Friday, March 12, 2010

Para sa mga Nakatanga na Tulad ko




Minsan kapag walang magawa
At ako ay nakatulala
Ginugupit ko ng sagad ang aking mga kuko
Para lang maramdaman ko
Ang hapdi at sakit tuwing hihipo
Sa aking kapwa tao.

Minsan kapag walang magawa
Pinalilipas ko ang pananghalian
Upang maramdaman ang hapdi ng tiyan
At paano pagtaksilan ng sikmurang kumakalam
Tulad ng mga batang wala ni kanin at ulam.

Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng pagka haba haba
Upang maranasan ko ang pagod at hirap
Ng mga magsasakang nagpoprotesta
Sa kahabaan ng Mendiola.

Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng walang sapin sa paa
Upang maramdaman ko ang hinaing ng lupa
At madama ang pighati
Ng mga taong dinuhagi.

Minsan kapag walang magawa
Lumalabas ako ng walang payong
Sa hagupit ng ulan at hapdi ng araw
Upang makiisa sa mga nilalang
Na walang dingding at bubungan
Ni kapirasong masisilungan

Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng nakapikit
Upang maranasan ang dilim ng paligid
At masagot ang maraming bakit
Ng hustisyang may piring sa mata at bibig na pinid

Minsan kapag walang magawa
At ako ay nakatunganga
Nagbabasa ako ng libro ng pabaligtad
Maramdaman lang ang tunay na paghahangad
Ng mga taong pinagkaitan
Ng paaralan at karunungan.

Minsan kapag sadyang walang magawa
Ako ay napapatunganga sa kabuhungang
Aking nakikita likha ng mga taong walang
Pakundangan sa kanilang kapwa. 


0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.