Thursday, February 25, 2010

Sa Palengke ng mga Gahaman


By: Rom Factolerin

binigkas sa conspiracy bar para sa poetry reading ng Maguindanao Massacre 


Sa palengke ng mga gahaman
Tatlo singko na lang ang buhay ng tao
At kung minamalas ka minsan, tatawaran ka pa.
Walang kwenta kahit abogado ka man o mamamahayag pa,
Lalo na kung karaniwang tao ka pa.

Tatlo singko na lamang ang buhay ng mga Pilipino,
Mas mura kaysa sa kending inilalako sa kanto
Sa mga hiningang nakabitin sa dulo
Ng kalabit at nguso ng mga palalo,
Higit pa sa wisyo ng mga panginoong
Makati ang daliri sa gatilyo.

Tatlo singko na lamang ang buhay ng tao
Kaya’t sa limampu’t-pitong buhay na pinakyaw
Ibinenta at walang-awang kinatay
Ng mga burukratang mapagtungayaw
Sa mata ng buong bayang naghuhumiyaw
Katarungan at kalayaan
Laban sa mapang-aping lipunan.
Tatlo singko na lamang ang buhay ng mga Pilipino,
At ang panawagan sa mundo
Halina’t magsilbi kayo
Pakyawin ninyo habang sariwa pa
Ang mga lamang nagkalat sa lupa
Mga dugong nakakulapol sa mukha
Ng bayang sagad-sagad sa dusa at luha.

Pagkat…
Darating din ang araw
Na ang mga baryang ito ay maiipon,
Mga baryang tinumbasan ng buhay
Na siyang magsisilbing suhay
Mga baryang tutunawin sa init ng luha at galit
Ng pinaghalong dugo at pawis.

Huhubugin mula sa pinagmulang lupa at luha
Ng mga naulila
Dito isisilang ang isang uri ng bala
Balang sasalubong sa sumisibol na umaga.

Isa-isang ipuputok ang mga baril
Na naglalaman ng mga balang ito
Duduro sa sentido ng mga mapang-abuso
At dudurog sa kanilang maiitim na puso
Ibububo nito ang dugo ng mga palalo
Bilang kabayaran sa kanilang kabuhungan.

0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.