By: Paul H. Roquia
Kamukatmukat kong isipin na parang kailan lang ay sumambulat na parang nilobong kondom ang balitang babae na raw si Rustom Padilla. Tigas na fez, sey ko. Pero bahagya rin akong nakyuryos sa ganitong pasabog. Sa totoo lang , matagal nang bulung-bulungan (na pasigaw) sa lokal na syobis ang tungkol sa kanyang pagiging sirena.
Hindi lang talaga maatim ng marami na ipamukha sa kanya ito dahil kilalang barako clan sila. Sa katunayan nga nyan, nilusob ng pamilya Padilla sa pangunguna ni Robin ang bahay ni Anjo Yllana sa Fairview ng magpatutsada ito sa EatBulaga na bading si Rustom.
Nanginginig na nag-sorry si Anjo at never nang naringgan ng ganung pagbibiro ang korning komedyante (sa totoo lang siya lang at ang mga embecilic executives ng isang network ang tumatawa sa jokes nya). Paano nga namang pagbintangang shoklaers si Rustom that time, eh, ka-live in nya si Carmina Villaroel? Although ilang beses na rin kumalat ang chikka na gusto nang humiwalay ang aktres sa kanya. Super as in mega away raw sila lagi.
At ayun nga. Flumaloya si Rustom sa New York at bahagyang kinalimutan muna siya sa mundo ng kaplastikan. Napabalita rin na nakipag-agawan raw siya sa isa pang pa-mhin na actor/director/showbiz family scion sa atensyon ng isang young actor na noon ay pansamantalang nanirahan sa states after wala masyadong nangyari sa karir nya after mapasali siya sa isang youth-oriented show.
Hanggang ngayon nga raw ay ‘on each other’s claw’ pa rin daw ang dalawang mahadera-hadahera. Malamang to their horror, naloka sila dahil nakikipag-agawan na rin sa kanila ang kanilang pinag-agawan noon… dahil bukelyaelyabelyaflores na ito na isang true-blooded lafangera-paorangga, kahit na supersikat na siyang matinee idol ngayon!
At heto nga, two years so ago ; nag-out siya sa PBB. Avah, vonggah ang ratings ng edition nila dahil nagpa-exploit talaga siya sa kanyang declaration of kabadingan (kahit obyus na obyus naman) pero slight siyang minahal at hinangaan dahil daw sa kanyang honesty (?). After that, wiz na naman siya …
well, lumabas-labas din siya in some forgettable roles sa sine at tv pero hanggang doon lang. Lostvaldez uli ang lola-cum-nanay nyo at nag-gow pala sa nuyok. Nakatawa nga niyang inamin na while in the Big Apple naging model siya or nag-aral sa isang sikat na modelling school, na nakakatawa naman talaga dahil sa edad nya at bodily structure ang puede lang nyang i-model ay mga kabaong!
Then, bumalik with a big bang-shang-alang na GURLALU na raw siya, which was false alarm pala dahil hindi naman tanggal pa ang erectile appendage nya. So , chikka lang ang mga gregarious showbiz talkshows. Siya na raw si BB GANDANGHARI. Todo explain bakit ganun ang name nya kese-kese-kete-kete which people just took with grain of salt and some sugar added.
Todo papictorial na at face value maganda naman. Tapos bigla siyang nagpa-interbyu somewhere at tahasan nyang sinabing “Rustom Padilla is DEAD” . Doon na nalokah ang lahat. Di nila matake na ang isang lalake na nag-make up at nag-tarasbulbang wig ay magsasabing tepok na siya (*meaning the mhin that he was) at heto’t gurl na siya as BB GANDANGHARI. After that, trickles of news about him na lang; kesyo umapir sa gay byukon, kesyo nag-guest sa gameshow, kesyo nagkabati na raw sila ni Robin at iba pang shupatembang; kesyo ididirek raw siya ni Robin at marami pang kesyo.
Tapos, as of this writing WALA NA.
0 comments:
Post a Comment