by: Rom Factolerin
Lakad-takbo
akong nagmamadali
kinikilabutang
pumasok sa isang gusali
hangos sa hagdan
kumaliwa sa
palikuran
pawisan at
nanginginig
na ibinaba
ang zipper.
pikit, buntong-hininga sabay tingala
unti-unting
umagos ang ginhawa.
Mula sa sahig na
aking kinatatayuan
napatingin ako
sa aking paanan
bulbol na kulot
lumalakad ng
painot-inot
tangan-tangan sa
bibig
ng isang malaki
at maitim na
langgam
Isinara ang
zipper at butones
inayos ang
laylayan ng damit
pero hindi pa
rin mawaglit
ang tingin
sa tanawing
nakaliligalig.
Minsan ako’y
sadyang pakialamero
buhay ng iba’y
libangang usisain
kahit na ang
walang kakwenta-kwentang
gawain
tulad na lang
nitong langgam
na ewan ko ba at
imbis na pagkain
ay lagas na
bulbol ang tangay-tangay
sa kanyang mga
ngipin.
Naisip ko habang
naghuhugas na ng
aking mga kamay
mayroon nga
kayang ibig sabihin
ang ganitong
pangitain?
ano kaya ang
sasabihin ng lola kong
mapamahiin?
Marahil nga na
ang tao
sa kanyang
pamumuhay sa
makabagong mundo
sangkatutak ang
hawak at tangay-tangay
na kung anu-ano
gaya ng lagas na
bulbol sa ngipin ng
langgam
parang modernong
gadget
sa kamay ng
mangmang
pinag-ipunan at
binili kahit pa hulugan
ni hindi naman
alam kung ano ang silbi
at para saan.
0 comments:
Post a Comment