bawat narating
Sa manipis mong katawan
Diwa’y nagkalaman
Nagkahubog, nagkabuhay  
Umani ng papuri at kaligayahan


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.