ni: Berlin P. Flores
Sa huli,
pare-pareho tayong huhugot
ng huling hininga
upang iwan
itong mortal na katawan
sa mga bitak ng lupa.
Kapwa tayo mangagsisisambit
ng syete palabras
habang bangkay na naaagnas
ang nalalabing lakas.
Ito ang huli nating pagluluno.
--Berlin P. Flores,
Disyembre 3, 2010
Lungsod ng Mandaluyong
0 comments:
Post a Comment