Friday, October 8, 2010

Deja vu



Deja vu

ni: Berlin Flores


nililingon natin ang kahapon na tila kakabit pa rin ng ating ngayon
katulad nang kung paanong ang isang sanggol ay habambuhay nang nakaugnay sa inang nagluwal at nagbigay-buhay



ito ang ating pusod–

tulay na naghuhugpong sa noon at ngayon ng ating mga buhay
at bigkis na sumisinop sa mga sandali ng alinlanga’t pagdarahop

minsan pa,

sipatin natin kapwa ang magaspang na haspe’t balangkas
ng ating mga kapalaran,
at muli pang tipunin sa kalyadong mga palad
ang bawat hinagap
at pag-asam sa hinaharap.

–ika-16 ng hunyo, 2010
pasig city





0 comments:

Post a Comment

 

Followers

Blogroll

Blog Disclaimer

Contents and comments on this website are the exclusive responsibility of their writers and contributors. They are the ones who will take full accountability, liability, blame and of course praise for any libel, litigation or royalties from any written brawl, bashing, assault, cussing or admiration within or as a direct result of something written in a comment. The veracity, honesty, accuracy, exactitude, completeness, factuality and politeness of any written content and comments are not guaranteed.