Wednesday, May 12, 2010

Breakwater



ni: Sanilyn Gianan

tuloy tuloy ang paghalik
ng alon sa dalampasigan
habang ang buwan nama'y
nakikipagkita sa dulo ng karagatan

ang simoy ng hangin 
ang siyang yumayakap sa akin
habang ikaw ang tanawin
breakwater na nag-iisa sa dilim

saksi sila
sa impit na luha
sa tagong hinanakit
sa tagong pagsuyo

naiduwal niya sa pampang
ang pait ng kanyang pagmamahal
inaruga niya ito ng kay tagal tagal
iyon pala'y irog niya'y hangal

sa breakwater
habang ang dilim 
ay nagiging umaga na
at ang buwan, umikot at nag iba

narito siya
aligaga, sa paghikbi
pagyakap sa sarili
pag ubos ng hapdi


kasabay ng alon
at matimyas na tugon
sa breakwater, noon
hayon siya nagpatilapon...


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.