ni
Macky Serrano Salvador
Natupad na ang minsan kong hiniling
wala
na ngayong nagbubunganga, naninita sa akin
pag
nagkakape ako
bago
kumain
wala
nang nananaway
pag
inaabot ko
tuwalya
sa sampayan
pagkatapos
magbabad
sa
sarili kong blog at Facebook account
wala
na, wala.
Hindi
na ako
nakaririnig
ng sermon
pag
may natitirang kanin sa'king pinggan
o
kung pumapasok ako ng bahay
nang
nakatapak
pagkagaling
sa eskuwalahan
nang
nakasapatos buong araw.
Wala
na 'kong naririnig
ni
sermon, ni sita
pag
nilalantakan ko ang balot
nang
hindi naghahapunan
o pag
nakatodo ng lakas
ipod
na nakapasak sa'king tenga
o pag
natutulog ako
nang
nakahubad.
Wala
nang pagbubungangang humahalo
sumasaliw
sa
sagitsit ng mantika sa kawali
sa
mga umagang
tinatanghali
ako nang gising
o mga
pangaral
na
nakikipag-duet
sa
huni ng mga kuliglig
sa
mga gabing
minamadaling
araw ako nang uwi.
Wala
na akong naririnig na ganoon
wala
na,
dahil
nga wala ka na
at
kasabay ng pagkawala
ng
mga sermon, pangaral, sita
pagbubunganga
wala
na rin akong
madamang
saya.
0 comments:
Post a Comment