Sa puntong ito, tatagalugin ko ang blog ko. This is gonna be my first blog post in Tagalog actually. Una, medyo maselan kasi ang tema ng blog ko at ayoko namang makasakit sa mga kaibigan kong amerikano. Pangalawa, para sa mga pinoy talaga ito.
Ito ay tungkol sa masugid kong obserbasyon sa bansang pinapangarap ng lahat. Ang Estados Unidos ng America.
Tutoo at aaminin ko na ito ay isang magandang bansa. Paraiso para sa ilan at tunay na isang malaking tulong pang-pinansyal lalo na't meron kang pamilya. Maraming magagandang benepisyo. Bawat estado me kanya-kanyang batas. At ultimong pagbabayad ng buwis, iba't iba ang kanilang patakaran. At makikita mo naman kung saan napupunta ang buwis. Magaganda ang kalye, walang traffic, public schools, parks, library (na pwede kang manghiram ng aklat,CDs,DVDs ng libre!) at marami pang iba. Pero ang di ko maintindihan eh pagdating sa Medical Assistance.
Kanya-kanya ng insurance dito. At pag wala kang insurance lagot ka. Konsulta pa lang sa duktor, 100 dollars na. Wala pa dun yung mga ibang di naman kailangang mga examinations and laboratories, ek ek! Kaya dito, "BAWAL MAGKASAKIT!" As in!!! May mga over-the-counter-drugs pero pag kelangan ng prescription ng duktor, kelangan me insurance ka or magbayad ka ng duktor! Pagdating sa mga benepisyo at buwis, minsan at madalas, hindi parehas. Lalo na kung nasa middle-class ka, talo ka! Yung mga tamad at walang trabaho pa kung minsan ang mas nakikinabang sa Social Security. Ike-claim lang nila na disabled sila o kung anu-anong pamemeke o kaya mag-aanak sila taun-taon para makakuha ng benepisyo. Libreng pabahay, gamot, duktor, ospital, atbp. mula sa gobyerno. Libreng pagkain pa kung minsan. At yung mga nasa middle class ang nagdurusa. Kasi pag ang income mo eh nasa certain bracket, you may or you may not qualify for certain benefits. Which is a bunch of bull.
At eto pa, isa sa pinakaiinis ko. Andaming Kano na tamad at mareklamo! Mas gusto pa nilang tumambay sa bahay, magreklamo at magpalaki ng tiyan kesa magtrabaho sa mababang sweldo. Pag minimum o maliit lang ang bayad, ayaw nilang tanggapin. Mas gusto pa nilang magutom at magreklamo maghapon kesa magtrabaho. Tapos eto pa, galit na galit sila sa mga latino kasi di marurunong mag-ingles at pinag mumura nila at pinapalayas nila sa bansa nila.
Eh ang problema kasi, eh yang mga latinong yan ang gumagawa ng trabahong dapat sana para sa inyo! Binibigyan kayo ng gobyerno ng trabaho pero ano ginagawa nyo? Tinatanggihan nyo kesyo mababa ang sweldo o madalas kahit okay naman ang bayad, pero sadyang mga tamad lang kayo at ayaw nyong mapagod at mahirapan. Kaya tuloy, binibigay ng gobyerno nyo ang labor sa mga latinong ito. At mas masahol pa, mas gugustuhin pa ng mga pribadong sektor na ipadala ang trabaho sa China, India at iba pang bansa sa Asia. Na tumatanggap ng kahit magkano para lang mabuhay at me makain sa araw-araw.
Oo, dapat mas malaki ang makuha ng mga taong ito sa pagtatrabaho, pero wala silang magawa kundi magtiis. Pero minsan naisip ko, kasalanan din ng gobyerno nyo. Imbes na obligahin ang mga tamad na magtrabaho, mas sila pa ang nakikinabang ng mga benepisyo. Konting pilay lang, disabled na, ayaw ng kumilos.
Pero in fairness, marami pa namang masisipag magtrabaho. Marami akong kaibigang kano na kahit 60 plus na ang edad eh nagtatrabaho pa rin. At hinahangaan ko sila. Pero mas marami pa ring tamad at reklamador. Yun ang di ko maarok. Marami sa kanila ang gumagawa ng sarili nilang problema tapos magrereklamo at ipapasa ang sisi sa iba.
Ngayon, natutunan ko kung bakit uso ang depression pills dito. Kasi maloloka ka talaga! Kaya nga sinusulat ko na lang hinaing ko. Pasensya na mga Igan. Dahil kung hindi, baka maloka din ako sa bansang ito! Sayang, maganda ang bansang ito at maraming magagandang benepisyo sa mamamayan nila. Kung masipag ka, yayaman ka dito. At hindi ako nagtataka na maraming banyaga dito na mas mayayaman pa sa mga kano. Maraming mga Indiano dito na may-ari ng mga hotel chains, gas stations and convenient stores. Tapos, yung amo ko, turkish. Yung negosyo nila eh successful at trabahador lang nila ang mga kano.
Maraming intsik at mga latino na nagmamay-ari ng mga chinese and mexican restaurants. Maraming commercial establishments dito na mga banyaga ang may-ari. Maraming pinoy sa medical field.Duktor,dentists,nurses,caregivers, Physical therapists...also accountants,engineers,computer technicians, programmers atbp.
Siguro yun ang bentahe ng bansang mahirap. Magsusumikap kang mabuti para makaahon. Gagawin mo ang lahat para mabuhay. Sana lang wag magbago pag-uugali ng mga banyaga dito. Manatili sana silang masipag at matiyaga. Para maging inspirayon sila sa mga tamad at iresponsableng kano. Ano kaya mangyayari kung halimbawang dumating ang panahon na pamunuan ng banyaga ang bansang ito? Sigurado giyera ito. Pero kahit ano pwedeng mangyari. Kagaya ng nangyari nung 9/11. Sinong mag-aakalang sa loob lamang ng isang araw eh napabagsak ng mga terorista ang ekonomiya ng bansang nag-aangking pinaka-makapangyarihan sa buong mundo?
Okay lang sana kung apektado eh yung mga karapatdapat na maapektuhan. Kaso damay lahat. Kawawa yung mga inosente at masisipag. Pero, alam ko naman kung bakit ganito. Kung bakit ganito ang pag-uugali ng mga tao at bakit ganto kalagayan ng mundo natin. At lahat ng iyan eh patutoo lamang na hindi kaya ng tao na pamunuan at ituwid ang sarili nyang landas kasi nga tao lamang siya at hindi sakdal. Sa alabok nagmula, sa alabok din ang uwi. Isa lang ang kasagutan, kailangan natin ng gabay ng Maylikha. At iyan ang hindi maamin ng mga tao. Na kailangan nila ng tulong at di nila magagawa ang lahat sa sarili nilang kakayanan. Pero darating naman ang panahon na lahat ng ito eh mawawala na at papalit ang sakdal na gobyerno na mananatili magpakailanman. Mabuhay!!!
0 comments:
Post a Comment