Saturday, January 1, 2011

Elehiya



Hindi kailanman
bukal na isisilang

ang pag-asa at pag-ibig

dito sa azucarerang
tinigtig ng paglupig.



Walang piging na ihahanda
ang mga sakada

upang ipagsaya

ang sandali
ng paglaya.



Walang mga kwitis
na sasagitsit,

pupunit,

sa lawak at lawas
ng panggabing langit.



Walang mga mata ng paslit
ang magliliwanag

pagkakita
sa amang nagbabalik

buhat sa malaong pakikibaka
sa mga pasista-kapitalista.



Wala.



Sapagkat

kamposanto na
itong lupaing minsang


pinagpala ng Ama.





--Berlin P. Flores
Disyembre 27, 2010
Lungsod ng Pasig

0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.