Para sa Babaeng may Mirror Ball sa Mata
ni: Rom Factolerin
Para sa babaeng may mirror ball sa mata
At disco lights sa palda,
Sa kilos mong may kandado at sandata
Sinipa mo ang ulo kong
Kanina lang nakababad sa timba.
Sunog ang mga labi mong nangungusap
At bumubuga
Ng sumisingasing na bala
At ang bawat tamaan ay tumitihaya.
Ikot ng ikot ang elisi sa makina
Paroo’t parito rin ang kable sa switchboard na sira
Samantalang “not in service” daw
Ang awditibo sa loob ng pundilyo
Ng malaking mama.
Sadyang nakakahilo na ang
Mirror ball mo sa mata
Ayoko na itong Makita pa
Paalam na at ako’y aakyat na
Sa 8th floor ng aking Pagsinta.
0 comments:
Post a Comment