Galit ako sa ulan
ni: Berlin Flores
Galit ako sa ulan -
dahil sa tuwing humuhugos ito papunta sa sandaigdigan,
kabilang ako sa nangababasa sa kanyang mga luha.
Pero paano kung tuwing umuulan ko lamang makikita
ang halaga ng init na nagmumula
sa pagkakahugpong ng ating kahubdan?
–Berlin Flores
Setyembre 2, 2010
Lungsod ng Mandaluyong
0 comments:
Post a Comment