by: Jeric Jimenez
Sa
wakas, makakanta mo na rin ang ibong matagal-tagal mo na ring sinisipulan. Ang
mga awiting di mo man lamang masambit sa labis na pagkaabala, maaawit mo na
ring mag-isa. Mapakikinggan mo na rin habang pumapaling ang leeg. Sumasabay sa
uyayi’t maaamong mga ritmo. Sa wakas, di ka na mamomroblema pa sa mga
nagliliparang mga papel o sandamakmak na duming ating nililinis. Lumbay kaming
nagdalamhati sa iyong paglisan. Ngunit masaya kami ngayong humahabi ng
kasaysaya’t mga awitin. Sa wakas, tulad ng palagi’t lagi mong bilin, natutuhan
na rin naming umawit nang sabay-sabay. At tulad ng walang humpay mong paggabay,
sa mga awitin man sa kalunsuran o sa mayuming ritmo sa kanayunan;
Dudurugin
ang maling timbre ng musika.
Wawasakin
ang garalgal na mga nota.
0 comments:
Post a Comment