Tuesday, February 23, 2010

Puting Bestida mula kay Nanay



By: Melanie Quilla

Tumawag si Nanay sa telepono
Masayang binalitang, “Anak, uuwi na ako.”
Excited na daw siyang makita ako
Umakyat sa entablado sa pagtatapos ko

Bumili daw si Nanay ng isang bestida
Para sa Graduation day ako ang bida
At pagkatapos ako’y ipagluluto niya
Ng paborito kong pagkain bilang handa

Isang linggo na lang, tapos na ako ng kolehiyo
Kaya’t nagyaya ng outing ang barkada ko
Nagpaalam ako kay Nanay at pinayagan niya ako
Wala akong ideya na huling pag-uusap na pala iyon

Masarap ang simoy ng hangin at lamig ng dagat
Kasama ang barkadang apat na taong kaakibat
Ngunit di sinasadyang aksidente ay naganap
Naglahong parang bula ang buhay ko sa isang iglap

Luhaan si Nanay nang dumating siya
Sa mismong araw, bitbit ako ng Funeraria
Si Nanay mismo ang naglinis sa aking katawan
Umiiyak na ibinihis sa akin ang puting bestida

Hindi niya ako iniwan kahit isang saglit
Pagka’t sinabi niyang iyon na ang huling sandali
Doon ko lang talaga lubos na naisip
Mahal pala ako ni Nanay kahit tinatanggi niya palagi.



0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.