Pangungunahan nina Efren Abueg, Rogelio Ordoñez, at Elmer Ordoñez ang kaguruan para sa Ikaapat na Palihang Rogelio Sicat (PRS).
Ang PRS ay ang tanging palihan na naglilinang sa kabataang manunulat na gumagamit ng Pambansang Wika.
Gagaganapin ito sa 26 – 29 Mayo 2011 sa Amadeo, Cavite sa pamamahala ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, sa pakikipagtulungan sa Cavite Young Writers’ Association.
Sina Abueg at R. Ordoñez ay bahagi ng grupong Agos sa Disyerto. Samantalang manunulat at iskolar ng panitikan naman si E. Ordoñez.
Hinihiling na magsumite ang mga nais lumahok ng alin man sa sumusunod: limang (5) tula, o dalawang (2) maikling kuwento (10 – 15 pahina), o dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina); dalawang malikhaing sanaysay (10 – 15 pahina); maikling tala sa sarili; larawan (2x2, may kulay); at gumamit ng 12 points, doble-espasyo, 8x11 na sukat.
Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.
Ipadala ang mga kakailanganin sa email lamang na prsdfpp@yahoo.com bago matapos ang 6 ng Mayo. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email adress na ito.
0 comments:
Post a Comment