ni: Melanie Quilla
Nasaan ka na ba?
Ilang milya na ba ang nalakbay mo na?
Bakit di mo na lang kasi ako balingan?
Nang hinahanap mo ay matagpuan
Nasaan ka na kasi
Ano pa bang nais mong gawin?
Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin?
Nakaabang na ako sa iyong pagdating
Nalagpasan na ako ng lahat ng tao
Lahat sila’y inuusisa na ako
Kung dumating ka na ba sa buhay ko
O maling daan na naman ang napuntahan mo
Hindi ka pa rin ba lalapit sa akin?
Ano pa bang kinakatakot mo?
Ikaw lang naman ang tanging hiling
Ikaw na lang ang kulang sa buhay ko
Hindi ko nga alam kung sino ka
Pero heto ako, hinihintay ka
Dahil alam kong hindi mo ako bibiguin
Darating ka para ako ay mahalin
Ano pa bang hinihintay mo?
Kelan ka ba maliligaw sa daan ko?
Matagal na akong nag-aabang sa iyo
Bilisan mo nga at naiinip na ako.
0 comments:
Post a Comment